ITUTULOG NA LANG

27 1 0
                                    

Ilang gabi na akong nakakulong sa kwarto ko, hindi makakain, laging nakatulala. Hindi mawari kung paano ko siya malilimutan. Biglang bumalik mga salitang nasabi noong gabi na 'yon.

"Totoo ba? Lahat ng mga sinabi nila?" tanong ko, tila kinakabahan sa isasagot niya.

"Wala na akong magagawa Mark, nangyari na ang dapat mangyari.." mabilis at tila naiinis niyang sinabi.

"Hindi Shy, bakit hinayaan mo? Bakit iniwan mo ako?" sigaw ko sa taong mahal ko. Hindi kinakaya ang mga salitang lumalabs sa kanyang mga labi.

"Mark you weren't there for me! Ako pa talaga 'tong nang-iwan?" sigaw niya pabalik, naluluha na din sa mga salitang nabitawan.

"I was! I always was! Bakit bumitaw ka agad?" Hindi ko na din napigilan at umiiyak na din ako sa harap niya.

"Kasi yun yung tama, yun yung dapat." mariin niyang sagot.

"Paano na tayo? Paano yung mga pangarap natin?" pilit kong pinaalala kung bakit nga ba kami nagsimula.

"Hindi ko din alam.." mahina niyang sinabi.

"Shy, huwag mo naman gawin 'to oh. Let's make this work. Hindi ko kayang mawala ka. Paano na?" pilit ko at hinawakan ang mga amay niya para makita niya kung gaano ako masasaktan kapag tinuloy niya ito.

Mga alala naming dalawa na pilit kong nililimot, pero bakit mas lalong humahapdi yung sakit ng nakaraan? Ilang tulog pa ba gagawin ko para malimutan ka?


Para sa Juanistas.

Para sa The Juans.

Para sa mga nangarap, nangako at nagmahal ng sabay, ngunit sa huli ay iniwan nalang at nasawi.

Para sa mga taong gustong itulog nalang ang sakit, na umaasa na sa pagsapit ng umaga'y tila maaalis. Hayaan mo lang. Lilipas din, makakabangon ka. Para sa iyo ito.

ITUTULOG NA LANG.

October 2020.

a.n

Hi fam! Grateful for your support with the first book; HIndi Tayo Pwede on this series! I hope you'll continue to support this next story. Updates might be slower since online classes are about to start. 

But my target updates are every Thursday or Friday.

This story will be a little shorter than the previous one, so I can publish the last book for this series before 2020 ends.

Again, thank you for your support! Keep safe always! Enjoy Book 2 of The Broken Heart Series: Itutulog Na Lang.

P.S Maraming salamat The Juans sa inyong musika! Kung hindi dahil sa inyo, hindi muli ako makakahanap ng rason para bumalik sa pagsusulat! Salamat!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Itutulog Na Lang (Broken Heart Series #2) [[ON HOLD]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon