CHAPTER 36

147 3 2
                                    

CHAPTER 36

MULA NANG makabalik si Bossing galing sa 'lunch date' nila ni Miss Lady in Red at Sir Gideon, naging isang tanong, isang sagot na lang ako sa kaniya. Bigla akong naging tamad mangulit at magsalita, eh. Dahil siguro sa badtrip ako.

Ako ang sumundo sa kaniya kung saan sila nag-lunch. Sinabi ko sa kaniya na i-text niya ako kapag tapos na sila para ako na nga ang susundo sa kaniya, para hindi na rin siya makisabay pa sa 'childhood sweetheart' niyang 'yon. Mabuti na lang at umalis din kami agad pagsundo ko sa kaniya roon. Baka kasi kung hindi ay hindi na rin ako makapagtimpi kapag nakita ko pa ulit na nakahawak sa kaniya ang babaeng 'yon.

Ayaw ko na sanang magtanong pa tungkol sa babaeng 'yon pero ngayong nasa byahe na kami pauwi, hindi rin ako nakatiis.

"Childhood friends pala kayo ni Miss China?" matabang kong tanong sa kaniya habang nagmamaneho siya.

"China? Who's—" naguluhan pa siya noong una sa binanggit kong pangalan, pero mukhang na-gets din naman niya agad kung sino ang tinutukoy ko. "You mean, Czaina?" Narinig ko pa ang pagngisi niya na ikinaismid ko naman. Bakit? Masaya siya na nabanggit ko ang babaeng 'yon? Tss.

"Ah, 'Czaina' ba 'yon? Akala ko, 'China', eh," sarkastiko ko namang komento. 'Czaina-China'—magkatunog naman, ah? Saka mukha rin naman 'yong taga-China dahil medyo singkit! "Basta, 'yong kaibigan mong 'yon, 'yong kasama mong umalis kanina. Ang tagal niyo na palang magkakilala kaya pala gan'on na kayo ka-close?"

"Yeah, we're childhood friends," kumpirma niya naman dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "She and Gideon were the first who became friends, I just got along with them when I lived in Gideon's house after my parents died. At first, I was aloof to them, until one day, I just saw myself hanging out with them already until we became close. Close, as in very close. We were always together in everything, and they are the only people who I always used to be with and I only trusted," kwento niya na diretso lang sa daan ang tingin pero ang ganda pa rin ng ngiti niya habang nagsasalita

Halos mapairap naman ako nang magbawi ako ng tingin at binalik ang pansin ko sa daan. "Gan'on ba? Kaya pala kumportableng-kumportable siya sa 'yo kasi kilalang-kilala at sanay na sanay na kayo sa isa't isa," komento ko pa na sarkastiko pa rin.

"Yeah, she's used to be like that with me and Gideon. And I'm happy that it didn't change even though we rarely see each other since I went to France to study and to live independently," aniya pa na mas ikinainis ko. Sa halip tuloy na humupa ang pagka-badtrip ko ay mas lalo pa yatang lumala ngayong naririnig ko na siyang magkwento tungkol kay Lady in Red.

Napaismid ako. "Oo, halata nga, eh. Grabe, 'no? Ang sarap ng yakap niya sa 'yo kanina, halatang miss na miss niyo nga ang isa't isa! At 'yong kapit niya sa 'yo, halatang kumportableng-kumportable nga siyang kumunyapit sa 'yo nga gan'on. Kaya nga 'yong mga empleyado mo, kilig na kilig sa inyo nang makita kayo kanina. Akala pa nga nila siya ang girlfriend mo, eh!" at hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng boses ko. Napairap na lang ako pagkatapos at napahalukipkip dito sa kinauupuan ko.

Mas naiinis ako dahil alam ko na bagay na bagay naman talaga sila kung sila nga ang magkakatuluyan. Ano nga ba naman ang laban ko r'on? Eh, halos na kay Miss Lady in Red na ang lahat. Wala na akong maipintas sa kagandahan niya. Tapos, mula pagkabata magkakilala na sila at sila nga naman ang magka-level sa karangyaan.

Ayaw ko naman talagang maramdaman 'to, eh. Pero hindi ko kasi mapigilang ma-insecure kay Miss Czaina.

Gulat naman siyang napalingon sa akin matapos kong sabihin 'yon. "Wait—are you jealous of her?" namamangha pa niyang tanong saka napangisi na naman.

"Ano? Hindi, 'no! Bakit naman ako magseselos d'on? Dahil sa maganda siya? Dahil sobrang close niyo? At dahil bagay na bagay naman talaga kayo? Tss," mariing tanggi ko naman na halos mapanguso. Nakakainis! Nasabi ko tuloy. Kaya hindi na talaga maipinta ang mukha ko ngayon.

Guard Up!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora