c h a p t e r : 7

139 17 10
                                    

Kung sino man nakabasa ng outline na aksidente kong napublish kasi tatanga-tanga po ako, congrats alam mo na kung ano mangyayari sa next 3 chapters HAHAHAHA secret na natin yun ha

○ ● ○

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang tinitignan yung laman ng freezer. Nasarapan siguro ako sa lamig ng ref na natulala na ako.

"Ano ba pwedeng ulamin?" Bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko yung isang tupperware na lalagyan ng ice cream expecting na may kung anong karne sa loob, pero ice cream pala talaga yung laman! Pangalawang ice cream container na to na nahanap ko ah! Kahapon may strawberry ice cream kaso hindi ko bet yung flavor kaya hindi ako kumain. Ngayon naman may double dutch dito sa likod. Paborito ko pa naman to pero manok yung hinahanap ko ngayon hindi ice cream!

Kumuha ako ng isa pang tupperware mula sa freezer. Unfortunately hindi manok yung nahanap ko kundi hotdog. Sa dinami-dami ng laman ng ref na to wala talagang manok eh no? Gusto ko pa naman sana magtinola, pero sign na siguro to na nagpapaluto na si pareng hotdog.

Syempre di na ako tanga at dinamihan ko na yung hotdog. Baka kasi mag-agawan na naman kami ng isa dyang hindi pa kuntento sa iisang hotdog.

Hinanda ko na yung mga kailangan ko sa pagluluto. Narinig ko yung mga yapak ng mga paa ni Gab na papasok sa kusina. Sumulpot siya sa tabi ko at pinatong yung braso niya sa balikat ko habang pinapanood akong maghiwa ng hotdog.

"Hi! Ba't ang liit mo?" Bati niya na naka ngiti. Kakaiba rin yung good afternoon nito, ayos!

That smile is not a good sign though, mukhang nasa mood to para mang-inis.

"Eh ba't ang pangit mo?" Ganti ko sakaniya.

"Selos ka lang na madaming nagkakagusto sakin samantalang sayo wala,"

"Ay, lugi ako dun ah," Tumawa siya bago tumingin sa mga nahiwa nang hotdog habang naglalagay ako ng mantika sa kawali.

"Luh, hotdog na naman?" I can sense him frowning right now kahit na hindi ko siya nililingon. "Akala ko ba magtitinolang manok ka? Naging tinolang hotdog ata?"

I chuckled. "Di ko mahanap yung manok eh!"

"Pag yun nahanap ko ipapalipad ko talaga yun sayo," Awit try me bro

Inirapan ko siya. "You sound like a mom,"

Ngumisi siya. "And you look like a witch,"

Inis kong hinawi ko yung braso niya na nakapatong parin sa balikat ko. "Umalis ka nga! Bigat mong taba ka!"

Pero imbis na umalis, pinatong niya ulit yung braso niya sa balikat ko at mas binigatan niya pa.

"GAB!"

"Ahhh pikon!"

"Isusumbong talaga kita kay tita!"

"Ano ka, bata? Ahhh liit, ahhh pikon, ahhh pange-"

Kumuha ako ng isa sa mga hotdog na nasa chopping board at mabilis na nilagay yun sa kawali. Nagsitalsikan yung mainit na mantika at natatarantang nagtago sa likod ko si Gab. Aba ginawa pa akong shield ng hayop na to!

"Tsk, aray ha!" He rubbed his arm na namumula matapos matalsikan ng mantika.

"O ayan, iinisin mo pa ako, ha?" Kinuha ko yung natitirang hotdog and held it over the frying pan. He flinched and took a step back.

Tinignan niya nalang ako ng masama. "Sorry na, witch!"

"Ikaw magmomop ng buong bahay mamaya ha," Ani ko. Kokontra pa sana siya pero nilagay ko na yung natitirang hotdog sa kawali at umupo nalang siya sa island table na nakapout.

QuaranthingsWhere stories live. Discover now