Chapter 9

5.2K 22 3
                                    

Chapter 9

“Sorry sa lahat. Alam kong umiyak ka kanina. Sinabi sa akin ni Jana. Sorry ulit. Alam ko nangako ako sayo noon na di kita papaiyakin pero mukahang dami ko ng beses nagawa yun. Sorry talaga. Sa totoo nyan, alam ko madami kang tanong na gusto mong masagot. Sasagutin ko lahat ng tanong mo mamaya pero hayaan mo muna ako magsasalita.” Sabi nya.

“Teka la--” sabi ko pero di nya ko pinagsalita.

“Shhh… wag ka muna magsalita. Narinig ko lahat ng sinabi mo kanina sa ilog. Sinundan kita doon. Narinig ko din yung kanta mo na dinededicate mo sa akin. Sorry kung nahihihrapan ka ha. Sorry kung akala mo di kita napapansin. Sorry kung akala mo napakamanhid ko.” Sabi nya.

“Alam ko naman na matagal mo na akong gusto eh. Hindi ako manhid at tanga para di mapansin yun. Sa totoo, ako lang naman itong tanga na ayaw tanggapin yun. Kasi ang gusto ko ako ang magsabi sayo. Gusto ko ako ang gumagawa ng move. Gusto ko ako ang unang magtapat sayo. Matagal ko na itong gustong sabihin pero lagi akong pinapangunahan ng kaba. Pero ngayon maaari kong nang sabihin.” Seryosong sabi nya.

>///< ako yan.

“Karen…” sabi nya.

Dug. Dug. Dug.

Shocks! Yung puso ko! Ang bilis nanaman tumibok. Bakit ba ako kinakabahan? Pangalan lang naman yung binabanggit nya. Haist! Ano bang meron sa tiyan ko? o////////////////////////o super pula na siguro ng mukha ko!

Tapos tinanggal nya ang takip sa mata ko at…

“Happy 18th Birthday Karen!” sabi ng mga tao sa harap ko. Nandoon ang pamilya ko, sila Jana, si Vince, si Lolo Karding, sila tito, mga kaibigan naming, mga kaklase ko, mga kababata ko. Lahat sila nandito sa tapat ko ngayon hawak hawak yung cake na may 18 candles.

Humarap ako sa kanya.

“Happy 18th Birthday Karen dela Pena” sabi nya habang nakangiti.

Tae! Magkasunod nga pala kami ng birthday ni Lolo Karding! Ahhhhhhhh!! Bakit ko ba nakalimutan yun? Ahhhhhhhhhh… nakakahiya. >///<

Hindi ko alam ang pagsisidlakan nang aking galak sobrang na-uumapaw na saya ang nasa puso ko ngayon. Kaya sa sobrang galak ko. Niyakap ko sya ng mahigpit. ^_____^v

“Maraming salamat!” sabi ko habang nakayakap sa kanya.

Humiwalay sya sa pagkakayakap tapos…

“Karen… ngayong 18 ka na, pwede ko na itong sabihin.” seryosong sabi nya habang nakatingin sa mata ko.

Tapos tumingin sya kila mama at papa tumango lang ang mga ito at ngumiti tapos tumingin ulit sya akin.

“Karen, alam mo ba na mahal na mahal kita. Hindi bilang bestfriend. Hindi bilang isang kapatid. Hindi bilang kababata. Mahal kita bilang isang babae na kukumpleto sa buhay ko. Pwede na ba kitang ligawan?” sabi nya habang nakatining lang sa akin.

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! Di ko alam kung tama ang naririnig ko. So hinintay nya lang pala akong magdebut? Ahhhhhhhhh!!! Alam din pala ito nila mama at papa… so nagpaalam na din sya. Ahhhhhhhhhhh!!! Akala ko di na dadating ang araw na ito. Ang saya saya ko.

Tumango lang ako at ngumiti.

“Talaga?” tanong ulit nya.

Tumango lang ulit ako.

“Talagang talaga?”

