A story based on the hit song of The Juans. Para sa mga nasaktan at gustong itulog na lang ang sakit. Umaasang pagsapit ng umaga'y mawawala na. Second book of the Broken Heart Series. Ilang gabi na akong nakakulong sa kwarto ko, hindi makakain, laging nakatulala. Hindi mawari kung paano ko siya malilimutan. Biglang bumalik mga salitang nasabi noong gabi na 'yon. "Totoo ba? Lahat ng mga sinabi nila?" "Wala na akong magagawa Mark, nangyari na ang dapat mangyari.." "Hindi Shy, bakit hinayaan mo? Bakit iniwan mo ako?" "Mark you weren't there for me! Ako pa talaga 'tong nang-iwan?" "I was! I always was! Bakit bumitaw ka agad?" "Kasi yun yung tama, yun yung dapat." "Paano na tayo? Paano yung mga pangarap natin?" "Hindi ko din alam.." "Shy, huwag mo naman gawin 'to oh. Let's make this work. Hindi ko kayang mawala ka. Paano na?" Mga alala naming dalawa na pilit kong nililimot, pero bakit mas lalong humahapdi yung sakit ng nakaraan? Ilang tulog pa ba gagawin ko para malimutan ka?