The Meeting 2.0

13 1 0
                                    

Ting!

OMG!!! Ito naaaaa! Ready na ba talaga ako?? Nafefeel kong pinagpapawisan na yung kamay ko sa sobramg kaba. Palabas na kami ng elevator at papunta na sa conference room where the meeting will be held.

Agad naman yung binuksan ni kuya ng makarating kami doon. I scan the room, and napahinga ako ng maluwag ng hindi ko nakita yung hinahanap ko. Umupo na ako sa chair katabi ni kuya. Tatlong nag gagwapuhang lalake ang kaharap ko, Azi, Jet and Heron. Sila ang mga kaibigan ni kuya na kanya ring kasama sa company nila.

"Hey!! How are you? It's been a long time since I saw you. Dalagang dalaga ka na baby Ri". Kuya Jet said na natatawa pa.

"Haha oo nga, akala ko nga kung sino yung kasama ng kuya mo, akala ko chix. Ikaw lang pala baby Ri" Second the motion naman ni kuya Azi.

Napairap ako ng tawagin nila akong baby.

"Aarggh!! Hindi na ako baby!!! Im already 23 years old for pete's sake. Stop calling me baby!!"

"Haha chill bab— Ri, nagmamaldita ka nanaman agad." Heron.

Agad na bumukas ang pinto. At pumasok na yung inaantay kong makita.

"Sorry if we're late. Can we start now?"

Napatingin kaming lahat sa kanya pati na din sa babaeng kasama niya na nakapulupot sa braso niya. Napataas ang kilay sa babae.

Pero di ko pa din napigilang mapatitug sa kanya. It's been years nung last ko siyang nakita, and I must say, mas gumwapo siya lalo. Mas nagmature na yung mukha niya. Piercing eyes, thick long lashes, kissable lips, and his jaw. Gosh, ang sarap niya lang papakin.

Napabalik naman ako sa realidad ng sikuhin ako ni kuya.

"Ahm, yes." Binigay ko na sa kanila ang tig iisang folder na naglalaman ng designs na ginawa ko. At nagsimula na din ang presentation ko.

I introduced my self, and konting background lang din ng mga experiences ko abroad, and nagstart na ako sa pag explain ng designs ko. The materials and cost ng overall designs para sa resort na gagawin.

"Well, I designed those based on your goals in this resort. The designs are intricate, and it perfectly suits for the ambiance of this resort-hotel. It screams luxury, comfortability, but in an affordable price."

Tumango tango naman silang lahat maliban nalang kay Ulysses.
"As what you've said earlier, intricate masyado yung design ng mga furnitures, hindi bat kukulangin tayo sa oras at baka madelay pa ang opening ng hotel kung susundin natin yang mga designs mo?"

"Ahm, actually not. If we plan to manufacture those furnitures, doon tayo mahahassle, but I can ship those from Italy. In that way, hindi tayo kukulangin sa oras."

"And what about the shipment? Baka madelay din and the cost ng mga yan? And kaya bang mag manufacture ang company ng ganyang kadami na mga furnitures? Look, you really have good designs but we can't just delay ang opening ng hotel? Supposedly, last month pa dapat ito diba?"

"Kung yung shipment and price ang pinoproblema mo. It's from my company so you don't have to worry about it, I can give you a discount on that. For the manufacturing of those furnitures? i'd still push on that one. I can bring my team here para sila na ang gumawa niyan dito. Give me a month to finish those, it's ok lang naman na madelay pa diba, if it's for the hotel and guest's sake. Why not?"

He sighed and touched the bridge of his nose na parang nagpipigil na na magsalita.

"What do you all think?" Tanong niya sa kanila kuya.

"Well, based on the designs and the feels, I really like it. We can extend the opening ng resort. Maiintindihan naman nila yan." Sagot ni Heron.

" Honestly, nagdadalawang isip ako, but I trust her. Alam kong kaya niya". Azi winked at me.
Nagkibit balikat naman si kuya at si Jet.

"I think her ideas are great, and it stood by the goal of this hotel. And I can feel that she can manage to do all of these, she isn't something now if hindi lang rin niya magagawa to diba?" Nagsalita yung babaeng kasama ni Ulysses. Sino ba to at nakikialam siya sa usapan?

"Okay, we"ll give you a month to do this. Make sure na kaya niyo yang gawin." Napatayo na si Ulysses at napalingon kay Jet bago nagsalita, " Arrange the flights of her team asap."

Tumayo na din yung babae at sumunod na kay Ulysses na lumabas na ng conference room. Naiwan nalang kami nina kuya dito.

"Good job Princess, alam ko namang papayag yung si Yule e. Tara na?" At sabay sabay na kaming lumabas ng conference room.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Make You Mine Where stories live. Discover now