simpleng paraiso

16 1 0
                                    


pangarap ko na maging bahagi ng kalikasan sa pagtanda ko.

ibig kong magtayo ng isang munting kubo kung saan ang mga higanteng puno ang magsisilbing aking kapitbahay at pananggalang sa bagyo. haring araw ang gigising sa bawat umaga, siya ang magtataboy sa dilim at magpapatuyo sa bagong laba kong damit. nais ko ring utusan ang mga ibon na alayan ako ng magandang musika na yaong magpapatulog sa akin. gusto ko ang sariwang hangin bilang taga-alis ng pawis at pagod matapos ang abalang maghapon. dalisay na tubig sa batis ang papawi sa uhaw kong lalamunan. prutas at gulay ang bubusog sa gutom kong sikmura.

buong galak akong nanirahan kapiling ng inang-kalikasan hanggang sa pagdating ng araw ng pamamaalam.

GENESISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon