SWEET ELEVEN

965 30 0
                                    

Lahat nakahanda na. Maging ang kanyang mga kasamahan ay handa na rin. Maraming sasakyan ang ginamit nila dahil sa napakaraming Sundalo na pinadala mula sa iba't ibang lugar. Nagtulong-tulong ang mga nakakataas na Opisyal para mahuli ang mga Terorsita.

Hinanda ni Seraphina ang dalawang baril. Nilagay niya ito sa dalawang tuhod. Maging ang patalim ay  nakatago sa likod niya. Habang ang mga bala at bomba ay nasa beywang niya.

"Lahat ba ay nakahanda na?  " Malakas na tanong ng General

Naiwan silang may mga rango dahil sila ang inaasahan. Buong tapang silang sumaludo. Mabagsik ang gyera kaya walang kasiguraduhan kung may makakabalik pa sila. Pero ang mahalaga matapos na ang gyera. Mahuli ang mga Terorista. Alam  ni Serapahina na kahit madami silang umalis. Babalik silang bilang sa kamay.

"Ngayong araw na 'to gaganapin ang gyera. Kaya, kailangan mahuli ang mga terorista. Maasahan ko ba kayo? "

"Yes, Sir! " Sabay nilang sigaw

"Bilang isang Alagad ng batas. Buong puso nating ialay ang ating buhay sa bansa. Kailangan natin sila matalo dahil palala nang palala ang ginawa nila. Tayo ay nanumpa sa harap ng maraming pilipino na gagawin natin ang lahat para sa bansa. Kaya, tuparin natin 'to. Ibubuwis natin ang buhay para sa kanila. Lalaban tayo hanggang kamatayan. Tao laban sa tao. Sandata ang tanging pag-asa para sa Gyera. Kaya, lumaban tayo. Tatagan ninyo ang inyong loob. Isipin ninyo ang mga mamayang pilipino. Itatak niyo sa inyong isip na tayo ang mandirigma ng bansang ito. " Mahabang ani General Cruz

"Walang kasiguraduhan kung makakauwi tayo ng buhay. Hindi man natin masasabi na mananalo tayo sa Gyerang ito. Pero bilang Isang Sundalo. Hindi tayo maaring sumuko. Tayo ay palaban, lalaban tayo para sa bansa.  Laban Kapwa ko sundalo! "

Mabilis na kumilos  Si Seraphina. Sumunod siya sa mga kasamahan na nagtakbuhan papunta sa sasakyan nila. Mas marami ang nakasakay sa Heavy Expanded Mobility Tactical Truck. Tamang-tama sa marami niyang kasamahan. Punong-puno ito. May M1A2 Abrams Mains Battle Tank. MM216 Stryker Combat at  M2/M3 Bradley Fighting Vehicle. Mga malalaking sasakyan na ginagamit sa gyera. May mga Helicopter pa kung saan nakasakay ang iilan niyang kasamahan. Habang sa Army Ariplane naman kung saan nakasakay ang Piloto nilang sundalo na magtatapon ng bomba mamaya.

Madugo ang Gyera  ngayong pinaghandaan ito ng lahat. Hindi alam ni Seraphina Kung naghanda ba siya  dahil sobra siyang kinabahan. Nakasakay siya sa M1A2 Abrams Mains Battle Tank Kasama si Abraham.  Siya na mismo ang nagmaneho nito. Mabilis ang bawat galaw niya sa pagpindot. Hindi ito katulad ng ordinaryong sasakyan. Mabilis ang bawat pagpasok ng malalaking bomba ni Abraham. Nang matapos itong maglagay ay kinuha nito ang Millitary Walkie talkie.

"Our Mission in the Porovince of Zamboanga. The Target is the Terorist. Be ready! "

Tagaktak ang pawis ni Seraphina hanggang sa pinapatakbo ang Battle Bank. Nakasunod  siya sa mga kasamahan.

"Captain Leiutenant. Na una na sila Commander Reyes. Ayon sa kanya, hindi daw talaga nito alam na susugod tayo. Kaya, maari natin silang matalo. "

Hindi sumagot si Seraphina. Hindi siya naniniwala na wala itong balak. Kilala niya ito, hiindi ang tipo ni Zacharious ang hindi naghahanda.

"Handa ka na ba Captain? " Seryoso nitong tanong

"Yes, I'm  Ready, " matapang niyang sagot

Hindi na pinansin ni Seraphina si Abraham. . Nakatuon  siya sa Screen na nasa harapan. Hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip sa gagawin. Kaya parang nahihirapan pa siya ngayon. Pero pilit niyang nilalabanan ang kaba. Hindi siya maaring umatras. Andito na siya. Kailangan niyang paninindigan ang tungkulin. Kaya, hindi na siya magdadalawang isip na hulihin ito. Gagawin niya na ang tama.

Sweet Obsession Series 9: Zacharious Fuentivillia(COMPLETED)Where stories live. Discover now