Chapter 34

463 32 26
                                    

KEN'S POV





Pagdating namin sa guidance office ay nakita namin doon si Athena.



Mukhang kagagaling lang niya sa iyak. Anong ginawa nila sa anak ko?




"Good afternoon po, Mr. and Mrs. Chan." bati agad ni Mrs. Umali at Mr. Rodrigo.




Agad nila kaming pinaupo sa nakahandang upuan doon.




"Ano pong nangyari?" alalang tanong ni Tata sa kanila at tumingin kay Athena na nakatungo ngayon.




Ikinuwento ni Mr. Rodrigo ang isang pangyayaring gumulat samin ni Tata.





"Anong sabi mo? May pinukpok siyang kaklase niya?!" hindi makapaniwalang tanong ko.








"Sir, hindi pa naman po kami sigurado dahil under investigation pa po yung nangyari, pero may saksi kasi na nakakitang hawak-hawak niya yung kahoy na ginamit sa insidente kanina. Nung tinatanong naman po namin siya, dinidiin niya po na hindi niya ginawa yon." sambit ni Mr. Rodrigo. "Alam niyo sir na hindi rin ako naniniwalang magagawa niya yun dahil mabait na bata ang anak niyo, pero hindi ko alam kung nakita niyo na tong video na to." sambit niya at pinapanood kay Tata yung video na nakita ko kanina. "Mukhang may problema po ang bata na kailangan ninyong pag-usapang pamilya. Nabalitaan ko rin sa mga teachers niya na hindi na nagiging ganung kaganda ang mga ipinapakita niyang performance, at kaninang umaga lang ay may kaklase siyang itinulak sa hagdan. Aware naman kayo kay Mindy, hindi po ba? Siya po ang naitulak niya sa hagdan."










Parang bigla akong nabingi sa mga narinig ko. Parang hindi ko mapaniwalaan ang mga sinabi niyang yun.





"Athena, totoo ba ang sinasabi nila sayo? Ginawa mo ba lahat yun?" seryosong tanong ko sa kaniya.



"Hindi ko po sila sinaktan, daddy. Wala po akong ginawa sa kanila. Nalaglag na lang po bigla kanina si Mindy, tapos po nakita ko lang na duguan na po si Franz dun sa stock room." umiiyak na banggit nung anak namin.








Agad namang lumapit si Tata sa kaniya at niyakap siya.









"Yung tungkol sa video, totoo ba?" tanong ko rin. "Ikaw ba yung nasa video na yun?" seryosong tanong ko pero bigla lang siyang tumungo. "Sagutin mo ko, Athena! IKAW BA?!" malakas na ang boses na tanong ko dahil wala akong nakuhang sagot sa kaniya.



"Ken, huwag mo naman pagtaasan agad ng boses yung bata. Mas tinatakot mo siya eh!" saway ni Tata sakin pero nag-iinit talaga ang ulo ko ngayon. Parang ang dami-daming nangyayari sa anak ko na hindi ko nalalaman!




Ngayon lang nasangkot sa ganitong kaso ang anak ko at parang sunud-sunod naman ata ang mga nangyari sa kaniya!







"Totoo bang ikaw yun?!! Sumagot ka, Athena!" galit kong tanong sa kaniya.




"Ken!" saway ni Tata.




"Opo, daddy." umiiyak niyang sabi at parang bigla ay nasira ang buong pagkakakilala ko sa anak ko. Bigla akong na-disappoint sa kaniya!







"Bakit? Bakit ka nanakit ng matanda?! Nakita mo ba kung gaano nakakaawa yung matandang yon?! Paano mo siya nagawang saktan?!!" mataas ang boses na tanong ko.







"Hinihila-hila niya po kasi ako, daddy." umiiyak niyang sabi habang nakayakap sa mommy niya. "Gusto niya po akong kunin kaya sinaktan ko po siya." paliwanag niya dahilan para mas mangunot ang noo ko.








My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now