Kabanata 19

43 1 0
                                    

Painful

"Shut up! Get out!" Sigaw ko sa kaniya.

Gulong gulo na ang utak ko. Hindi ko na maintindihan ang lahat! Hindi ko na lubos maintindihan.

Bakit....naman kasama si ama sa pagpatay kay Zeina Mildred? Bakit? Akala ko ba...

"Tumakas ka na sa mansiong ito Princess Lucy. Protektahan mo ang hari ng Costallion. Protect the Dragon's throne." She said before she left. Sumalampak ako sa sahig at niyakap ko ang aking tuhod at sunod sunod na pumatak ang aking luha.

Kaya ba....sinabi ni Zac na next week ko na sabihin kay ama ang mga nalaman ko dahil wala naman talaga siyang plano na kausapin ang ama ko dahil ang totoo ay mananatili niya akong bilanggo?

At...pinaibig niya lang ba ako dahil...sa paghihiganti niya?

Damn it! What a fool!

Sa sobrang kirot ng puso ko hindi ko na malaman kung paano pa ito maghihilom. Bakit sa akin pa nangyayari ito? Sobrang galing niya bang aktor at pati ako ay naloko niya?

Buong gabi akong gising dahil sa matinding pag iisip at kaguluhan. Mabilis na natigil ang aking pag iyak pero nanatili akong gising habang nakaupo sa aking kama.

Nang nag umaga na ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bagong ligo na si Zac. Biglang kumirot ang puso ko sa pinaghalong galit at pagmamahal.

Gusto kong maniwalang hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Frances pero bakit meron sa isip kong bumubulong na kailangan kong lumayo sa kaniya?

"Lucy.." he called me. Nag iwas ako ng tingin at humigpit ang kapit ko sa aking kumot. Ayaw kong umiyak sa harapan niya. Gusto kong magpakatatag at sampalin siya, gusto ko siyang saktan.

He held my hands softly. Hinayaan ko ang kamay niya doon.

"I'm sorry Lucy. I talked to Frances about what happened to her group habang nilalagyan ko ng gauze ang kaniyang sugat. Walang ibang kahulugan yun. That was pure unintentional." He said softly.

I felt pain in my heart. Gustong gusto kong maniwala sa kaniya pero....hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng pinapakita niya. Is this all about his revenge? Niloko niya lang ba talaga ako? Gusto niyang patayin ang ama ko? Hindi niya ba alam na kalapastangan ang plano niya?

"Hindi kita nakamusta nung umaga dahil akala ko'y papasok ka sa office ko but you didn't come so I thought...you're fine." He continued while caressing my hands.

Hinawi ko ang kamay niya sa akin at malamig ko siyang tiningnan. Nakita ko ang takot sa kaniyang mata pero binalewala ko yun.

"I'm gonna shower now." I said coldly and I stood up to leave him there.

Pumasok ako sa bathroom at tulalang binuksan ang shower at doon ako umiyak ng umiyak. Is that all a lie? Mahal ba talaga ako ni Zac?

Nalilito na ako. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang makausap si ama. My father can't lie to me. Alam ko kung kailan nag sisinungaling ang aking ama o hindi.

Naka bathrobe akong lumabas sa bathroom at hindi na ako nagulat ng makita si Zac na naghihintay sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya bago ako pumasok sa walk in closet. Wala ako sa mood mamili ng damit kaya kinuha ko na lang ang isang puting bestida. Nang lumabas ako ay diretso ako sa pintuan para lumabas agad namang sumunod sa akin si Zac.

"Lucy-"

"I'm hungry Zac." Mariin kong sinabi. Nanahimik siya pagkatapos nun. Umupo ako sa dining. Kukuha na sana ako ng sarili kong pinggan ng bigla niya akong ikuha at nilagyan niya pa ito ng pagkain. Hindi ako nagsalita ng inilagay niya yun sa harapan ko.

Superior and the Evil (Lips of a Royalty Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon