Chapter 26

549 33 3
                                    


"Ano Cassandra! Hindi mo ba iniisip ang kapakanan mo!, Muntik kana nila mapatay!! --- ano bang pumasok sa kokote mo na lumusob ka ng mag isa!"  sermon sa'kin ni kyle, nakabalik na kami sa Winderian, ramdam ko parin ang pagod sa'king katawan at hapdi.

"ANO!!! LAHAT KAMI PINAG AALALA MO! SA TINGIN MO BA KASING LAKAS KA NILA!!! --- MAS MALAKAS SILA SAYO HINDI MO PA NAKAKALAHATI ANG LAKAS NILA!!! " parang kirot sa dibdib ko ang sinabi nya, para bang sinasabi nya sa'kin na ang hina ko.

"Kyle tama na yan "-pag papatigil ni Shawn kay kyle.

Tinignan nya lang ito ng masama, at tumingin nanaman ito sa'kin.

"Hindi mo kasing lakas ang Ate mo "-sabay umalis sa harap namin, Bumagsak na ang kanina ko pang pinipigil ang luha ko dahil sa pinag sasabi nya.

"Huwag mo nalang intindihin si kyle, nag aalala lang sayo yun kaya nasabi nya yun "-pag lalakas loob saakin ni Shawn

Umiling ako rito... " Tama sya, Mahina lang ako, at hindi ko mapapantayan ang lakas ni Ate", pati narin sa pagmamahal.

Megan : No huwag mong sabihin yan, ramdam namin na malakas ka.

Sarah: Galit lang talaga si Kyle kaya nasabi nya sayo yun, pero hindi totoo ang sinabi nya, dahil ramdam ko, ramdam namin na malakas ka.

Tumango naman ang iba pa naming kasama.

"Anak! jusko ano kaba, pinag alala mo kami ng husto" nag mamadaling pumunta dito si mama sabay yakap sa'kin.

"Anak wag monang uulitin iyun... Natakot kami sa ginawa mong plano," Saad naman ng hari ang aking ama.

"May masakit paba ang katawan mo?" nag alalang tanong saakin ni kuya.

Ngumiti nalang ako sakanya kahit masakit pa ang katawan ko ay sinabi ko nalang na ayos ako ayaw ko pang dagdagan ang problema.

"Ihatid mo na ang kapatid mo sa kwarto nya para mag pahinga na"-humalik ito sa aking pisngi ganun din si papa bago ako nag lakad kahit masakit ang mga paa ko sa paghakbang ay tinitiis ko para hindi silang mag duda na hindi ako ok.

"Ito ang magiging kwarto mo, Bunso "-bakas parin ang pag alala ni kuya sa'kin, sinuklian ko nalang sya ng matamis na ngiti.

"Ayos kalang ba talaga? "

"Oo kuya ayos lang ang, pagod lang itong katawan ko " nag kamot pa ako ng ulo.

"Sige Alis na muna ako at mag pahinga kana" tinap nya at ulo ko sabay halik sa noo.

Nung sumara na ang aking pintuan ay agad akong humiga sa kama at niyakap ang unan para dun umiyak .


----

Kyle Pov

"Bwiset!!! " hinagis ko ang baso na may laman na wine, Lumisan ako sa harap nila Cassandra at pumunta ako dito sa sala para uminom.

"O chill lang walang kasalanan ang baso " tumingin ako sa aking likuran, si Shawn pala ang nag salita.

"Bakit ka nandidito" malamig na sabi ko sakanya.

"Bakit mo sinabi pa sakanya yun " biglang sumeryoso ang boses ni shawn habang sinasabi nya yun.

Nakaramdam ako ng guilt sa pinag sasabi ko sakanya kanina, dahil sa pag alala ko sakanya, napag salitaan ko sya ng masasakit nakataga, kahit ayaw kong sabihin yun ay automatic na lumabas yun sa aking bibig.

"Hindi ko sinasadya ang pagalitan ko sya ng ganon"  napasabunot nalang ako ng aking buhok.

