Chapter 33

348 14 0
                                    

AMBER ROSS POV

Kinabukasan maaga akong gumising para tulungan si nanang magluto dahil nasa hospital pa si mommy dadalhan nalang daw ni nana si mommy makikipagpalitan kasi sya para maasikaso ni mommy yung business ni daddy.

Pagkababa ko ng hagdan naabutan ko si nana na naghihiwa ng sangkap ng iluluto nya lumapit ako sa kanya at yumakap sa likod nya.

"Good Morning Nana" Bati ko sa kanya habang naka ngiti

"Aba ang lambing naman ng alaga ko, Good morning din" bati nya din sakin habang naka ngiti

"Nana tulungan na kitang magluto" sabi ko sa kanya "ano bang pwede kong gawin"

"Kunin mo yung itlog mag oomelet tayo tapos kumuha kana din ng bacon tapos tinapay gagawa tayo ng bread roll magluto na din tayo ng sinangag para sa mga gustong magkanin" sabi nya sakin sinunod ko naman lahat ng sinabi ni nana sakin

Sa totoo lang para ko na ding nanay si nana melda kasi simula pagkabata sya na ang katuwang ni mommy sa pag aalaga sakin samin ng mga kapatid ko. May tatlong anak sila nana at manong tuwing may occasion sa bahay present lahat ng anak nya yung dalawa sa kanila may pamilya na tapos yung isa kasing edad ko nung bata pa kami palagi kaming naglalaro non kaya lang simula ng maging 10 kami iwas na sya sakin kaya ayon minsan nalang kami magkita.

Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos kaming magluto sinabi ni nana na gisingin kona daw ang mga kasama ko para sabay sabay na daw kaming kumain.

Umakyat naman ako papuntang taas para gisingin sila inisa isa ko lahat ng pinto yung iba sinabing susunod na pero yung iba napaka bibilis bumaba basta talaga pagkain hindi pahuhuli.

Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ni kendric nagdadalawang isip ako kung gigisingin koba sya o hindi siguro wag nalang siraulong yon hindi manlang sinabi kung san sya pumunta kahapon at kung nakauwi naba sya haysss wala din naman akong choice kundi gisingin sya. Kumatok ako ng ilang beses sa kwarto nya pero wala pa ding sumasagot.

Sinubukan ko ding buksan ang pinto pero naka lock ito. Natutulog paba sya napaka bingi naman kung hindi nya ako naririnig.

"KENDRIC GISING NA" sigaw ko sa pintuan nya pero wala pa ding respond ano ba yan nauubos yung oras ka kakatawag sa kanya pero hindi naman sya sumasagot kainis tong mokong na to ah.

"BAHALA KA NGA DYAN KUNG AYAW MONG GUMISING" sabi ko ulit dun sa may pintuan tsaka ito sinipa. Pero sana hindi ko nalang yon ginawa dahil nasaktan lang ako umalis na ako sa kwarto ni kendric at pumunta na sa kusina para kumain.

Nang makarating ako sa kusina nakita ko naman ang mga mo kong na nag umpisa ng kumain kahit wala pa ako.

"Ayos ah,hindi manlang ako hinintay mga gutom na gutom parang hindi kayo kumain kagabi ah" panenermon ko sa kanila mga patay gutom talaga bakit ba kasi ganito sila mga gwapo nga patay gutom naman.

Naupo naman na ako sa upuan ko at tiningnan ang dalawang bakanteng upuan hayss kulang kami ngayon pero okay lang para konti nalang yung kaaway ko sa bahay.

"Ang tagal mo naman kasi kaya nauna na kaming kumain" sabi ni yohan sakin habang kumukuha pa ng pagkain puno pa kaya.yung plato nya tapos kukuha sya ulit saan ba nila nilalagay yung kinakain nila.

"Tsaka wala namang tao dun sa kwarto ni kendric" sabi naman ni Jackson

"Hindi sya umuwi kagabi" sabi naman ni khen sakin habang ngumunguya

Kaya pala kanina pa ako kumakatok don walang sumasagot kasi hindi pala umuwi. Baka kung ano ng nangyari don ah mag isa pa naman sya baka hindi pa din sya kumakain. Ipagbabaon kona lang sya ng pagkain oo tama nga yun nalang ang gagawin ko mamaya

Living with 7 jerksWhere stories live. Discover now