SWEET ONE

1.6K 33 0
                                    


Nakatitig  si Seraphina sa mga kasamahan na ngayon ay nakasulodo sa kanilang General. Ngayon  nila huhulihin ang mga Terorrista na kumakalaban sa batas. 

"Captain Leiutenant Stewarts, ikaw ang inaasahan ko sa Paghuli sa kanila! " Sigaw ng General

Buong tapang na sumaludo si Seraphina. Sabay-sabay namang sumigaw ang mga kasamahan niyang sundalo.

"Makakaasa kayo General Cruz, " buong tapang niyang sagot

"Sige, umalis na kayo. " Seryosong utos nito

Mabilis silang tumalikod.  Si Seraphina ay hinanda ang mga armas. Kinuha niya ang baril ni Rifle at kinasa ito. Nakahanda na siya sa Gyera, hinding-hindi niya hahayaan na lumalala pa ang labang ito. Marami na ang nadadamay  dahil sa ginagawa nilang paglaban. Sunod niyang kinuha ang Revolver saka nilagay sa kanyang tuhod. Ang maliit na patalim ay nilagay niya sa likod. Sa bawat gyera laging nakahanda si Seraphina. Bilang alagad ng batas ay handa siyang gawin para malupig ang mga kalaban sa batas. Hindi niya hahayaan na maraming buhay ang mawala dahil sa patuloy nilang pakikibaka.

"Kaya natin 'to. Hindi tayo uuwi na hindi sila nahuhuli! " Matapang niyang sigaw

Mabilis na tumakbo ang nga kasamahan niyang sundalo pasakay sa sasakyan nila habang siya ay sa sasakayan nila na Stryker Combat Vehicle.  Lahat sila ay magkakasama na sasabak. Nakasunod pa sa kanila na Mm17 Guardian at M2 Bradley Fighting Vehicle. Marami sila dahil lulusobin na nila ang pinakamalakas na Terorista na kumakalaban sa kanila. Napahigpit ang pagkakahawak ni Seraphina sa Rifle na nakalagay sa dibdib niya.

Hindi ni Seraphina alam ang mararamdaman. Halo-halong emosyon ang bumabalot sa kanila. Sa bawat gyera na naranasan niya kailan maging matapang. Dahil buhay ang nakataya. Walang kasiguraduhan kung makakauwi bang buhay o makakaligtas pa ba. Sa bawat gyera maraming kasamahan niya ang namamatay. Maraming nasusugatan tapos bigo pa silang bumabalik.

Hindi madali kay Seraphina ang lahat. Pero dahil sa matagal niya ng pinangarap ang maging alagad ng batas ay kinaya niya. Mula pagkabata ay pinangako niya na ang maging sundalo. Para maalagaan ang batas at maprotektahan ito. Kaya kahit nahihirapan siya pinilit niyang kayanin ang lahat. Nakaya niya dahil may pinanghahawakan siya at may hinahanap si Seraphina na nais paghigantihan.

Tinanggal niya ang sumbrero saka  inayos  ang buhok na kulay Itim na hanggang balikat. Ang buhok niya ay natural ang tingkad at bagsak nito. Inaalagaaan niya ito, dahil may naalalala siya na isang tao na sobrang mahal ang buhok niya. Para sa kanya bilang sundalo ay buwis buhay. Kapag oras sumabak ka sa gyera, hindi ka na maaring umatras. Kapag oras nahawakan mo na ang baril at nakalabit na ito. Handa ka ng mamatay, handa ka ng ibuwis lahat. Pero kung hindi ka pa handang mamatay at ayaw mong mawala sa mundo. Huwag ng pasukin ang buhay sundalo.

Tanging putukan ang maririnig sabayan pa ng patayan. Nakanayan lahat ni Seraphina. Pinatatag niya ang loob dahil alam niyang kailangan niya pang maging matapang. Hindi siya maaring sumuko dahil may napatay. Hindi siya maaring umatras dahil may namatay. Kasama sa trabaho niya ang pumatay ng masasama, kasama niya sa trabaho ang mamatay.

Hindi takot si Seraphina na mamatay. Hindi siya takot na mabarili. Mula sa umpisa ay nanumpa na siya sa bansa na handa siyang ibuwis ang buhay niya bilang isang sundalo. Bilang isang Captain Lieuetenant na may kataasang position ay siya ang inaasahan sa Misyon nila ngayon. Hindi madali kay Seraphina ang maging isang Captain, hindi sa kanya madali lahat. Minsan naiiyak siya sa pagod, kapag may namamatay na kasamahan. Kapag umaabot na sa punto na marami ang namamatay. Pero sa bawat pagluha niya ay mas lalo siyang nagiging matapang na tapusin ang lahat. Nagkakaroon  siya ng lakas na lumaban.

Sweet Obsession Series 9: Zacharious Fuentivillia(COMPLETED)Where stories live. Discover now