Chapter 29: Unexpected Summoning

82 6 2
                                    

Chapter 29: Unexpected Summoning

Ariel

The moment that the closing of the green dimension happened, bumalik na sa normal ang lahat. The virus is not spreading anymore and miraculously ay isang vaccine na ang natuklasan. It is all thanks to Archangel Raphael who whispered the formula to the scientist and to Raph to close the green dimension.

Nakauwi na rin sila Mama at Micah mula sa ospital dahil isa silang dalawa sa mga unang gumaling na tinamaan ng karamdaman na iyon. Sympre si Micah ang unang gumaling dahil pinagaling na siya ni Raph bago pa man natuklasan ang gamot.

Since the things is just started to return in its normal condition, nagpasya muna ang mga De Sevelles na magpahinga mula sa lahat ng preparasyon kahit isang araw lang para pag-usapan ang sarili nilang mga problema bilang isang pamilya.

Dahil doon ay naririto lang ako sa loob ng kwarto ko sa condo pa rin ni Josh at nagiistretching dahil balak kong mag-jogging para naman mas makondisyon ko ang aking katawan lalo na't mukhang pahirap ng pahirap ang laban namin.

I was about to go out from my room when my phone rang in the side table.

Sino kaya ang tatawag sa akin ng ganito ka-aga?

I immediately answer the call because I thought it might be an emergency. Ni hindi ko nga binasa ang caller ID.

"Hello." I asked from the other line.

"Hello, Ariel. Good morning." bati sa akin nang nasa kabilang linya.

Based on his voice, it was Benedict Chamuel Lozaga.

"Oh, Cham. Good morning too. Napatawag ka?" tanong ko sa kanya sa masayang tinig.

Cham is a good friend of mine ever since we met at bihira niya lang akong tawagan dahil napakabusy niyang tao from being a DJ, then, to his masteral degree at tumutulong pa siya sa misyon. I am thankful to have him.

"Are you busy?" sagot niyang tanong sa akin.

"Not really. I am on my year leave in my work at Zalgosa's to focus myself in our mission. Why?" sagot ko sa kanya.

Maybe he wanted to meet up or something so I think it's just fine.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Mga iilang buntong-hininga pa ang aking narinig.

"Could you visit me in our station later this afternoon? I just want to say something important and I don't know how to meet up with you." ani Cham na bakas ang kaba sa seryoso niyang tinig.

Bigla tuloy akong lalong na-curious sa gusto niyang sabihin. I think I should pay him a visit.

"Sure. I'll be there around two in the afternoon." sabi ko at nagpaalam na ako sa kanya para makapagjogging na.

After I hang up the call, I immediately went out from the condo to jog from here up to the nearest mall.

So, I did.

But my mind was pre-occupied about what Cham wanted to tell to me.

Bakas kasi ang alinlangan at pagkaseryoso sa tinig niya.

May kinalaman ba iyon sa misyon? But I doubt that.

Si Lorenzo at ang konseho ng De Sevelles ang siyang nagtatraining sa amin tuwing Sabado kaya't kung may tanong siya tungkol sa misyon ay marahil isa sa kanila ang tatanungin niya.

So, ano nga iyon? Nararamdaman niya kaya ang pagbubukas ng gate? I doubt that too. Remember, kasama namin siya sa van nung biglang magbukas ang green dimension at wala naman siyang ibang sinabi.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora