Kabanata 2

6.8K 633 415
                                    

Kabanata 2 :

Sinubukan kong hanapin ang babae sa buong school ngunit hindi ko na ito mahanap.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng school at maghintay sa waiting shed na hindi kalayuan sa school namin. College student naman ako kaya pwede na akong lumabas ng school at hindi mapapansin ng mga guard kung nagcutting class ba ako o hindi.

Tahimik lang akong nagnonood ng mga sasakyan at mga taong nadaan sa paligid ko. Hinihintay ko lang na makita kong lumabas ng school ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung Highschool ba siya o College.

Basta ang alam ko lang ay hihintayin ko siya dahil gusto ko siyang makita.

Kailangan ko siyang makita.

Ilang oras pa ang lumipas at nasayang lang ang oras ko kakahintay. Ni hindi ko na nakita ang babaeng iyon kaya nagdesisyon nalang akong umuwi ng bahay.

Kinabukasan ay nabalitaan ko nalang na natagpuan siya sa kwarto niya sa bahay nila. Naglaslas raw ng pulso na kaniyang ikinamatay.

Nabigo akong makita siya bago siya mamatay pero sisiguraduhin kong makakaharap ko na ang susunod na magsu-suicide.

Susubukan kong mailigtas ang susunod.

"Don't forget the birthday party of the son of Mr. Braven tomorrow." Paalala ni Dad habang nakain kami rito sa dinning at nakaupo siya sa kabisera.

I think Mr. Braven is one of their Business Partner.

"Pass po ako Dad." Magalang na paalam ko sa kaniya.

Napansin ko ang pagtitig sa akin ng step siblings at step Mom ko pero hindi ko na iyon pinansin.

"Your presence is important." Wika ni Dad.

"I don't like to socialize, you know that, Dad." Sagot ko sa kaniya.

"You would love to go there, Ate. Javex is famous, you'll love to get along with him." Kinikilig na sabi ni Celestine.

"I don't care if he's famous, Ces." Sagot ko at muli nang kumain.

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ng may maalala sa pangalang sinabi niya. Javex? Hindi naman siguro iyong kaklase kong Javex ang pangalang tinutukoy nila?

"I thought you'll love to go there and you're invited too. He's your classmate, diba?" Napatingin ako kay Tita Helein.

Classmate? So si Javex nga ang tinutukoy nila. Famous pala 'yon?

"I still don't want to go." Pagsasabi ko ng totoo.

Wala naman akong pake kahit kaklase ko pa ang may birthday. Hindi naman ako close sa mga kaklase ko, siguradong mabo-bored lang ako roon.

"You want to have your own condo, right?" Napatingin kaming lahat kay Dad.

Sinong tinutukoy niya?

"Me, Dad?" Tanong ni Dion.

"Nah, your Ate Kalix." Sagot ni Dad kay Dion.

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Seryoso, Dad?" Tanong ko. Baka nagbibiro lang kasi siya.

"Go with us then you can have the condo after the party." Aniya na mas ikinagulat ko.

Agad-agad?

"Is Mr. Braven that important? Kailangan pa po talaga ang presensya ko?" Nagtatakang tanong ko kay Dad.

"Ikaw ang panganay and I have one more reason, sa party mo nalang malalaman." Tugon niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ba mauubusan ng panggulat at pangpagtataka si Dad?

Suicide University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon