Kabanata XVI

149 23 19
                                    

kabanata xvi

you are the only one i'll marry.

⚜⚜⚜

              "B-Binibini . . ."

Ang malilikot na mata't mga kamay ni manang Felicidad ang bumungad sa akin pagkauwi ko. Mas lalong nalukot ang kulubot na niyang mukha. Bakas ang pagkabalisa't pag-aalala sa kaniyang mga mata, gayundin sa boses niyang nanginginig.

Kaya hindi ko maiwasang kabahan din. Kinutuban akong may hindi magandang nangyari.

"Bakit po, Manang? May nangyari po ba? Nasaan si ama?"

Umiwas ng tingin sa akin ni manang dahilan para dumoble ang kaba sa dibdib ko.

" 'Yon na nga po, binibini . . . a-ang iyong ama ay inatake-"

"P-Po?! Nasaan po siya? Nasa s-silid po ba? Tinawagan n'yo na po ba ang doktor?!" sunod-sunod kong tanong sa matanda. Hindi ko na nahintay pa ang sagot ni manang at nagmamadaling pumanhik patungo sa silid ni ama.

Para akong malalagutan ng hininga nang marinig ang sinabi ni manang. Unti-unti na ring namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Nanginginig ang aking katawan sa takot pero tinatagan ko ang sarili ko.

Hindi. Hindi maaari. Si ama na lang ang mayro'n ako. H'wag N'yo po muna siyang kunin sa akin, parang awa N'yo na.

Buong lakas kong binuksan ang pinto ng silid ni ama at bumungad sa aking paningin ang isang matandang lalaking nakahiga sa malaking kama. May isa pang lalaki ang nakaupo sa gilid na nakasuot ng americana at may diblinig na nakasuot sa kaniyang tainga.

Tinanggal niya ang diblinig at inayos ito saka maingat na nilagay sa kaniyang briefcase. Saka ito tumayo at plinantsa ang nagusot na americana.

Dali-dali naman akong dumalo kay ama. May pag-iingat akong naupo sa gilid ng kaniyang kama. Nakita ko naman na mahimbing siyang natutulog kaso bakas naman ang kunot sa kaniyang noo. Tanda na dumanas siya ng paghihirap bago makatulog.

"Kumusta po ang kalagayan niya Doktor Eusebio?" untag ko sa family doctor namin.

"Nasa maayos na kalagayan naman na siya, hija. Sa ngayon ay ligtas na siya sa panganib ngunit hindi pa rin natin masasabi. Ang suhestyon ko lang ay iwasan ng iyong ama mo makipag-sagutan o magalit para hindi na siya muling atakehin ulit. Dahil baka mas maging delikado na ang susunod na atake niya."

Tila may nagbarang kung ano sa lalamunan ko habang pinagmamasdan si ama. Hindi ako makahinga. Nasasaktan ako para sa kaniya.

"Magalit p-po?" tanging naisambit ko lang.

"Oo, hija. Sa tingin ko ay dala ng mataas na altapresyon ang naging dahilan ng kaniyang atake. Nang i-tsek ko kasi ang dugo niya ay lagpas na sa normal ang presyon niya. Bantayan mo na lamang ang iyong ama at alalahanin ang mga bilin ko."

Tumango ako sa doktor. Akma na itong aalis kaya inalok ko siya na ihatid na pabalik sa kanilang bayan. Ang alam ko kasi ay nasa bayan pa ng Santa Ignacia ang kaniyang tirahan.

Bago lumabas sa silid at hinalikan ko muna ang tuktok ng ulo ni ama at pinunasan ang namuong luha sa aking mata.

"Maraming salamat po talaga, Doktor," bahagya akong yumuko bilang tanda ng pasasalamat ko't pamamaalam sa kaniya nang marating namin ang bukana ng aming Casa.

Tumango at tipid na ngumiti lamang sa akin ang doktor. Kung iyong pagmamasdan, hindi pa ganoon katanda ang lalaking doktor. Sa tingin ko'y nasa kaniyang mid-thirties pero makisig pa rin ang kaniyang pangangatawan. Mukha rin siyang mestizo. Filipino mestizo.

Heart of Thirst | HEC #1Where stories live. Discover now