Wakas

218 4 1
                                    

Wakas

Ngayon na ang araw ng kasal nila Caltrious. Inaayusan ako ng isang make up artist na ipinadala dito ni Irish. Sana all.

"Ang ganda mo, sis. Kalurkey!"

Natawa ako. "Sana all."

"Anong shana all?! Ang ganda mo kaya."

Napatingin ako sa sarili ko. Suot suot ang kumikinang na sabi nila ay tulad tulad kami na naka wedding gown

Hindi ko na lamang siya pinansin. Late na ako ng 1 minute sa kasal kaya nag pahatid na rin ako papuntang simbahan.

[Asan ka na?] Tanong ni Chelsea sa akin.

"Paalis na!" Pag ka baba ko ng sasakyan ay wala ng tao. What the ef?

"Maam dito po!"

Kumunot ang aking noo nang suotan ako ng Veil ng isang staff. "Hindi po ako ang ikakasal."

"Kanina pa po kayo hinihintay."

Naguguluhang itinulak ko ang pintuan ng simbahan habang unti unting nanlalaki ang aking mga mata. Shit, naloko ako!

Hayop.

Nakita ko sa dulo ang mga nakangising si Leira, Chelsea at Irish. Hindi ako nakalakad pero nung tumugtog ang kanta ay hindi ko napigilang hindi maglakad.

Nakatingin ako sa lalaking nakangisi sa dulo. Nag thumbs up lamang sa akin ang tatlo kaya napatingin ako kay Irish.

Bakit ako?

Napatingin ako sa bulaklak na hawak hawak ko. Kulay puti ito. Nakita ko ang pamilya ko sa gilid na may kasamang hindi ko makilala.

At nung makalapit ako kay Caltrious. Mas lumaki ang ngisi nito sabay bulong.

"Alam ko na mangyayari ito."

Nag suotan kami ng singsing sa isa't isa. Matapos ang mga madaming sasabihin ay nabigla ako nang sabihin ng pari na..

"You may now kiss the bride."

Nanlalaki ang mata ko ng hawakan nito ang belo ko at itinaas. Hinawakan nito ang mag kabilang pisngi ko bago ko maramdaman ang labi niya.

Napakurap ako ng maalala ko ang labi na lumapat sa akin nung nagbabakasyon ako. Yung first kiss ko!

Nakarinig ako ng palakpakan at sigawan.

"Honey moon na yan!"

"Yesss!"

"Hagis na!"

Papalabas na kami nung bigla akong tumalikod at hinagis ang bulaklak.

"What the fuck?" Nakarinig kami ng tawanan at nung tinignan ko ang babae ay maganda ito, muka nga lang siyang mataray.

"Paano ba yan?" Nakita ko si Dylan na inakbayan ang babae.

"Dylan!" Sigaw ni Chelsea.

Matapos nang mga pangyayari kanina ay kumakain na kami. Magkasama kami sa isang table ni Caltrious habang ang mga tao ay busy sa pag kain.

"Dalaga ka na talaga!" Sambit ni mama habang pinupunasan ang luha.

"Wala na akong baby girl." Pinalo ni Mama si papa sa sinabi niya.

"Tumigil ka nga!"

"Totoo naman."

"Kuya mo na ako ulit." Rinig kong sabi ni kuya kaya agad akong tumayo at niyakap siya.

"Hindi mo talaga ako matitiis!" Kinurot ko siya sa tagiliran kaya lumayo ito sa akin. Umalis na din sila pagkatapos at hinarap ko naman si Caltrious.

"Did you read the invitation?"

"Hindi. Bakit ba ako ang bride?! Dapat si Irish. Saka asan si Zen--"

"We're married now."

"Asan si Zen--"

"Umalis na siya."

"Saan?!"

"Nakadalo siya sa kasal natin." Hinalikan ako nito sa noo kaya agad ko siyang hinampas.

"Umamin ka nga. Ikaw ba yung humalik sa akin sa resort?"

"Edi hindi ako aamin- aray!"

"Ikaw kumuha ng first kiss ko!"

"Eh ano naman? Nakuha ko din naman ang second. Napapak na din kita sa leeg. Saan pa ba ang gusto mo?" Ngumisi ito sa akin kaya bigla akong nangilabot.

Nung makauwi kami ay nagpalit na din ako. Nandito kami sa bahay 'daw' namin. Hindi ko pa nakakausap si Irish.

Nandito ako sa veranda ng biglang may yumakap sa likod ko.

"Wife."

"Hm?"

"I love you."

"Ew."

"Grace naman!"

"Oo na, I love you na din."

"Napipilitan ka lang naman, eh!"

"Edi wag."

Kinabukasan ay alas sais pa lamang ay gising na ako. Inalis ko ang kamay na nakayakap sa aking bewang bago ako umupo sa kama. Binuksan ko ang kurtina nang tumama ang sinag ng araw sa balat ko.

Napalunok ako ng makita ko ang walong pandesal kay Caltrious. Binasa ko ang pang ibabang labi ko bago umiwas ng tingin doon.

Kanin na lang naman yung ulam.

"Nag lalaway ka na agad." Nag susuklay na ako ng buhok nang marinig ko ang boses ni Caltrious.

"Ew- Caltrious!" Tinakpan ko ang aking bibig ng halikan niya ako doon.

"Sarap."

"Kadiri ka talaga!" Hinampas ko siya sa dibdib. Humugot ako ng malalim na hininga bago sumimangot.

"Caltrious ibaba mo ako!"  Hinagis ako nito sa kama nang biglang sumalubong ang muka niya sa akin. Ramdam ko ang halik nito sa leeg ko ng bigla itong tumawa.

"Next time na. Pag nanganak na si Leira."

Sumimangot ako sa dismaya. "Bwisit ka!" Itinulak ko siya saka ako natawa.

Akala ko ay hindi magiging kami. Sabi nila, kapag limang taon ay mawawala ang pagmamahal mo dahil merong kasabihan na When communication fades, feeling will follow.

Pero hindi ganoon ang akin. Dahil hindi ko talaga siya kinalimutan dahil sa bawat araw na inaalis ko siya isipan ko ay bumabalik ang mga alaala ko sa kaniya.

"I love you, Mrs. Agoncillo."

"I love you too, Mr. Agoncillo."

And I'm the happiest woman alive too.

When the book fell (Chasing Series #3)Where stories live. Discover now