Chapter 1

375 12 1
                                    

The Beginning

Today is one of the happiest days in Elise's life dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makalabas sa heaven upang makapasok sa mundo ng mga tao o mas kilala sa tawag na the earthly one. Ang tulad niyang anghel ay hindi basta-basta pinapayagang makapasok sa mundong iyon hangga't hindi napapatunayan na deserving sila na tumungtong sa mundo ng mga tao at atasan ng mabigat na tungkulin.

That task is the supreme task and the hardest task na maaaring i-atas sa lahat ng mga anghel at ang tungkulin na iyon ay ang bantayan, gabayan at protektahan ang mga taong iaatas sa kanila. Mga respetado at magagaling na anghel ang mga napiling makatanggap ng ganoong tungkulin at isa siya sa mga chosen one.

Hindi na siya makapaghintay na makakita ng mga tao in person at hindi sa isang malinaw na tubig lang na animo'y isang telebisyon kung tawagin ng mga tao. Without any last hug and kiss from her family ay nagmamadali siyang lumisan sa loob ng bahay nila na made in clouds pa.

Using her white, shining, big and gorgeous wings ay nilipad niya ang kinaroroonan ng nag-iisang gate sa langit. Dalawang anghel ang nakabantay sa malaking tarangkahan na nagbubuklod sa langit at sa mundo ng mga tao, sandali nalang at makakatapak narin siya sa mundo na nais niyang mapuntahan noon pa man.

"Sandali."   pinatigil siya ng isa sa mga tagabantay nang subukan niyang lumagpas sa malagintong gate.

"Impormasyon?"   dagdag na tanong pa nito.

"Ako si Elise, angel number 1007 at isa ako sa chosen angels na makakatanggap ng tungkulin na maging isang guardian angel."   sagot niya.

Sandaling sinipat ng tagabantay na anghel ang hawak nitong tablet. Gaya ng mga tao ay nag-improve rin ang kanilang sistema upang sabayan ang mga ito sa uso at maaari nilang gamitin ang kaalaman na iyon bilang advantage once na magkatawang tao sila.

Ang mga guardian, guardian angel man o guardian devil ay may kakayahang magkatawang tao upang ma-impluwensyahan ang earthly one na ginagabayan nila at isa lamang ang maaaring mag-anyong tao. Sa pamamagitan ng one on one battle against angel and devil ay malalaman kung sino ang maaaring magkatawang tao.

Once na manalo ang isa sa kanila ay iyon ang masuwerte, ngunit kapag natalo ay mananatili sila sa totoong anyo at walang ibang kayang gawin kundi ang bumulong sa ginagabayan nilang tao. Kaya naman bata palang ay sinanay na niya ang sarili sa pakikipaglaban.

"Maaari kanang lumabas."

She took a deep breath and put a big smile on her lips bago tuluyang nilagpasan ang napakalaking gate na naging barrier sa dalawang mundo, ang langit at ang earth. Hindi agad siya nagdalawang isip na magtungo sa Angel's Organization, isang malaking palasyo na itinayo sa himpapawid para pansamantala nilang tirahan.

Naroon rin sa organisasyon na iyon ang ilan sa mga respetadong konseho ng mga anghel para mamahala sa kanila. Ang pagbabantay sa mga tao ay hindi biro kaya marapat lang na mga respetado at mula sa kataas-taasang anghel ang mamuno sa kanila.

"Elise 1007?"   anang malumanay na boses ng lalaki.

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Isang nakangiting matandang lalaki ang naglalakad palapit sa kanya. Sa hinuha niya ay mahigit isang daang taon na itong nabubuhay ngunit ang mga pakpak nito ay kumikinang parin at mukhang maayos pa para gamitin sa paglipad.

"Ako nga po."

"Ako si Professor Sauriel at ako ang naatasan ng kataas-taasan na gumabay sa inyong mga bagong chosen angels."   pagpapakilala nito.

"Masaya po akong makilala kayo Professor Sauriel."

"Ako rin. Ngunit tama na ang meet and greet dahil huli kana sa una nating klase."

When The Guardians FallWhere stories live. Discover now