"Halatang dinamdam nya yun Kyle, halata sa mata nya na nasaktan sya sa sinabi mo " Napasapo nalang ako sa noo, bakit ko pa kasi sinabi yun!!!

"Hindi ko sinasadya, maniwala ka " malungkot sa sabi ko sakanya.

"Ramdam ko ang senseridad mo" tinap nya ang aking balikat.

"Naiinis ako sa sarili ko kanina, kung paano kung natagalan tayo, baka nag kalasoglasog na katawan sa mga p*tang ina na mga semon na'yun!! ... " kumuha ako ulit ng isang baso at nilagyan ng laman na wine, tapos agad iyun tinungga.

"Kahit kami ay ganun din ang naiisip, Buti nalang ay yung lang ang nangyari sakanya saad nya.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mayangyari ulit ng masama sakanya " banggit ko, sana ito na ang huli, huling masaktan... Ayoko syang nakikitang may sugat at matamlay.

Pumasok ako sa kwarto ni Casaandra para sana humingi ng tawad sa sinabi ko kanina pero, tulog ito at halata sa mata nya na nakatulog sa pag iyak nya.

Umupo ako sa gilid nya at pinagmasdan ang maamo nyang mukha, tinanggal ko ang mga nakaharang na buhok nito sa kanyang mukha at sabay haplos.

"Cassandra... Hindi ko sinasadya ang binigkas kong kaninang salita, nadala lang ako sa galit at pag alala... Ayoko lang na nakikita kang nahihirapan tulad nito,"  Kahit naibsan na ang mga sugat nya ay halata parin na may masakit sakanya.

"Mahal na mahal kita, Cassandra " sabay halik sa kanyang malambot nyang labi, Buti nalang ay hindi ito nagising sa pag halik ko, Hinalikan ko ulit sya noo bago ako lumisan sa kwarto nya .

---

Aya Pov

Nag pulong kami sa punong bulwagan dito sa loob ng palasyo, hinihintay lang namin na dumating si kyle dahil nag paalam ito na dumaan saglit kay Cassandra.

Lucas: Alam na lahat ng mamamayan ng Winderian na buhay ang isa pang princessa at Alam na rin nila na, Sya ang nag pabalik sa dating ayos ng paligid ng Winderian.

Luke : Isa rin syang Healing Elemental?

Josh : Ang alam ko lang na may ganon na may kakayahan sina Leslie at Shawn pero Ganun din pala si Ash I mean Cassandra.

"Ako rin ay nagulat dahil, Ang dami nyang katangian " saad ko

"Kyle anong kalagayan ni Cassandra ngayon" napalingon kami sa likod namin dahil sa tanong ni kuya Aries.

"Ayos naman ang kalagayan nya, natutulog ng mahimbing " simpleng sagot nya, umupo ito sa bakanting upuan at nag umpisa na kaming mag meeting.

"Bukas ay lulusob tayo sa Kaharian ng Semon, Bibigyan natin sila ng leksyon sa pagtangkang paglusob dito sa kaharian. " saad ng hari.

"Yun din ang nasaisip ko mahal na hari, tutulong din kami nina ama " saad ni kyle. Tumango nalang ang hari sakanya.

"Naging nalakas na ang Semon sa atin, Dahil mas naging maunlad ito kesa sa Winderian At ganon na rin sa inyo. " sabi ng hari.

"Bukas lulusob tayo sa kanila, Mag handa kayo dahil, mapapasabak tayo sa mga Semon dahil, malakas na rin sila kesa sa'tin" Ang hari

"S-si Casaandra ba ay isasama natin ?" nag aalangang tanong mo sakanya.

"hindi sya kasali sa pag lusob sa Semon dahil hindi pa kaya ng katawan nya, Ayokong magalusan ulit ang bunsong anak ko " nakangiting saad ng hari, halata dito na masaya ang mga mata nya dahil kahit papaano ay nakita at nakasama nila ang nahiwalay na bunsong anak nila.












______________________________________________________________

To be continued...

Pirsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon