CHAPTER 12

783 45 1
                                    

Zenaya's POV

"Okay po ate!" Masigla niyang sagot sakin

Akmang aakyat na ko nang pigilan niya ko, "Bakit?" Tanong ko, may tinuro naman siya sa likod ko kaya tinginan ko

"A sword? You know how to use it?" Tanong ko sakaniya habang nakakunot yung noo ko, "Opo! Tinuruan ako ni Mommy ko mag sword pero basic lang po but i used it na nung may nagtangkang magnakaw sa bahay namin, sinaksak ko sa binti!" Masigla niyang kwento na ikinatawa ko, "Okay okay, will get that but eto munang akin gamitin mo, para hindi mahirapan si Ate at kampante ako, okay lang ba sayo?" Sabi ko sakaniya at inabot yung katana ko sakaniya, mas maliit at pwede yon sakaniya kaysa sa sword kahit marunong siya, "Deal po!" Ang sigla talaga ng batang toh

Kinuha ko yung sword at sinukbit ko sa balikat ko

"Ready ka na?" Nakangiti kong tanong, "MMM!!" Sagot niya kaya umakyat na ko and tama nga ang hinala ko, madami daming zombies ang nakaabang
"Zander, akyat ka na" sabi ko kaya tumungtong na siya sa upuan at inabot yung kamay ko

"Ampapanget nila Ate" bigla niyang sabi habang nakatingin sa mga zombies

Astig tong batang toh

Lumingid ako sa paligid,

"Ate ayun uh!" Sabi ni Zander habang kinakalabit ako,

Tinuro niya yun motor, nasa kabilang bakod pa at kailangan namin tumalon, wala naman masyadong zombie doon at kaya ko sila patumbahin agad
"Kakayanin mo ba?" Tanong ko nagaalala ako sa sugat niya baka dumugo ulit

"Oo naman po ate, strong tayo!" Sabi niya pa habang nagmmuscle pose, "Sige ako ulit tatalon tas sumunod ka para masalo ka ni Ate" sabi ko at tumango siya kaya agad ako tumalon sa kabilang bakod at pinagbabaril yung mga zombies

"EWW!! KADIRI! LAYO KAYO LAYO!" Dinig kong sigaw ni Zander kaya tinginan ko siya

Umaakyat na yung mga zombies at ang ginagawa ni Zander eh pinupugutan ng ulo

Napangiti nalang ako kung gano kaswabe yun galaw niya kahit 6 years old palang siya, pano pa kaya pag nag binata na siya

"Zander tumalon ka na" sabi ko at bumabaril sa direksyon ng mga zombies na malalapit kay Zander

Agad naman siya tumakbo at tumalon kaya sinalo ko siya

"Ang swabe ng galaw mo ah, bata ka pa niyan" nakangiti kong puri sakaniya, "Hihihihi! Magaling si Mommy ey!" Sabi niya habang tumatawa

Dumeretsyo na kami sa motor and good thing na andon pa yun susi at may gas

"Dito ka sa harap ni Ate" utos ko kay Zander kaya umupo siya sa harap ko

Agad ko na pinaandar yung motor palayo sa stop over na yon at pumunta na sa mga kaibigan at kaklase ko

After 30 minutes nakita ko na yung bus namin

"ZENAYA!!!" Dinig kong sabi ni Kaila at agad nakuha niya ang atensyon ng iba

Pinark ko yung motor at naunang bumaba si Zander sakin

Agad naman lumapit sakin yun pinsan ko at niyakap, "Tangina mo pinagalala mo ko ng sobra!" Sabi niya pa kaya natawa ako

Binigyan nya naman sakin yun jacket nya kaya sinuot ko at sinarado un zipper at inangat yun sleeves ng jacket

"Ang cute naman niya" sabi ni Kaila, tinignan naman ako ni Joey, "Hindi niyo kakayanin kung ano pinagdaanan niyan" natatawa kong sabi sakaniya

"Pre, may sugat ka" sabi ni Talabis sakin, lahat sila napatingin sakin, ningitian ko naman sila, "Uhm, yes nakagat ako" simple kong sabi sakanila na ikinagulat nila, "Huwag kayo magalala, wala pa ko nararamdaman na kahit ano, magsasabi ako kapag meron na" paninigurado ko sakanila at inalis yung benda ng kagat ko

Hindi naman siya nangingitim, nagvviolet lang dahil siguro sa talas ng ngipin, "Huwag po ninyu ihate si Ate! Sinave niya nga po aku kanina ih!" Sabi ni Zander at niyakap yung binti ko, napangiti naman ako sa ginawa at sinabi niya, "Kaila, pakainin mo muna si Zander at linisan yun sugat niya, nabagsakan yan ng kahoy buti nalang hindi nabaliaan ng buto" sabi ko sakaniya, "Zander! Halika kain ka muna para mas maging strong ka" lambing na sabi ni Kaila kay Zander at sumunod naman agad ang bata


"What's next?" Tanong sakin ni Joseph

Ako, si Joseph, si Joey, Kaila, Jean at Sir Paul ang naguusap ngayon habang ang iba ay natutulog sa loob ng bus

Alas dos palang kasi kaya sinabihan ko na matulog muna sila

Nasa kandungan ko yun ulo ni Zander at tulog

"Three pm bumyahe na tayo ulit, kaya mo pa ba Joseph? Or gusto mo ako na mag drive?" Tanong ko sakaniya, "Nah, i can manage malapit naman na din tayo sa Batangas" sabi niya

Ilang oras nalang din naman at nasa Batangas na kami, baka hindi pa magbukas eh andon na kami

"What did that kid do?" Tanong ni Jean habang nakatingin sa tulog na bata sa kandungan ko, "Ahh, ayun pinugutan niya lang naman sa ulo yung mga zombies habang nasa bubong siya" simple kong kwento na ikinagulat nila, "Seryoso ka ba!?" Tanong ni Kaila sakin,

Ganyan din naman itsura ko nung makita ko kung gano kaswabe galaw ni Zander

"Yep, nauna kasi akong tumalon sakaniya para masalo siya at hindi mapuruhan lalo yung sugat niya, bumabaril ako non para maclear yung daan hanggang sa sumigaw toh" natatawa kong sabi

Natatawa ako sa itsura nila na para bang hindi makapaniwala

Almost three hours na din ang nakalipas nang makagat ako pero wala pa din ako nararamdaman na kahit ano

Nang sumapit ang three pm, bumyahe na kami habang tulog yung iba at yung iba naman ay nagkukwentuhan

"Zenaya, ayos ka lang ba?" Tanong ni Adrian sakin, "Yup, wala pa ko nararamdamang kakaiba simula nang makagat ako and i don't know why" sagot ko habang nakatingin sa parte kung san ako nakagat

"Baka kase nagpapanggap lang yan" dinig kong bulong ni Jashmile kay Gela na agad sinangayunan ng grupo niya, tumingin na samin yung iba,
"Takot lang na iwan natin magisa sa gitna ng NLEX" Dagdag ni Luis, "Oo nga nagpapanggap lang yan si Zenaya!" Ulit ni Lyn sa sinabi ni Jashmile

"Stop the car"

ZOMBIE MAZEWhere stories live. Discover now