Kabanata 1

9.6K 745 891
                                    

Kabanata 1 :

Nandito ako sa corridor sa tapat ng room namin. Dito ako pumwesto sa gilid para tahimik na magpahangin.

Ayoko ng mga naririnig kong usapan sa loob habang free time pa namin. Wala kasi ang next professor dapat namin kaya todo usapan silang lahat doon. Puro tungkol sa nagsu-suicide ang topic nila kaya umiwas nalang ako sa kanila.

Naka-earphone lang ako habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa railings ang likod. Tumitig ako sa ibaba.

May iilang mga estudyante ang naglalakad sa daan. Napukaw ng isang babae ang atensyon ko. Bahagya akong napabali ng leeg sa pagtataka.

Nakasuot lang naman siya ng uniporme namin na puting longsleeve polo, black na palda na hanggang taas ng tuhod, black necktie, black long socks, black shoes. Itim na itim rin ang buhok nito na naging sanhi para mas makita ang kaputian ng kaniyang balat.

Hindi naman siya pamilyar sa akin. Malamang ay transferee lang siya. Hindi ko siya kilala pero hindi ko mawari ang nararamdaman ko.

May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Napakunot ako ng noo sa nararamdaman ko. Para akong may hinala na hindi ko naman alam kung ano. Para akong kinakabahan na hindi naman. Ramdam ko ang mabilis na pagtikbok ng puso ko.

Bakit ko nararamdaman 'to?

Kakaiba ang pakiramdam na ito at naramdaman ko lang ito noong mga nakalipas na ilang linggo lang. Mga tatlong beses lang.

Ano ba 'to?

Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pakikinig ng music mula sa earphone ko. Pumikit ako at nagpahinga.

"Angel." Napamulat ako ng mata at nakakunot ang noo na tinitigan ang lalaking nakaupo sa tapat ko at nakatitig sa mukha ko. Si Javex.

Nakasuot ito ng panglalaking uniporme. Puting polo, itim na slocks, medyas at sapatos. May itim na necktie rin ito. Nakabagsak ang itim na buhok niya na may bangs at may kaunting noo na kita sa isang side nito.

Tinanggal ko ang isang earphone ko sa tainga at tinaasan siya ng isang kilay.

"Sungit." Aniya at tumayo na.

Naglakad na siya papasok sa classroom namin.

Anong trip niya?

Anong Angel?

Hindi naman Angel ang pangalan ko, Kalixa Zeanfei. Ni isa roon sa pangalan ko ay wala siyang nasabi. Malayo iyon sa Angel.

Tumayo na rin ako at pinagpagan ang sarili bago pumasok sa classroom.

Natapos ang klase at agad na rin akong lumabas ng classroom. Kalalabas ko lang ng building at hindi pa ako nakakalayo ng magulat ako ng makarinig ako ng tila may bumagsak sa tabi ko.

Nagsitilian dahil sa takot ang mga nasa paligid ko at nagsitakbuhan palayo.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko ng pagharap ko sa pinanggalingan ng tunog ay nakita ko ang isang babaeng nakahiga na sa sahig. Unti-unting umagos ang dugo mula sa katawan nito.

Basag ang bungo nito at saliwa ang kamay at paa. Halatang nabali na. Katulad lang noong nakaraang araw. Mukhang tumalon ito mula sa itaas ng building.

Hindi ko maalis ang atensyon ko sa bangkay. Nakatagilid ang ulo nito at kitang kita ko ang mukha niyang nalalagyan na ng sariling dugo. Mahaba at itim na itim ang buhok nitong gulo-gulo na. Siya iyong babaeng tinitingnan ko lang kanina. Iyon may naramdaman akong kaba.

Napahawak ako sa dibdib ko para pakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Nakakaramdaman ako ng kaba ngunit tila mas higit pa sa kaba. Hindi ko talaga mawari ang pakiramdam na ito. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Suicide University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon