Kabanata 12

102 5 2
                                    

Kabanata 12

Aalis

Tamad akong nakatingin sa mga tao sa room namin. May mga sariling mundo. Napatawa ako nung makita ko si Leira na tulala.

"Anong iniisip mo?"

Lunes na ulit ngayon.

"Iniisip ko kung bakit nahuli ka." Sabi niya.

"Ah, wala yun." Umiwas ako ng tingin.

Magsasalita pa sana ito nang  biglang dumating si Chelsea at Damon.

"Yow." Bati ng dalawa kaya bumati din kami.

"Malapit na talaga tayong grumaduate! Senior na tayo next year!" Tuwang tuwang sabi ni Chelsea.

"Yes! Pasado tayo kahit hindi nagrereview!" Dagdag ni Leira. Umaasa na lang talaga kami sa stock of knowledge.

"Kayo lang ano." Singit ko saka ngumisi.

"Bakit nagbagong buhay ka na ba?" Tanong ni Leira sa akin.

Umiling lamang ako at nagbuklat ng libro. Naiinis ako.

"Gala tayo sa sabado!" Anyaya sa amin ni Chelsea na siyang itinango namin.

Sa biyernes na kasi ang graduation at magprapractice na lang kami mamaya. Magiging mabuting studyante, mana kasi sa akin.

"Goodmorning. Proceed to the ground. Goodmorning. Proceed to the ground."

Sabay sabay na kaming nagtayuan at dumiretso sa ground. Kinawayan ko si Marco na nasa section 5 kaya nga lang pati si Dylan ay kumaway kaya kinawayan ko na din siya. Nakita ko din si Lance at Lexi na nasa section 2.

Siniko ako ni Leira.

"Huy." Tawag ni leira sa akin.

Tumingin lamang ako sa kaniya bago kumalas. Ang dami kasing nangyari nung biyernes..

Natapos ang practice namin at ngayon ay nasa canteen kami. Kasama namin si Martinez. Bati bati na naman sila.

"Libre!" Kuya David.

"Kami din." Chelsea at Damon.

"Same here." Dagdag ko.

At nagsimula na ngang mag away.

Nung matapos kaming kumain at mag practice ay nagsi-uwian na din kami.

--

"Ano na naman?" Bungad ko kay Assuming.

"Malapit na kaming umalis."

"O-oh tapos?"

"Hindi mo ako pipigilan?"

Aalis siya? Bakit?

"Bakit naman?"

"Tss."

Iniwan akong tulala nito. Para namang tanga!

--

Natapos ang mga practices namin nung isang linggo. Nakasuot ako ng simpleng hight waiat short at white top. Suot ko ang sling bag ko ng mapatingin ako taas ng salamin.

Idinikit ko doon ang gusumot na papel na may nakalagay ng  'Cal's priority. Hands off, mens.'

Tuwing itatapon ko iyon ay laging bumabalik sa kama ko, psh.

"Grace! May sundo ka!" Sigaw ni mama sa baba.

"Sino?" Tanong ko pagkababa ko. Wala na din si kuya doon, hindi ko nga alam kung sino ba ang nililigawan nun.

"Basta!"

Nagmamadali akong lumabas dahil akala ko ay sila Leira ang sumundo sa akin pero nagkamali ako. Napatingin ako sa muka niya na may pasa. Wala naman yun nung biyernes ah?

"Anong nangyari dyan?"

"Hop in." Iwas niya sa tanong ko kaya kahit labag sa loob ay pumasok na din ako.

"May problema ba tayo?" Tanong ko dito. Wala naman, eh. Ako na yata ang nag aassume ngayon.

"Wala namang tayo."

"Tangina mo."

Akala ko ay tatawa siya at aasarin ako pagkatapos pero wala. Nung makarating kami ay wala pa sila Leira doon. Si Cedrick lang.

"Yow." Bati ko at ganun din naman siya.

"Ang tahimik niyo ah!" Puna ni Cedrick pero pareho kaming hindi umimik.

Si Cedrick ay hindi na nagsalita. Maya maya lamang ay narinig namin ang boses ni Leira.

"Andyan na pala kayo!"

"Oo." Si Martinez na ang sumagot. Ganito ang pwesto namin nung pumasok kami sa isang restaurant.

Lance-Leira-Martinez-Ako
Damon-Chelsea-Cal

"Bakit hindi kayo magtabi?" Tanong ni leira pero hindi ako umimik.

Nagkwekwentuhan sila nung dumating na ang order pero ang ginawa ko lamang ay kumain ng kumain at hindi na sumali sa kanila.

Iniwan nila kami doon. Saktong pagkalabas nila ay tumayo na ako. Nakakawalang gana.

"Wait."

Walang gana akong tumingin sa kaniya bago sumagot. "Oh?"

"Hindi mo man lang ba ako papakinggan?"

"Papakinggan? Ngayon nga lang kitang narinig na nagsalita." Inirapan ko siya saka umupo ulit.

"Dahil ayaw mo akong kausapin--"

"Buti alam mo."

"Damn. Sana alam mo na ang hirap hirap ng ginagawa ko."

"Oh, tapos? Kasalanan ko ba?"

"Dahil para sayo 'to!" Nagulat ako nang hampasin niya ang lamesa pati sa pag taas ng boses niya sa akin na ngayon niya lang ginawa. Nakaagaw iyon ng atensyon pero kay Assu-- hindi. Siya na si Caltrious.

Dahil hindi na siya yung assuming na nakilala ko.

"Sinisisi mo ba ako?" Dito na nagsalubong ang kilay ko.

"Tangina, hindi mo ako naiintindihan!"

Pinilit kong maging kalmado kahit gustong gusto ko na siyang sampalin sa pag tataas ng boses sa akin.

"Pinapaintindi mo ba? Isinusumbat mo sa akin."

"Dahil--"

"Puro ka dahilan!" Tumaas na ang boses ko.

"Malapit na akong umalis!"

"Oh, edi umalis ka!" Iniwan ko siya doon. Nagtext na din ako kay Leira at Chelsea na umuwi na ako.

Kung aalis siya, ihahatid ko pa siya. Kung aalis siya, umalis na lang siya. Bakit magpapaalam siya sa akin? Nanay niya ba ako? Putangina, wala akong pakialam sa kaniya kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang laki ng apekto sa akin nung sinabi niyang aalis siya.

When the book fell (Chasing Series #3)Where stories live. Discover now