“Oo nga sabi eh. Hmpt! Wag na nga mukhang ayaw mo ata.” Sabi ko tapos inirapan ko sya.

“YES! Wooooooooh! Narinig nyo ba yun? Gugulpihin ko ang manligaw pa sa kanya. Maliwanag?” sabi nya doon sa mga tao.

Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin at ipaikot ikot.

“Wooooooooo!!! Ang saya saya ko! Ako na pinakamasayang nilalang sa ibabaw ng lupa!!!” sigaw nya habang buhat ako.

Nung napagod na sya huminto sya tapos binaba nya na ko.

“Grabe ka ah. Kung magsaya ka parang sinagot na kita.” Sabi ko sa kanya.

“Bakit? Doon din naman yun pupunta eh.” Sabi nya.

“Ayiiiiiiiiiieeeeeeeeeeee!!! Ang Cheesy nyo!!” sigaw ng mga tao na nanunuod sa amin.

Grabe lang! Nakakahiya! Pero masaya :D

Syempre nag-alisan na ang mga tao at madaling araw na. Sila mama sabi sa akin umuwi daw agad ako. Kaya nagstay lang ako dito para liwanagin ang lahat.

“Karen…” sabi nya sabay tumuturo sya sa taas ng puno.

O.O

“WOW! Paano nangyari ito?” tanong ko.

“Hahaha… actually, nagpatulong ako nyan kay Jana para maasyos yang treehouse natin.” Sabi nya.

Tapos hinila nya ako at pumasok kami sa loob ng treehouse.

“Wow! Ang ganda!” sabi ko.

“Si Jana din nagdesign nyan. Actually, ito yung ginagawa namin pagumuuwi ka na. Sinasadya ko talaga na wag ka pansinin at paselosin ka alam ko kasi noon may gusto ka na sa akin. kaya pag umuwi ka ginagawa na namin ito. Sorry kung ang mean ko ha. Gusto ko lang naman na surpresahin ka sa kaarawan mo.” Sabi nya.

“Salamat” sabi ko sabay ngumiti ako.

“Marlon…” sabi ko ulit.

“Bakit?” sabi nya.

“Di ba sasagutin mo lahat ng tanong ko?” sabi ko.

“Oo naman. Ano ba yun?” sabi nya.

“Ano yung narinig ko dun sa kwarto mo yung nagtatapat ka kay Jana?”

“Yun ba? Actually, nagpapractice kami noon ng sasabihin ko para sayo di ko kasi alam kung paano ko sisimulan eh. Hehaha… Para sayo naman kasi talaga lahat ng sinabi ko noon.”

“Pano mo naman napapunta si Vince dito?”

“Ahhh, hindi ako ang nakakumbinsi magpapunta sa kanya. Si Jana.”

“Alam ba ito nila mama?”  (?__?)

“Oo.” =__=

“Paano?” >///<

“Actually nung 4th year pa lang tayo nagpaalam na ko kaso sabi nila masyado pa daw tayong bata kaya sabi nila maghintay ako pag-eighteen mo.”

“GANON NA KATAGAL?” O.O

Actually, magsesecond year college na kami nitong pasukan. Kaya nabigla ako. Ganon na katagal.

“Oo.” ^___^

“So mas matagal mo na pala akong gusto? Teka pano mo nalaman na gusto na kita?” >.<

“Oo. Hmmm… kalian nga ba yun? Nung inaway mo yung kaklase kong babae na umaaligd aligid sa akin.” Tapos ngumiti sya ng nakakaloko.

>///<

“Ha? Hindi ko naman sya inaway eh.” Sabi ko.

“Sus! Denial stage pa din. Buking ka na noh.” Sabi nito.

Nagtanong lang ako ng nagtanong. Ang dami ko ngang tanong eh. Kahit walang kwenta. Basta ang alam ko Masaya ako ngayon. Hahahaha…

--------------------------------

(later)

May last chapter pa.

Salamat sa mga nagbasa.

Salamat sa mga nagvote.

Salamat sa mga nagcomment.

Salamat din sa pagsubaybay. :D

Ang Paboritong Apo ni LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon