Brat 1

82 2 0
                                    

"Tell me Zharmaine may gusto ka ba kay nurse Kash?" Napatingin ako sa naging tanong ni Onille sa akin. Kasalukuyang kaming naglalakad ngayon upang magpunta sa doctor's cafeteria.

Tinaasan ko siya ng kilay "What are you saying?" Napatawa ito bigla

"C'mon Zharmaine hindi ka naman bingi para hindi marinig ang sinabi ko" binatukan ko siya, sinamaan niya naman ako ng tingin

Wala ring common sense ang ugok na 'to!

"Alam ko ugok! Ano bang klaseng tanong 'yon? You know my answer"

Naiinis ako sa twing itinatanong niya sa akin ang bagay na 'yon. Pakiramdam ko matatalo ako sa ugok na ito kapag umamin ako rito tsk! And i'm not gonna answer him as in never! He might use this if ever just to annoyed me. Kunsabagay, kahit naman na hindi ko sabihin ang totoo rito ay wala namang araw na iniinis ako nito.

"Are you sure you didn't like him?" Nakangisi nitong paninigurado pa sa akin. Inismiran ko na lang ito, at mas nauna akong naglakad rito.

Simula noong araw na hindi ko nasagot si Kash sa sinabi nito ay madalas na akong tanungin ni Onille, lalo pa't noong nakaraang araw ay mukhang nahuli ako nito na nakatingin sa nurse na 'yon na nasa nursing station.

I admit that i like him so much! Matagal na 'rin noong unang pasok pa lamang niya sa hospital.  hindi na naalis ang mga mata ko sa binatang iyon. Para bang may kakaiba rito na hindi ko masabi, and also i like his personality! Masyadong tahimik, poker face at napakamahal yata ng mga ngiti dahil ni minsan ay hindi ko pa ito nakikitang ngumiti kapag nakakasalubong ko ito.

Isn't weird though. But i love him and i have no explanation for that!

It been four years since i like at first sight with him. kung paghanga na lang ba talaga ang nararamdam ko para dito. Makita ko lang ang lalaking 'yon sa araw araw ay kuntento at buo na ang araw ko.

I don't know dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Wow! I proud of myself dahil tumagal ako ng pagkagusto sa iisang lalaki na never naman akong napansin--no scratch that. He knows me very well i think. Syempre sino ba namang hindi makakakila sa mataray at malditang Zharmaine? Ito ang title ko sa loob ng hospital na 'to. At tingin ko malabo na talaga akong magustuhan nang nurse na 'yon.

Tahimik lang kami ni Onille na kumakain sa isang table, ay hindi mali! Tsaka lang naman tumatahimik ang doktor na ito kapag may laman ng pagkain ang bibig tsk.

Napansin ako nito na hindi gaanong ginagalaw ang pagkain "Hoy! Lalim ng iniisip ha? Akin na lang 'yang pagkain mo" inirapan ko naman siya at di sinagot.

Iniisip ko pa 'rin ang sinabi ni Kash sakin noong pinahiya ko ang isang nurse. Alam kong ipinagtanggol niya lamang ang kapwa-nurse niya, pero hindi ko naiwasang masaktan sa sinabi niya. i was really shock by that time so that's why i didn't talk back at him, plus yung mga mata niyang nakatingin at nangungusap na paborito kong tignan palagi. Hindi ko alam ang irereact o sasabihin kaya ang ginawa ko ay ang talikuran at iwan siya nang walang kahit anong salita na sinabi mula rito.
Kapag bubuka pa lang kasi ang bibig ko ay pakiramdam ko ay nawawala na ako sa sarili, masyado akong nacoconcious sa tingin nito sa akin.

Pagtingin ko sa harapan ko ay si Onille na ang umuubos ng pagkain ko "Bawal magsayang ng grasya" aniya habang ngumunguya siya sa harap ko.

Naiiling na lamang ako at nang makainom ako ng tubig ay tumayo na ako, kaya natigilan ito sa pagkain.

"Mauuna na ako sayo, marami pa akong aasikasuhin"

Of course it was a lie. Gusto ko lang na mapag-isa ngayong araw, wala na rin naman akong gagawin masyado dahil natapos ko nang aralin ang ilang patient charts na ooperahan ko sa susunod na araw

Doctor Series 5: The Brat CardiologistWhere stories live. Discover now