Chapter 14

100 16 0
                                    

Ayisha's POV




Matapos ang pag-uusap namin sa hospital ay agad na kinausap nila Eirin ang doctor para i-discharge ako. Maayos na ang pakiramdam ko. Actually, pwede na nga akong sumali sa olympics.





"Ayisha siguradong bang ayos ka na? Baka mamaya pinipilit mo lang," saad ni Gil pero umiling lamang ako.





"Ayos na nga ako wag na kayong mag-alala," saad ko at tumango naman sila sa akin.





Bumalik na kaming lahat sa hotel at hanggang ngayon ay wala pa rin sila Harley at ate Talia. Hindi naman nila masabi sa akin kung na saan sila.





Nang makabalik kami sa hotel ay agad na sinalubong kami ng staff.





"Prince Cleo. Tawag po mula kay Queen Talisha," saad ng staff at agad naman silang napatingin sa akin. Bakit kaya napatawag si ate?




"Queen Talisha. Yes, she's okay now. Sure, I will give it to her. Wait," saad ni Cleo at inabot sa akin ang telepono.





"Ate Talisha?"





"Ayisha, are you okay? I heard that you passed out? What happened? Is everything okay?"






Akala ko sa loob lang ng pilipinas mananatili ang balita tungkol sa akin hindi ko namalayan na umabot na pala ito sa Schwerin.





"Ate Talisha, okay na po ako. I passed out dahil na rin siguro sa pagod sa biyahe. But you don't have to worry po because I'm really fine now and everything is okay," saad ko at bumuntong hininga. Paano ba nakarating kay ate Talisha ang nangyari sa akin?





"Are you sure?"






"Yes, ate. I'm sure," I said.





"Good to know. Give the phone to Cleo. I will talk to him," saad ni ate at iniabot kay Cleo ang telepono.






"Queen Talisha. Yes, I will. Your welcome," saad ni Cleo at binaba na ang telepono at ibinalik sa staff.





"Anong sabi ni ate Talisha?" Tanong ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa elevator.





"She said. She wants me to guard you."





"Ano?!" Sigaw ko at agad namang napatingin sa amin ang mga kaibigan namin.





"Ano? Bakit? Para saan naman?" Tanong ko at pumasok na sa loob ng elevator.





"That's what she wanted," saad niya at nagkibit balikat.





"At susundin mo naman," saad ko at inirapan siya pero tinawanan lamang ako nito.





"It depends."





"It depends on what?"





"It depends kung gusto mo," saad niya na ikinairap ko na lamang.





Matapos naming kunin ang mga gamit namin sa hotel ay agad na kaming nagtungo sa van ni Andrei. Ilang oras rin ang tinagal ng biyahe namin hanggang sa napagpasyahan naming mag-stay muna sa bahay namin.





"O nandito na pala kayo. How's your vacation?" Tanong ni mommy sa amin.





"Ayos lang naman po tita," sagot ni Gil at naupo kaming lahat sa sofa. Until now wala pa rin si ate Talia at Harley. Na saan kaya sila?





The Life (Throne Series #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now