Ch 8: Kanya-kanyang Moment

261 26 3
                                    


(RECAP: IKINULONG NINA JING AT BENTLEY SINA OFF AT GUN SA CR)

JING-THE SHIPPER

SA GUTTER ng kalsada kami umupo ni Bentley, sa tapat ng isang sari-sari store. Sa kaliwa namin ay may nag-iihaw. Bumili kami ng isaw at softdrinks bago kami naupo sa gutter. Habang kumakain ay tinanong ko si Bentley

"Tingin mo kaya nagse-sex na sila ngayon?"

Nasamid naman si Bentley sa iniinom na coke na nasa plastic.

"Siguro ngayon nasa ibabaw na ni Babii si Papii..." sabi ko. Naisip ko pa lang na nangyayari 'yon ay kinikilig na 'ko. Manginig-nginig na ako sa pinipigil na tawa, para kong kinikiliti. "Sana maging gentle siya kay Babii."

"Are all women like that?" sabi naman ni Bentley.

"What?" sabi ko, bumaling sa kanya.

"That." Inayos nito ang salamin. "Freaky."

"Freaky ka diyan?!" sabi ko.

Tumawa naman ito. "Well, girls who love to see guys kiss and have sex with each other... kinda freaky."

"Lakapake," sabi ko. Kinagatan ang isaw.

"Do you do this to every guy you know? Do you ship them to other guys?"

Humigop muna ako ng coke sa plastic bago sumagot. "Oo," sabi ko. Tumango. "Pinag-ship ko nga kayo ng tindero do'n sa sari-sari, eh. Cute kasi siya, tapos nagtama 'yong kamay niyo no'ng inabot niya 'yong sukli."

"Wow," sabi ni Bentley, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Pero 'wag kang mag-alala, feeling ko ikaw ang top."

"Freaky," sabi ni Bentley.

Natawa na lang ako. Tapos ay nilingon ko si Bentley. Nakangiti rin naman siya. Gabi na kaya bukas na poste ng ilaw. Ang malamlam na kahel na liwanag ay dumampi sa mukha niya. Naka-side view siya kaya kitang-kita ko kung gaano katangos ang ilong niya.

"Salamat," sabi ko.

"For what?"

"Tinutulungan mo ako sa ship ko," sabi ko.

"Remember, ayaw ko kay Off para kay ate."

"Yes, kasi si Papii ay para kay Babii," sabi ko.

Tumango-tango siya, tapos ay bumaling sa 'kin. "Ikaw, para kanino ka?"

At hindi ko alam kung iyong dahil sinabi niya iyon sa buong tinig, kaya biglang parang bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko. O siguro iyong pagtingin niya sa 'kin, iyong para bang ayaw niyang mawala ako sa paningin niya. O siguro iyong ngiti niyang masarap tingnan.

"Para sa wala. Wala namang nagkakagusto sa 'kin," sabi ko. Sinabayan ko ang pagtitig niya. "Ikaw naman... para kanino ka?"

Titig na titig lang siya sa 'kin. Ilang segundo rin. Parang natutunaw ako na di ko maexplain. Umawang ang bibig niya na parang may sasabihin kaya parang napigil ko ang hininga ko. Pero sumara din ang bibig niya. At naglayo siya ng tingin. "Para sa sangkatauhan," sabi niya.

"Wow ha," sabi ko. "Big word."

Nang maubos ko ang isaw ay ibinato ko ang stick sa timba na ginawang basurahan. Inubos ko ang coke ko at tinapon din ang plastic doon. Tumayo ako at nagpagpag ng suot na pantalon. "Tara na, uwi na tayo. Nahihilo na 'ko sa antok."

Tumango si Bentley. Itinapon din ang pinagkainan niya sa basurahan at nagpapag ng puwitan. Napansin ko na may bahagi siya ng pantalon niya na may dumi pa. Hindi niya napagpag.

Papii is for Babii (OFFGUN FANFIC/BXB) [COMPLETE]Where stories live. Discover now