Prologue

105 3 0
                                    

"C'mon h'wag kang yumuko dyan na akala mo ikaw ang biktima dito!"

Patuloy lang ako na nakikinig sa sermon ni Dra. Zharmaine kay nurse abby. Kadarating ko lang dito sa nurse station para daanan yung dextrose na para sa isang pasyenteng nakaassign sakin.

Pansin kong marami naman nang tumitingin na mga dumadaan na tao dahil sa lakas ng boses ng doktora

"Alam mo ba dahil dyan sa kapabayaan mo maaring makaapekto sa sakit nang pasyente, kapag nakaligtaan ang kanyang gamot! And this is your job miss nurse! Nandito ka para magtrabaho ng maayos, hindi 'yong puro kaharutan ang inaatupag mo"

She was harsh and I feel sorry to nurse abby. Pero hindi ko rin masisisi ang doktora, pasyente ang nakasalalay dito. At ang vision ng hospital na ito ay 'Patients first, before anything else'

"Zharmaine easy, walang umaaway sayo rito" sumulpot bigla si Dr. Onille na siyang bhestfriend nang doktora. Biglang humawak ang isang kamay nito sa balikat ni Dra. Zharmaine at nakangisi ang doktor dito.

"Bitawan mo ko Vinson! Kung ayaw mong lumapat 'tong kamao mo sa mukha mo" agad na napabitaw ang doktor dito, dahil sa takot sa banta nito.

Muling bumaling ang tingin ng doktora kay nurse abby na nagsisimula nang umiyak
"Hoy! Naiintindihan mo ba ako? Hindi ko kailangan ng iyak mo ngayon, hindi ako magiging harsh sayo kung inaayos mo lang ang trabaho mo dito"

Naiiling ko ang aking ulo. Hindi na makatarungan ang pamamahiya niya 'rito. Tao rin ito at nagkakamali. That's why i don't know why she always do this especially to those low employee here in the hospital. Hindi porket may mataas na posisyon sya dito ay kailangan na niyang tratuhin ang mga nurse na katulad namin. Nawawala ang pagkaprofessional niya, gayong isa pa naman siya sa hinahangaan ng ilan dahil sa pagiging magaling na doktor nito.

"Zharmaine, nakakahiya please stop!" Narinig kong bulong ni Dr. Vinson dito, sinusubukan niyang pigilan ito ngunit alam kong useless din naman 'yon dahil wala itong pinapakinggan.

Hindi siya pinansin ng doktora
"You know me miss nurse! And also this is twice, at kapag naulit pa ito ako mismo ang magsasabi sa itaas na tanggalin ka"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong makisabat
"Mawalang galang na po Dra. Zharmaine, hindi po bang mas makakabuting na sa pribadong lugar niyo kausapin ang mga nurse sa twing papagalitan niyo. Naiintindihan po naming nagkamali kami at normal na mapagalitan. Sa totoo lang, nakakawala po ng dignidad ang mapahiya at papano pa sila makakapagtrabaho ng maayos kung napahiya niyo na ang mga nurse sa gitna nang maraming tao. It's normal to have a mistake dahil tao lamang tayo, nagkakamali"

Tumango tumango si Dr. Onille pagkatapos nang mahabang sinabi ko sa doktora. Nakita ko ang seryoso nitong mukha, sinalubong ko naman ang mata nitong nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung anong ipinapahiwatig niyon, madalas nahuhuli kong nakatingin ito sa akin ngunit kapag titingin na ako rito ay agad itong umiiwas.

"He have point Dra. Zharmaine, so stop this bad attitude towards to our nurses here!" Dugtong nang doktor

Inismiran lamang niya kami, inialis na nito ang tingin sa akin at walang sabi na iniwan kami nito.

"Nice nurse Kash! Ikaw pa lang ang kauna unahang sumagot ng ganon kay Zharmaine, i thought she talk back to you" hindi makapaniwalang komento nito

Marahil nabigla lang ang doktora at narealize nito ang aking sinabi kaya hindi na ito nakasagot pa.

Bumaling naman ang lalaking doktor kay nurse Abby
"Pagpasensyahan mo na ang kaibigan kong 'yon. Lagi kasing may dalaw kaya ganon" ibinulong nito ang huling sinabi, kaya hindi naiwasan ni Abby na mapatawa habang nagpupunas siya nang luhang natuyo sa kanyang pisngi.

Naiiling ko na lamang ang ulo sa kanila. Aalis na sana ako sa nurse station nang marinig kong magsalita si nurse Abby.

"Kash thank you sa pagtatanggol mo sakin" natigilan ako at hinarap ko sya.

Seryoso ko siyang tinignan "i didn't do that because of you abby. Ginawa ko iyon para sa kapwa nurse natin upang hindi na uli pahiyain pa"

"Don't worry pagsasabihan ko 'rin si Zharmaine" sabat pa ng doktor. Tumango lamang ako sa mga ito at iniwan na rin silang dalawa.

Pagkatapos ko kuhaan ng dugo ang isa sa mga pasyente ay lumabas na 'rin ako ng ward.

"Ano ba Vinson nakakainis ka! Tigilan mo nga ako sa paghila kaya kong maglakad!" Biglang sumulpot ang dalawang doktor, nakita kong hawak ni Dr. Onille si Dra. Zharmaine habang hinihila niya ito papasok, mukhang papunta yata sila sa loob ng ward.

Nahinto na rin ako sa paglabas at pinanuod ko silang nagtatalo at naghihilahaan na dalawa sa tapat ng ward.

"Hindi ka sasama sakin kapag hindi kita hinila, matigas kasi ang ulo mo!" Kumunot ang noo ni Dra. Zharmaine matapos ang sinabi nito.

"Matigas talaga ang ulo natin, gusto mo untog ko yang iyo" hamon nito. Naiiling naman ang kaibigan nitong doktor

"Sadista ka talaga!"

Maya maya pa ay bigla silang napatingin sakin. Ngumiti si Dr. Onille nang makita ako kaya bahagya akong tumango rito, Samantala ayan na naman ang tagusang tingin ng doktora sa akin, kaya hindi ko naiwasang pagkunutan siya ng noo.

What's with that look huh Dra?

"Nandyan ka pala nurse Kash, how's your patients?"
Tanong ni Dr. Onille. Nakita kong inalis bigla ng doktora ang kamay nang doktor sa kanya.

"They're fine. Can i excuse myself?" Paalam ko pa sa mga ito. Tumango lamang ang doktor

Naglakad naman na ako paalis, ngunit bigla akong natigilan ulit nang marinig ko ang boses ng doktora.

"Nurse K-kash?" Napilitan ko itong harapin.

"May sasabihin po ba kayo doktora?" Saglit itong natahimik, at wari ko'y nagdadalawang isip ito sa kanyang sasabihin. Maya maya pa

"W-wala. Just go!" Aniya at saka kami iniwan nito. Nagkasalubong ang kilay ko sa akto niyang 'yon, kaya naibaling ko ang tingin kay Dr. Onille ngunit nagkibit balikat lang ito at halata ang nagtatakha nitong mukha. Walang sabi na tinalikuran ako nito para sumunod sa doktora.

Kaya naiiling ko na lamang ang aking ulo at tuluyan na ring umalis sa ward. Pero hindi ko 'rin naiwasang mapangiti nang maalala ko ang namumulang mukha nang doktora habang nakatingin sakin.

Doctor Series 5: The Brat CardiologistWhere stories live. Discover now