Chapter 4

152 9 0
                                    

Accidentally Kiss

Maaga palang ay gising na si Elise at kaagad na naghanda para sa kanyang pag-alis. Sandali pa niyang pinalakas ang sariling loob sa harap ng malaking salamin before she decided to step out of her room para puntahan ang earthly one na binabantayan niya.

Three days have passed when a woman devil named Devina caught her and Azrael doing something that is forbidden. Laking pasasalamat niya na wala itong pinagsabihan na kahit na sino man, tiyak naman na si Azrael ang naging dahilan kung bakit nito inilihim ang nangyari three days ago. Ayaw niyang maglihim o magsinungaling lalo pa't she's an angel, but she have to hide what happened between her and Azrael.

She was about to fly beyond the Guardians Paradise's gate when she encountered Professor Sauriel at kasama rin nito ang sugatang anghel na si Rafaela. She pity her dahil mukhang napuruhan ito sa pakikipaglaban sa guardian devil na nagbabantay rin sa earthly one nito.

Nung isang araw lamang ay napuruhan din siya sa pakikipaglaban kay Azrael. Nagkaroon kasi ng pagtatalo si Lulu at ang ina nito na naging dahilan ng laban nila ni Azrael. Kailangan niyang gawing mapagkumbaba si Lulu samantalang nais naman ni Azrael ang kabaligtaran. She did everything to win the battle at nagwagi siya.

Pero napuruhan siya sa naging laban nila nito. Kahit na sugatan na siya ay hindi siya sumuko sa laban at sinikap na talunin si Azrael. Untill now, her body is in severe pain pero walang ano mang bakas ng sugat ang naiwan sa kanyang katawan. She needs to take a rest pero si Lulu ang iniisip niya kaya pinilit niya ang sarili na bumangon.

Ipinagpatuloy niya ang paglipad patungo sa Kentallian High School kung nasaan si Lulu. Today is friday kaya naman nakasuot ito ng P.E uniform and as she used to do ay kumakain ito ng lunch ng mag-isa. She pity her for being lonely, napakadaya kasi ni Azrael dahil kumilos ito kahit hindi pa dapat.

Hindi niya alam sa sarili kung bakit sa lahat ng lalaki ay si Azrael pa ang kanyang nagustuhan. Bawal man pero iyon ang totoo, may pagtingin siya sa devil na iyon at hindi niya rin alam kung bakit naging biglaan. The last thing she knew was that there were sparks when they first met na mas lalong nakapagpadagdag sa pagtingin niya kay Azrael. Is that even possible? That angel can fall in love with the devil?

"Ang lalim ng iniisip mo magandang anghel?"   anang malumanay na boses.

Napalingon siya sa lalaking basta nalang lumapit sa kanya at umupo pa sa kanyang tabi. Kumunot ang noo niya nang mapagmasdan ang kabuuan nito. He has this brightest halo in his head, he has this verdurous wings of an angel, at kapansin-pansin rin ang kakisigan nito na talagang makakapagpanganga sa kahit na sinong babae.

"Ikaw si Elise hindi ba?"   nakangiting tanong nito sa kanya.

"Ako nga. Sino ka, bakit mo ako kilala?"

"Narinig ko lang ang pangalan mo sa kaibigan kong si Rafaela."

"Kaibigan mo pala siya?"

"Oo. Ako nga pala si Lucas 7077,"   nakangiti nitong inilahad ang kamay na malugod niyang tinanggap.

Habang marahang nagtataas at baba ang kanilang mga kamay ay hindi niya naiwasang malungkot. Nais talaga niyang mahawakan ng malaya si Azrael gaya ng ginagawa nila ngayon ni Lucas, pero imposible iyong mangyari. It is a grave sin for the both of them.

"May nais sana akong sabihin sayo, Elise."

"Spill it out Lucas."

"I saw it."   sabi nito na nakapagpakunot sa kanyang noo.

"Nakita mo ang alin?"

"You and a devil trying to kiss each other. I saw it not once but twice. Una iyong nangyari sa Guardian's Paradise, at ang pangalawa naman ay nangyari dito mismo."

When The Guardians FallWhere stories live. Discover now