3

33 0 1
                                    

"Bakit ka pumapayag na saktan ka ng mga tao? Ano ka ba? Prinsesa ka ba? Walang prinsipe na magtatanggol sayo! Hindi ka nakatira sa palasyo. Wag kang feeling prinsesa diyan." sabi ni Dahlia sabay inom ng coke at parang nahimasmasan na siya pagkainom niya. Ganon talaga ang feeling kapag umiinom ng coke lalo na pag exhausted ka at drain ang energy, pag-inom mo lang nun para kang narerefresh. Okay back to the topic.

"Kalma ka lang, friend." sabi ko

"Akala mo ba palaging may magtatanggol sayo? Paano kung wala kang kaibigan na katulad ko na palaban? Tss. Matuto kang lumaban para sa sarili mo, aye. Hindi palaging kasama mo ako." wika niya sabay kakainin sana niya ang chicken skin subalit napatingin siya sakin. Natawa ako dahil imbis na kainin niya, ibinigay niya sakin. Ganun niya ako kamahal.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan ha. Ibinigay ko na sayo ang chicken skin." sabi niya at tawang tawa ako. Tapos na yata siya magalit.

"Pag nakita ko mismo, ng dalawang mata ko na sinasaktan ka ng kuya mo. Hindi ako magdadalawang isip na gantihan yun." sabi niya. Akala ko tapos na.

"Wag kang mag-alala. Darating yung time na magiging malakas na ako. At kapag dumating yung time na yun, babalikan ko silang lahat, iisa-isahin ko silang patayin." sabi ko at tinuktukan niya ako.

"Sabi ko maging matapang ka. Hindi ko sinabing maging mamamatay tao ka. Akala kasi ng ibang tao kapag hindi ka lumalaban, okay lang para sayo na sinasaktan ka o kaya inaabuso ang kahinaan mo. For once in your life, protect yourself lalo na sa kuya mo." sabi niya at tumango nalang ako. Kumain na kami at naalala ko yung pinag uusapan namin kanina na gang.

"Paano malalaman na un na ung tatttoo ng mga kasali sa gang?" tanong ko

"Invisible tattoo siya, i mean hindi literal na invisible kundi, pinasong hugis paro-paro at idinikit sa balat nila, kailangan mong tingnan ang dibdib niya ng malapitan at hipuin para makita mo at maramdaman na miyembro sila ng gang." explain niya.

"Anong pangalan ng gang?"

"Jigoku means hell gang. Wala pang nakakakita sa founder o leader nila at ang gang na yan ang pinaka pinaka kinatatakutan dito sa Pilipinas." sabi niya at familiar sakin ang Jigoku. Doon nagtatrabaho si papa, hindi ko sure na yun nga ang tinutukoy ni Dahlia pero malakas ang kutob ko na yun na yun. Hindi ko pa nakikita si Mesaiyah subalit nakwento sakin ni papa na siya ang boss nila.

"Bakit mo biglang tinanong yan?" tanong niya

"Ha? Wala. Curious lang ako." sabi ko at tinapos na ang aking kinakain. Lumipat ako ng pwesto, tumabi ako sa kanya at may balak akong gawin sa kanya. Aalisin ko sana ang butones ng uniform niya sa may dibdib nang pigilan niya ako.

"Huy anong ginagawa mo?!" tanong niya at natawa ako. Natumba siya sa upuan kaya nagkaroon akong pagkakataon na tingnan ang dibdib niya.

"Baliw kana yata, aye. Wag mo kong hubaran. Ang daming tao oh. Baka mapagkamalan kang nirirape ako." sabi niya at hinipo ang dibdib niya subalit wala naman. Bigla niya akong tinulak papalayo.

"Para kang tanga. Hindi ako miyembro ng gang na yan. Nabasa ko lang yan sa William University Secret files. Baliw ka." sabi niya at tumayo na at sinarado ang uniform niya. Napakamot nalang ako sa aking ulo. Sinakbit ko na ang bag ko at lumabas na kami ng mall. Hindi ko alam kung saan na kami pupunta.

"Anong gagawin mo sa isang linggong walang pasok?" tanong ko

"Lunes, nang tayo'y magkakilala Martes, nang tayo'y muling nagkita. Miyerkules, nagtapat ka ng 'yong pag-ibig. Huwebes ay inibig din kita. Biyernes ay puno ng pagmamahalan, mga puso natin ay sadyang nag-aawitan. Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan at pagsapit ng linggo Giliw ako'y iyong iniwan." kanta niya at natawa ako. Hinampas ko siya ng bag ko.

Destiny's Choice [SMTS Book 4]Место, где живут истории. Откройте их для себя