4

49K 1.4K 779
                                    

NAALIMPUNGATAN si Summer mula sa pagkakatulog nang maramdaman niya ang malambot na bagay na dumadampi sa buong mukha niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mapagtantong si Comet iyon na pinpaliguan ng halik ang buong mukha niya.

"C-comet.." malawak ang pagkakangiti nito. Doon lang din niya napansin na nakapaikot ang dalawa nitong braso sa bewang niya.

Halos dalawang linggo na simula nang magsimula siya bilang nanny ng lalaki, mabait naman si Comet, makulit lang talaga minsan.

"Good morning Summer!" masiglang bati nito sa kanya. Ngumiti siya sa lalaki. Dahan-dahan din niyang tinanggal ang braso nito sa bewang niya saka siya bumangon sa kama.

"C-comet?" paupo siyang sumandal sa headboard ng kama para bigyan ng distansya kung gaano sila kalapit ni Comet. Naiilang din kasi siya lalo na at tila nararamdaman pa niya ang ginawa nitong paghalik sa mukha niya.

"Yes, Summer?" nagdalawang-isip siya kung pagsasabihin niya iyon sa lalaki. Hindi kasi iyon ang unang beses na magigising siya na pinapaliguan ni Comet ng halik ang mukha niya. Ayaw lang niya ito pagsabihan dahil baka magtampo ito sa kanya.

Ayaw mo magtampo o gusto mo rin ang mga halik ng alaga mo? Iwinaksi ni Summer ang tudyo ng isang parte ng utak niya. Mali iyon. Hindi dapat siya nag-iisip ng ganoon.

"W-wala. Sandali lang, ihahanda ko na ang pampaligo mo." she smiled to him, hinayaan na lang niya. Inaya niya ang lalaki pabalik sa kuwarto nito. May connecting door na naghahati sa kuwarto na tinutuluyan niya at ni Comet.

"Ligo mo ako, Summer."

"H-ha?" para siyang nabingi sa sinabi ng lalaki, sa loob ng dalawang linggo na nanging nanny siya nito kahit minsan hindi ito nag-insist na paliguan niya ito.

Sabi kasi ni Manang Fely, sinanay ito na ni Orion ang si Comet na maligo mag-isa. Ayaw daw kasi nitong may nagpapaligo dito.

"'Liguan mo 'ko, pretty please?" pinagsalikop ng lalaki ang dalawang palad nito habang nakikiusap sa kaniya.

Nang hindi siya tuminag ay nakita niya ang unti-unting namasa ang mga mata nito. Nagbabadya umiyak.

"S-siguro ayaw mo. Sawa ka na siguro akin." malungkot itong nagbaba ng tingin. "Galit ka ba sa akin?" tanong pa nito.

Nagsimula itong humagulgol ng iyak habang nanginginig. Agad naman niyang niyakap ang lalaki habang hinahagod ang likod nito.

"Sshh. Tahan na, hindi ako galit. S-sige na, papaliguan na kita." Inihanda muna niya ang damit na susuotin nito saka niya hinila ang lalaki papasok sa banyo.

Mariin siyang pumikit, humugot ng hininga. Nanginginig na hinubad niya ang suot na t-shirt ni Comet. Dama niya ang titig nito sa kaniya nang hawakan niya ang waistline ng sweatpants nito.

Lihim siyang napalunok nang bumungad sa kanya ang matipunong katawan ni Comet. Malapad ang balikat nito at hindi niya alam kung paano nito na-maintain ang ganoong kagandang katawan sa kabila ng kalagayan nito.

"P-wede ba na huwag na lang natin tanggalin yung underwear mo?" tukoy niya sa boxer brief nitong suot. Naiiling pa rin kasi talaga siya.

Kahit naman sabihin na walang malisya iyon sa lalaki, lalaki pa rin ito at babae siya.

Medyo nakahinga naman siya ng maluwag ng sumang-ayon si Comet. Binanlawan muna niya ito sa shower bago ito dinala sa bathtub.

Tahimik lang ang lalaki habang nilalagyan niya ng shampoo ang buhok at sinasabon niya ang ilang bahagi ng katawan nito hanggang sa banlawan niya ito. Pinilit niya na itago ang panginginig ng mga kamay niya.

Serendipity (Under Editing)Where stories live. Discover now