Chapter 38

451 35 9
                                    

KEN'S POV





Pagdating namin sa company ng mga Buenavides ay agad kaming sinalubong ng secretary niya. Agad niya kaming dinala sa top floor nitong company kung saan nandoon ang office ni Ms. Buenavides.











"Hi Mr. Chan! It's really nice to see you again!" nakangiting banggit niya.









"Ms. Buenavides, gusto kong pag-usapan yung tungkol dun sa email na ipinasa mo sakin. Tingin mo ba makakatulong ka talaga sa imbestigasyon sa nangyari sa anak ko?" seryosong tanong ko.










Wala akong panahon na makipagkamustahan pa sa kaniya dahil ayoko ring tumagal pa dito. Baka biglang tumawag sa office si Tata at malaman na wala ako doon.




"Grabe naman. Yan agad ang bungad mo. Maupo ka muna. Ipakukuha ko lang yung files na kailangan mo." nakangiting banggit niya at tinawag ang secretary niya para ipakuha ang mga kailangan naming dokumento.







Umupo naman kami sa itinuro niyang couch.





"Alam mo, nagulat talaga ko nung mapanood ko yung video nung anak mo. Nakita ko na siya at mukha talaga siyang mabait kaya hindi rin talaga ko naniwala eh. Kaya pina-imbestigahan ko agad yung nag-upload nung video. In fairness, nahirapan daw yung mga-"





"Bakit mo ginawa to, Ms. Buenavides?" seryosong tanong ko.









"Sophia na lang. Sobrang formal naman nung Ms. Buenavides, haha. O kaya kahit Nicolette na lang, Ken." nakangiting banggit niya. "Okay lang bang tawagin  kitang Ken?"







"Ano ba talagang kailangan mo sakin?" tanong ko. "Hindi na tinanggap ng company ang proposal mo kaya ano pa bang kailangan mo sakin?" seryosong tanong ko.











"Wala naman. Gusto ko lang talagang tumulong sa inyo. Gusto kong malinis mo agad ang pangalan ng anak mo kasi hindi niya deserve yung ma-bash at masabihan ng mga negative comments sa social media." banggit niya. "Nabasa mo ba yung ibang mga comments doon? Grabe! Merong mga sumusumpa na dun sa anak mo! May ilan nga doon na death threats na yung comment eh. Kaya hindi ko na kinaya at ipina-trace ko agad kung sino ang uploader nung video na yun." dagdag niya. "Grabe na talaga ang mga tao ngayon noh? Basta lang may naipost sa social media na medyo hindi maganda sa paningin nila, iba-bash agad. E ni hindi nga nila alam kung yun ba yung buong kwento sa nangyari eh. Pinatignan ko iyon sa isang IT expert. Ang sabi niya mukhang na-cut na daw yung video kaya yung pangit na part lang yung napanood." kwento niya. "Saka-"








"Thank you." banggit ko dahilan para matigilan siya. "Salamat kasi ginawa mo to para sa anak ko." sincere na banggit ko.







"Aww... Na-touched naman ako sa pag thank you mo." parang bata niyang banggit. Mukhang na-touched ko talaga siya sa sinabi ko. "You're welcome." nakangiti niyang sabi dahilan para mapangiti na din ako. "Naniniwala akong walang kasalanan ang anak mo kaya gagawin natin ang lahat para malinis ang pangalan niya. Tutulungan kita." banggit niya.








"Salamat uli, Nicolette." banggit ko na mas ikinangiti niya.





"Walang anuman, Ken." nakangiting banggit niya. "In fairness, mas masarap pakinggan yung pangalan ko kapag ikaw yung nagbabanggit." nakangiting banggit niya dahilan para mailing na lang ako habang nakangiti.








My Detrimental Lover 2: The Lost AngelOù les histoires vivent. Découvrez maintenant