Chapter 1

144 18 1
                                    


Ayisha's POV



Dahil sa sobrang inis ko ay pumasok na lamang ako sa loob ng palasyo. Grabe talaga ang lalaking iyon. Akala mo kung sino, eh ano naman ngayon kung prinsipe siya. Masama naman ang ugali niya.


Nang makapasok ako sa loob ng palasyo ay agad naman akong sinalubong ng isa sa mga tagapaglingkod nila at tipid lamang akong ngumiti. Wala ako sa mood ngayon dahil sinira iyon ng isang lalaking walang good manners and right conduct.


"Princess Ayisha, let's go to the dining room. The Queen is waiting for you," saad niya at marahan na lamang akong tumango.


Nang makarating ako sa dining room, nakita ko doon si ate Talisha na nakikipagkwentuhan sa hari at reyna ng Windsor.


Huminga ako ng malalim at tass noong naglakad papunta sa kanila kahit kanina pa ako naiinis.


Buti na lang talaga at malinis ang damit ko at hindi ako nadumihan dahil kung nagkataon na marumi ako talagang sobrang nakakahiya ako.


Napapikit na lamang ako ng matapilok ako and worst mukhang matutumba pa ako. Napakapit na lamang ako pero napamulat ako ng may sumalo sa akin at nakita ko doon ang lalaking prinsipe.


Wow, pakitang tao. Hindi ko kailangan ng tulong niya. Sinamaan ko siya ng tingin at dahil doon ay tuluyan na nga akong bumagsak ng bitawan niya ako. Hayop ka.


"Oh my god, Princess Ayisha, are you okay?" Tanong ng reyna ng Windsor ngunit hindi ko ito sinagot at sinamaan ng tingin ang lalaking nasa harapan ko ngayon.


Ayan pong anak nyo namumuro na po sa akin at baka pasabugin ko na itong palasyo niyo pati na rin ang esophagus ng anak niyo kapag hindi na ako nakapagtimpi.


Agad naman aking inalalayan ni Dory sa pagtayo at pinagpagan ang aking damit ko at pagkatapos ay naupo na ako sa isa sa mga upuan nila.


At sa aking harapan ay bumungad sa akin ang masasarap na pagkain at hindi ko maiwasang matakam at mapakagat sa aking labi. Inaakit nila ako!


Pwede na bang kumain? Nagugutom na ako.


"Before we eat, I hope that you will like the food that we brought for you. And I just want to say that Princess Ayisha is really beautiful, " saad ng reyna at napangiti naman ako dahil doon.


"Thank you po," saad ko at napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi dahil gusto ko na talagang kumain. Nagugutom na po ako!


"By the way, Ayisha, I just want to inform you that Prince Cleo will be your classmate tomorrow," saad ni ate na ikinalaki ng mata ko. Ang lalaking ito ang magiging kaklase ko? Ayoko nga!


"And I hope that Ayisha will like my son," saad ng hari at nagtawanan naman silang tatlo maliban sa aming dalawa na may pilit na ngiti. Binubugaw na ba ako? Kahit kailan ay hindi ko magugustuhan ang lalaking ito. Isang lalaking masama ang ugali.

The Life (Throne Series #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now