5

48.6K 1.6K 416
                                    

NAGISING si Summer nang maramdaman niya na may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa ibabaw ng katawan niya. Nang idilat niya ang mga mata, nakita niya si Comet na mahimbing na natutulog sa tabi niya.

Nakapaikot ang kamay nito sa katawan niya, nakadantay din ang isa nitong hita sa hita niya. Ang mukha ng lalaki ay nakasiksik sa leeg niya.

Sinubukan niyang tanggalin ang braso nito mula sa pagkakayakap niya pero imbes na matanggal, mas lalong humigpit ang yakap ng lalaki sa kanya. Ang mukha naman nito na nakasiksik sa leeg niya ay nalipat sa ibabaw ng dibdib niya. Her cheeks reddened when she felt his hot breath fanning her neck.

"C-comet..." marahan niyang tinapik ang balikat ng lalaki para gisingin ito. Umungot ang lalaki.

Dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito. Tiningala siya ng lalaki, sinalubong niya ng tingin ang mapungay nitong mga mata. A smile escaped through his lips.

"Good morning, my Summer." bati ng lalaki sa kanya. Mabilis siya nitong hinalikan sa gilid ng labi niya bago nito muling isiniksik ang mukha sa leeg niya.

"C-comet, b-bakit ka pala nandito sa kwarto ko? A-ayaw mo ba sa room mo?" tanong niya dito.

"Yes. I don't want to my room because you're not there. You know that I always love being on your side." sagot nito sa kanya.

"H-ha? Pero kasi--"biglang inalis ng lalaki ang mukha nito sa leeg niya, itinukod pa nito ang magkabilang kamay sa gilid ng ulo niya.

"Why? You don't want me here on your room?" magkasalubong ang mga kilay na tanong nito sa kanya. Napaiwas siya ng tingin. Hindi kasi siya komportable sa posisyon nila. Hindi naman niya ito magawang maitulak dahil baka masaktan ito.

"H-hindi naman sa ganoon, kasi diba, boy ka, tapos girl ako, magagalit sa atin si Nanang Fely kapag nakita niya tayong magkatabi dito. T-tsaka, maliit lang yung kama ko, paano kapag nahulog ka sa sahig?" pagkumbinsi niya dito.

"Okay." sagot ng lalaki. Nakahinga naman siya ng maluwag nang bumangon na si Comet mula sa pagkakadagan sa kanya. Umupo ito sa gilid ng kama. Napangiti rin siya dahil madali rin palang pakiusapan ang lalaki.

"Okay, magpapabili ako ng new bed for you. What do you think about the queen-size bed? I'm sure that we're going to fit there together."

Mabilis na napawi ang ngiti sa mga labi ni Summer sa sinabi ni Comet. Napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkakahiga. Na-misinterpreted ng lalaki ang pinupunto niya!

"C-comet, h-hindi iyon ang ibig kong--"

"I'm going to take a bath na! Sunod ka na sa room ko ha? Let's eat breakfast together!" mabilis siya nitong hinalikan sa labi saka pumasok na sa kwarto nito.

Mariin na lang na napapikit si Sumner sa kakulitan ng lalaki.

--

ISANG simpleng light blue na blouse at jeans ang suot ni Summer para sa lakad nila ni Comet. Nang malaman kasi ni Comet na hindi pa siya nakakapunta sa mga mall, agad itong nagyaya na magpunta sila. Pinasama na lang ni Manang Fely si Marvin sa kanila bilang bodyguard at driver ni Comet.

Habang magkatabi sila sa backseat ng kotse ni Comet, hindi pa rin niya maiwasang mamangha sa tanawin na nakikita niya sa labas ng tinted na bintana ng sasakyan. Ibang-iba talaga sa nakasanayan na tanawin na nakikita niya sa isla.

Matapos iparada ni Marvin ang sasakyan sa parking lot ng mall, agad siyang hinila ni Comet pababa ng kotse. Habang papasok sila sa mall, pinagsalikop ni Comet ang kamay nila.

Naipilig niya ang ulo nang maramdaman na tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya dahil sa paghawak ng lalaki sa kamay niya.

"Summer? Are you alright?" untag sa kanya ni Comet.

Serendipity (Under Editing)Where stories live. Discover now