5

32 0 1
                                    

"Sumunod ka lang." sabi niya at ginawa ko naman. Dinig kong may binuksan siyang pinto at pagbukas nito ay dinig ko ang mga nagtatawanan, nagkukwentuhang mga tao. Amoy alak, amoy sigarilyo, sari-saring amoy ang nalalanghap ko.

"Attention. A newbie has come! Let us all welcome her!" sigaw ni Charles Glenn at feeling ko nakuha namin ang atensyon nila. Nagsigawan sila at parang hindi sila makapaniwalang babae ng dala-dala ng kamiyembro nila.

"Wooahh! Simulan na natin ang pagwelcome sa kanya." sigaw ng lalaki

"Miss sana makaya mo! Goodluck! Walang iyakan ha!"

"Mas naexcite akong ifuck-fuck siya mamaya hahahahaha! Ughhh gusto ko na agad labasan. Labi niya palang nakakalibog na! Hahahahaha!"

"MAGSITIGIL KAYOO!!" sigaw ng isa pang lalaki at natahimik sila. Familiar ang boses niya. Parang si Frens yun.

Hawak niya pa rin ang kamay ko at hindi ko alam kung saan niya ako dinadala. Maya-maya ay may nagtali parehas ng kamay ko at tinaas.

"Nasa gitna ka ng lahat at sayo sila nakatingin. Tayo ka lang diyan. Lalapit kami sayo para hampasin ka sa pwet, hita o binti ng isang daang beses. Sana kayanin mo, Ayeesha. Gusto kitang maging kapatiran. Sana ang katapangan at lakas ng loob mo ang magligtas sa'yo ngayong araw." bulong ni Charles Glenn at tumango lang ako.

"Kapag hindi mo na kaya, sabihin mo lang. Handa kana ba?" tanong niya at tumango nalang ako.

"Eugene, sabihin mo kay commander handa na siya." utos niya at ramdam kong umalis na siya.

"Get your paddle and strike her!" dinig kong sigaw ni Frens. At maya-maya, may pumalo na sa hita ko ng pagkalakas-lakas. Shit. Akala ko mamamatay ako sa pananakit ng kapatid ko sakin. Dito pa pala ako sa hazing mamamatay. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko sa aking buhay. Hanggang sa may pumalo na naman. Sunod-sunod na palo ang ginawa nila at hindi ako nagpatinag. Nilakasan ko ang katawan ko. Hindi ko alam kung ilang beses pa nila akong hahampasin pero wala akong choice ngayon kundi maging matibay.

"Ahhh!" napasigaw ako sa sakit at sa lakas ng hampas. Halos mapaluhod ako at parang naliligo na ako sa sarili kong pawis. Hindi ko sila nakikita dahil hindi inalis ni Charles Glenn ang piring sa mata ko.

"Kaya mo pa? May 60 strikes ka pa." dinig kong sabi ni Charles Glenn, tumango lang ako at pinainom niya ako ng tubig.

"Bat ganun? Bakit pinapainom siya ng tubig? Diba kung anong parusa sa atin, ganun din ang ginagawa sa kanya?" dinig kong tanong ng kamiyembro nila.

"Hindi tayo nagmakaawa sa commander pero bakit may special treatment diyan sa babae?" tanong ng lalaki at pinagpatuloy na ulit ang paghampas sa akin. Yung sakit ay nanunuot sa aking katawan, sobrang hapdi at parang diko na kakayanin. Bali na yata ang buto ko. May humampas na naman na para bang hindi matapos-tapos. Feeling ko naka 100 hampas na sila pero bakit di pa sila tumitigil? Isa na namang malakas na hampas ang dumampi sa hita ko dahilan tuluyan akong mahilo ako.

"Ayoko na. Tama na." impit na sabi ko.

"Ayoko na. Nagmamakaawa ako. Ayoko na." hingal na sabi ko at may nagkalag ng tali sa aking kamay. At napahiga ako sa sahig. Nanlulumo ang katawan ko. Inalis na niya ang piring subalit hindi ko maimulat ang mata ko. Naririnig ko pa sila subalit anumang oras ay parang mawawalan na ako ng malay.

"Ayos ka lang, Ayesha? Sasaluhin ko nalang ang natitira pang ihahampas sayo at ang kapatid mo na ang bahala sa sunod na welcome mo." wika ni Charles Glenn. Anong ibig niya sabihin?

"Ako ang sasalo sa natitirang 20!" dinig kong sigaw niya at naririnig ko na ang mga hampas sa kanya. Iminulat ko ang mata ko at kahit blurred ay naaaninaw ko ang malalakas na hampas sa kanya. Parang wala lang iyon sa katawan niyang matipuno. Tapos na ang paghampas sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. May ibang tao pang nakapalibot sakin subalit hindi ko sila makita. Ipinikit ko na ang mga mata ko at ramdam ko na may nagbuhat sa akin at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

Destiny's Choice [SMTS Book 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon