𝙎𝙤𝙧𝙧𝙮

8 0 0
                                    


Kung ako ikaw,Susugal ka pa rin ba isang relasyon kung alam mo ng nilalamig na kayo sa isat-Isa?

Kakayanin mo pa ba kahit na may iba na syang minamahal?

Hanggang saan ang kaya mong tiisin para hindi sya mawala sa'yong piling?

Gagawin mo kaya ang lahat para bumalik ang dati?

Ako si Dette 25 yrs. old at ang  Boyfriend kong si Leo na 26  yrs. old at 3 yrs. na kaming mag jowa pero ni isang proposal ay wala manlang syang nagagawa.Tatlong taon nag-antay na may gawin syang surpresa para saken, Tatlong taong  nag-antay na magkaroon ng masayang alaala kasama sya habang kasal na kaming dalawa ,Tatlong taon kong pinagtiisan na makasama sya bilang nobyo ko kahit na si ex pa rin ang laman ng puso nya , Tatlong taon akong naghirap mag adjust ng mag adjust na intindihan sya sa trabaho nya. Alam kong masakit pero tiniis ko para sa taong mahal ko. Alam kong nagmumuka nakong tanga sa sitwasyong ito pero wala akong magawa dahil nagmamahal lang ako sa isang tao na ayaw kong mawala. Pero may hangganan pa ba'to ? ...

~•~•~•~•~•~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

"Uy , Dette darating ba yang jowa mo ha? kanina pa tayo nag-aantay magsisimula na yung Engagement  party nila Diane kalerki ka day ".  Ani ng kaibigan kong bakla na si Quinn

" Oo nga bes, tawagan mo kaya baka na trappic nanaman nako ." - Si grace na bestfriend ko since grade 8  kaming nag kakilala sya lage ang nandyan para saken sa t'wing dinadalaw ako ng kalungkutan at 5 yrs. and 6 months mag bessy daig pa namin ang magjowa ( taena jok)

" Sabe nya malili- late daw sya ng pagpunta h-hayaan nalang natin sya makakarating din yon ".

" No ba yan day pang ilang Engagement na to Una si Daycika ,Pangalawa si Alleah , at pangatlo si Bona Marie at pang- apat si Diane na pero ni isa hindi manlang sya pumunta sa mga event na yan jusko!  ."  Saad ni bakla habang pinapaypayan ang kanyang sarili gamit ang kanyang kaliwang kamay na animo'y naiinitan

" Baka nga kase na trappppic diba? best line nya yon eh ". Sabat naman ni bes

Alam kong naiirita na sila sa jowa ko dahil marami na itong  pagdedeny para makatakas sa mga kasinungalingan nya. Pero itong si selp walang magawa kundi tiisin at pagpasensyahan nalang dahil sa huli alam kong may pag - asa pang magbago ang lahat yong dating kami na sweet , loyal sa isat- isa at masaya.

Kinuha ko ang selpon sa loob ng bag para matawagan sya  pero ni isang sagot ay wala ako natanggap.

Ring* Ring* Ring *

Naka 10 miss calls nako sa kanya at 20 text dahil kanina pang umaga koto pinapaalam sa kanya.

" Nasaan kana ba ". Bulong ko sa'king sa sarili na may pag-aalala

" Ano gurl  hindi pa rin nya ba sinasagot ?". -Grace

" Hmm w-wala eh out of coverage ". Malungkot kong sagot sa kanya

" Haynako hayaan na natin yon alam naman natin na may ibang pinagbibisihan nyang si leo noh ." - baklang Quinn

Sabay tapik ni Grace dito para matigilan sa mga pinagsasabe nya na totoo naman

" Sira kang bakla ka maghinay hinay ka nga sa mga pinagsasabe mo ". -Grace

" Ok lang guys, totoo naman  si ex pa ren ang laman ng puso nya ". Saad ko sa kanilang dalawa

"  Oh kung alam mo naman talaga bakit hindi mo pa hiwalayan kalerki naman oh ". Ani Bakla

" Hayst kung kaya ko lang ". Isang malaking buntong hininga ang lumabas sa bibig ko na pawang pagod na pagod na.

My stories,My workWhere stories live. Discover now