CHAPTER 11

792 43 0
                                    

Zenaya's POV

Hindi muna ko kumilos pagkalapit ng mga zombies

This time mas dinig ko na yung mga ungol nila

Pinagmasdan ko lang sila

103017

Another code? Nasa noo kasi yun code

Nung una 102017 tas ngayon 103017

Hindi naman ako tanga para hindi malaman na date yan pero at the same time it can be a code

Pinicturan ko muna iyon bago tumayo

"Sorry nalang sainyo at naging zombie kayo" sabi ko at tinaas ang sarili ko sa may puno. Pagakyat ko sa puno naglagay ako ng tatlong granada bago ako nag swing sa kabilang puno

Malayo na pwesto ko sa kotse kaya bago sumabog yun granada kinuha ko yun baril ko at in-aim ang gas ng kotse

*BOOOOOOOOOOOM*

Narinig ko yun bus kaya agad ako bumaba at pumunta sa gas station

"What the hell did you do!?" Sigaw ng pinsan ko habang si Sir Paul at ang kaibigan ko na si Cj at Ivann ay tinulungan si Sir sa pagkuha ng gas

"Binomba, go kailangan ko i clear yung area, help them, get gas as many as you can, follow what i said to Kaila" kalmado kong utos sakaniya at umalis na

Hindi naman ganon karami ang zombies na binombahan ko, naattract lang yung iba sa pagsabog kaya nakalusot sila

As usual, saksak sa ulo, ilag, saksak, baril lang ang ginagawa ko hanggang marating ako sa likod kung nasan yung c.r

"T-tulong p-po" napatigil ako sa pakikipagbakbakan sa zombies nang marinig ko yon

And there, i saw a kid lying on the floor na nabagsakan ng kahoy kaya hindi siya makaalis

Buti hindi siya nakagat ng zombie?

Nilapitan ko siya at pilit tinanggal yung kahoy

"Stay still kiddo, ate will help you" sabi ko sakaniya at ningitian, "A-ate, sa li-likod---" hindi ko na tinapos yun sasabihin niya at agad humarap at bumaril lang ng bumaril

Pota, napakadami di ko toh kakayanin!

Nang ma clear ko yung mga papalapit sakin hindi na ko nagaksaya ng oras at sapilitang inangat yung kahoy at inalis sa bata,

Nakita ko na dumudugo yung binti niya kaya inalis ko yung tshirt ko at tinali sa binti niya kaya naka sports bra nalang ako

Good thing hindi siya nakagat, "Let's go, safe ka kay Ate" sabi ko at piniggy back ride ko siya, "Kapit ka lang ha? Huwag ka bibitaw" sabi ko at nagsimulang tumakbo habang bumabaril, hindi ako pwedeng gumamit ng katana kasi baka makagat siya

Hindi ko alam kung san kami pupunta pero dere deretsyo lang ako habang bumabaril pa din, kinailangan ko na din gamitin yun katana ko at pilit na hindi makagat yung bata sa likod ko

May nakita ako isang bodega kaya dumeretsyo ako don

Pagbukas ko may lumitaw na zombie at dahil hindi ako nakahanda hinarang ko yung kamay ko at nakagat

"Ate!" Gulat na sabi ng bata pero hindi ko pinansin at binaril yung zombie at tinulak ko palabas tsaka kami pumasok

Nilapag ko yung bata at pinagmasdan yung bodega

It's not actually bodega kasi malinis siya

Headquarter ata ng guard?

May nakita akong medical kit kaya kinuha ko yun, "At-ate yun sugat mo po" sabi niya sakin, "Okay lang ako, ikaw muna gamutin bago ako okay?" Nakangiti kong sabi na ikinatango niya

Sinimulan ko na linisin yun sugat niya, mabuti nalang at may water dispenser doon kaya ginamit ko yun para malinisan ng maayos yun sugat niya

"What's your name kid?" Tanong ko habang pinupunasan yun sugat niya, "Zander po, 6 years old po" sabi niya sakin, "Uhm, asan yung parents mo?" Tanong ko pa kahit may idea na ko, "Sinave po nila ako sa mga zombies pero naging zombie din po sila nung nakagat po" malungkot niyang kwento, "Don't worry, dadalhin kita sa mga kasama ko bago pa ako maging zombie, Ate Zenaya pala ang name ko" pakilala ko, natapos ko na linisin yun sugat niya kaya yun sugat ko yun nilinis ko, binudburan ko ng alcohol yung sugat ko at to be honest, sobrang hapdi, "Ate, magiging safe po ba tayo?" Tanong niya sakin, "Yes Zander, you and I will be safe, nagiintay sakin yung mga kaibigan ko pero pinauna ko na sila, susunod tayo sakanila okay?" Paliwanag ko na ikinatango niya

So far wala pa naman ako nararamdamang kakaiba sa sugat ko kaya nagpahinga muna kami saglit

Kinuha ko yung phone to check some updates

From : Kaila
Safe na kami, after second stop over, there's a big tree andon kami, madami din kami nakuha na gas, where are you?"

From : Nadine
Already done, be safe

Agad ako nagtype para mareplayan si Kaila

To : Kaila
Nagpapahinga ako, maya maya pupunta na ko dyan, may kasama akong bata, 6 years old, hindi siya infected, go and eat.

*sent

"Ate, hindi ko po alam if ano ito, nasa backpack ko lang po" tawag pansin sakin ni Zander, same technology na nakuha ko nung nakita namin ni Joseph yung bangkay
"San mo nakuha toh?" Tanong ko habang sinusuri, "Hindi ko po alam ate eh, nilagay lang po ni Daddy diyan bago kami pumunta sa Bulacan" kwento niya, tinginan ko pa yung ibang laman ng bag pack niya pero wala na ko nakitang kakaiba maliban sa pinakita niya sakin, "Magpahinga ka muna Zander, mamaya aalis na tayo okay?" Sabi ko sakaniya at binigay yung phone ko para mag games siya nang malibang

Hindi kami pwede lumabas dahil naririnig ko pa yung mga ungol ng zombies sa labas kaya nagiisip ako ng paraan kung pano kami makakalabas

Kinuha ko yung backpack ni Zander at nilagay yung mga importanteng gamit na nakikita ko dito, malaki naman yung bagpack niya kaya okay lang, hindi din naman ganon kadami yon

"Ate, may tumatawag po" sabi niya at inabot yung cellphone ko

Joey Calling

"Hello?"

"What the fuck Zenaya!? Asan ka ba!? Pinagaalala mo ko! I'll pick you up just tell me where you are!"

Agad ko nilayo yung cellphone ko sa lakas ng sigaw niya na kahit si Zander napakunot yung noo niya,

"Calm down insan, i'm perfectly safe, pupunta na ako diyan" sabi ko at binaba yung tawag

"Zander, i know na hindi ka pa nakakabawi ng lakas but we need to go" sabi ko sakaniya, "Sige po ate, kaya ko naman po maglakad" sabi niya

Pinainom ko muna siya ng tubig at sinuot yung backpack sakaniya

Hindi ako sa pinto dumaan kundi sa bubong, hindi naman siya sementado kaya madali ko lang nahiwa gamit yung katana ko

"Zander, ako muna aakyat okay? After ko ikaw naman, tutungtong ka dito sa upuan para maabot mo yung kamay ni Ate okay?" Kalmado kong utos sakaniya at ningitian, "Okay po ate!"

ZOMBIE MAZEWhere stories live. Discover now