Chapter 8

5.1K 14 2
                                    

Chapter 8

Tang*na lang! Bakit ba kasi ako umaasa na mamahalin nya ko? Bakit ba kasi sya pa ang minahal ko? Bakit sa pinsan ko pa? Bakit ba ang manhid nya? Bakit ba di nya ko mapansin? Hanggang bestfriend na lang ba talaga ako? Hayop ang sakit sakit!

Di ko namalayan nasa tapat na pala ako ng ilog. Ilog kung saan sinigaw ko lahat ng sama ng loob ko noon kay Marlon. Ang labo kasi ng paningin ko at hindi ko napansin na dito ako napunta. Kahit ilang beses kong punasan yung luha ko patuloy pa din ito sa pag-agos. Ang sakit ng puso ko. Ang sakit! Na kulang na lang tumigil na ito sa pagtibok dahil hindi ko na kaya sa sobrang sakit. Ang sakit sakit talaga. Kaya…

“NAKAKAINIS KA! LAGI MO NA LANG AKO PINAPAIYAK! ANG MANHID MO PA! *sob SAWANG SAWA NA KO! DI KO NA KAYA! *sob BAKIT KASI IKAW PA ANG *sob MINAHAL KO EH! SANA *sob IBA NA LANG. PARA DI AKO NASASAKTAN NG *sob NG GANITO!” sigaw ko habang patuloy sa pag-iyak. Napaupo na lang ako dahil sobrang nanghihina ang tuhod ko.

“Hoy!” sigaw nung tao sa likod ko na nakahawak sa balikat ko.

Kaya tiningnan ko ito. Kung makahoy naman kasi… panira din ng moment.

O.O

“Jana?!” sabi ko.

“Wait! Hinihingal pa ko. Ha… ha… ha…” sabi nya.

“Bitiwan mo nga ako. Magsama kayo ni Marlon!” singhal ko.

“KAREN! Mal--” sigaw nya pare di ko sya pinatapos.

“Bakit ba? Masaya ka na dapat may gusto sayo ang bestfriend ko di ba?” tanong ko.

PAK!

“Aray!” sabi ko batukan ba naman ako eh.

“TANGA KA BA? OO NAGTATANGA TANGAHAN? HINDI KA KASI MUNA NAKIKINIG EH. PWEDE BA PAKINGGAN MO MUNA KO. SALITA KA KASI NG SALITA!” sigaw nito sa akin.

O.O

First time akong sinigawan nito. Hindi kasi ito naninigaw eh. May pagkatahimik kasi itong babae kaya makakagulat na sigaw ako.

“Makinig kang mabuti sa sasabihin ko sayo ha. Isang beses ko lang ito sasabihin. Okay?” sabi nya.

Tumango lang ako. Sobra kasing seryoso nung mukha nya.

“Kung ano man yung narinig mo o kung hanggang saan man ang narinig mo. Lahat ng iyon ay namisinterpret mo lang, hindi kasi yun para sa akin. Okay? Teka nga! Isang tao lang naman ang makakapagpaliwanag noon eh. Isa lang naman ang pinunta ko dito eh. Gusto ko sabihin sayo na kahit anong mangyari kailangan mong pumunta sa birthday ni Lolo Karding. Nandito ako para kumbinsinhin ka, okay? Hindi ako pumunta dito para ipamuka sayo ang mga katangahang sinasabi nya. Kung madami ka pa ding tanong na hindi mo masagot kailangan mong harapin kung ano man yan. Pumunta ka sa birthday ni Lolo Karding. Kailangan nyong mag-usap. Okay?” sabi nya sabay alis.

“Nakakainis! Nagmumuka tuloy akong kontrabida sa storyang ito! Masama na ba tumulong ngayon? Grrrr… lagi na lang ako naiipit. Hmpt!” sabi nya ng inis na inis habang umaalis.

Ha? Ano daw? Misinterpret? Hindi daw sya ang sinasabihan ng mga yun? Katangahang sinabi nya? Haaaaaaaaaaaaaaaaaa? Wala akong maintindihan! Ano ba yun? Wala talaga akong maintindihan. Grrrrrrrrrrrrr…

Lumipas na ang limang oras, di ko pa din maintindihan yung sinasabi ni Jana. Isang oras na lang magsisimula na birthday ni Lolo Karding. Haist!

Pupunta ba ako o hindi? Kung pupunta ako, baka masasaktan lang akong pagnakita ko sya. Pero pag di naman ako pumunta magtatampo si Lolo Karding. Haist! Ngunit gusto ko malaman yung sagot sa mga katanungan na kanina pa paikot ikot sa ulo ko. Pero kung pupunta ako, parang tinapakan ko naman yung pride ko. Teka! Meron ba ko noon? Hay! *sigh Wala naman siguro masama kung susubukan ko di ba? Hmmm… Bahala na nga!

Ang Paboritong Apo ni LoloWhere stories live. Discover now