Kabanata 04

15 0 0
                                    

Nang imulat ko ang mata ko ay medyo nanlalabo pa ito ay naaninag ko ang kulay pink na bagay sa harap ko at ng maaninag ko ng tuluyan ay halos mapalundag ang puso ko ng makita ko ang bagay na iyon at inaamoy-amoy pa ako kumurap-kurap pa ako sa pagaakalang mali iyon pero tama talaga ako dahil isa itong



BABOY!?????????????



“WAAAAAAAAAAH!” sigaw ko na ikinagulat ng baboy kung kaya't nagsisigaw din ito

“Eeeeck Niyyyyeeeeck Eeccck” sigaw din ng baboy na ngayo'y hindi na mapakali at nagliligalig na akala moy kakatayin na. Dahil sa paglligalig niya ay natalsikan ako ng mga lupang medyo maputik.

“WaaaaaahhHHHH! KUYA MAY BIIK WAAAAAAHHH!” hiyaw ko pa nung patalon talon na yung baboy at feeling ko ay susugurin na ako nito. Mabilis naman akong napatayo at nagpapanic na din dahil hindi ko alam ang gagawin.

“Binibini, ginugulat mo si Patpat!” sabi ng lalaking  biglang lumapit sa baboy.

“Patpat tumigil kana! Ano ang ginawa mo sa  binibini!?” sabi pa ng lalaking  naka-sumbrelo at nakasuot pang-magsasaka na ngayoy hila hila na yung baboy at pilit na pinapakalma  ngunit nagkaka-kalas naman ang baboy at feeling ko susugurin ulit ako.

“WAHHHHH SHU! SHUUUU! AHHHHH MAMA!”  pagtataboy ko sa baboy na pilit akong nilalapitan. Kung kayat humarang ang lalaki at pilit na pinapakalma ang baboy.

“Binibini, pakiusap lumayo po muna kayo! papakalmahin ko muna si Patpat!” sabi niya lumayo naman ako ng kaunti ng humarang siya sa pagitan namin habang hila hila niya yung baboy na medyo kumakalma na rin. Atsaka diretso silang pumunta sa may kulungan ng baboy at pinasok niya ito doon.

At ano daw Patpat yung name pero baboy itsura? Napaka creative naman niyang magisip ng name.

Pinakatitigan ko lang siya hanggang sa marealize ko na Im not belong on this group . Nasa isang pastulan ako kung saan mayroong mga hayop na baboy, kabayo,itik, manok at iba pa. Mayroon ding ilog na malapit at bukirin. Nasaan ako? Sino ang lalaking yun? Anong ginagawa ko sa bukid nato? At bakit ako nandito?

OHHEMMMGEE! panaginip ba to? Ito na ba ulit yung panaginip ko? Pero diba hinahabol ko lang yung snatcher ng wallet ko? Pano ako nakapunta dito? At anong lugar bato? Bakit puro lupain lang ang nakikita ko dito? Anong nangyari nung hinabol ko yung lalaki.

Ano nga ba?

Anong nangyari?

Loading. . . .

Loading. . . . .

LOW-DING. . . . .

Connection Error. . . . .

Teka bat hindi ko na maalala? At bakit ba kase  nandito ako? Nakatakbo ba ako dito ng hindi ko namamalayan dahil sa kakahabol ko sa lalaking snatcher na yun? WaaaaaahhHHHHHHH!? halaaaaa!? O baka naman nawalan ako ng malay kanina tapos. . . .     . . WAAAAAAHHH! Dinala ako ng mga sindikatong nakaputing Van dito! WaaaaahhhhhHHHHH!

“Binibini paumanhin sapagkat nadumihan ni Patpat ang iyong saya, Ngunit binibini masyado ka naman atang nagulat sa paborito mong hayop dito sa pastulan. Apat na buwan lang kayong hindi nagkita ni Patpat at natural na ang pagkalaki nito sapagkat inalagaan ko siyang mabuti ayon na rin sa bilin niyo” sabi ng lalaking naka-sumbrelo, tumitig ako sa kaniya at napansin ko ang ka-machohang taglay nito dahil kahit luma na at medyo sira-sirang damit na manipis na pangsaka ang suot nito ay nababakat naman ang ka-machohan niya.

“Huwag ka nang mag-alala binibini, akala ko pa man din ay matutuwa ka na kay Patpat dahil nakita mo ulit ito  kung kayat nagawa mo na namang humiga diyan upang lambingin muli si Patpat” sabi pa niya.

Independence Of Our Heart (The Untold Story in 1898)Where stories live. Discover now