Oceana Waeve

4 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident. Thank you and enjoy.

-AGENT J.























"Shana, meet Jion. Jion, meet Shana."

He was the reason I felt my heart beat so fast. Siya 'yung lalaking pinangarap ko. Siya 'yung tipong lalaking hinihintay ako sa altar. Perfect to be boyfriend, perfect to be husband. Siya 'yung lalaking dapat hindi papakawalan pa. Siya 'yung lalaking dapat aalagaan habang buhay, mamahalin habang buhay. Siya 'yung lalaking matagal ko ng gusto.

He is Jieron Fajardo. Schoolmate ko na siya noon pa man. Isa siyang bokalista sa bandang Eros sa Yuen Southern Academy. Iyon na din ang dahilan kung bakit nagustuhan ko siya. Ang maganda niyang boses ang bumihag sa puso ko. Korni.

Hindi lang 'yon, madami siyang ugaling nagustuhan ko. Hindi siya kagaya ng ibang lalaking kilala ko sa Yuen. Sineseryoso niya ang pagaaral niya. Hindi siya kagaya ng ibang lalaking kilala ko na nagloloko, pinapabayaan ang pagaaral at ginagawa ang mga bagay na kinasisira ng mga buhay nila.

Kaya n'ong nalaman ko na nagkagirlfriend ang gwapo kong kapatid sa isang maganda, mabait at pinsan pa ni Jion ay sobra ang tuwa ko.

Ang pinsan niyang si Fiona Fajardo ay girlfriend ng kapatid kong si Ulyssis De Agusta. Ang taray no? Nakabingwit lang naman ang gwapo kong kapatid ng isang total package na dyosa.

Naging magkaibigan din kami ni Fiona. Hindi siya kagaya ng ibang mayayaman na maarte at masamang ugali. She is far from that. Kung paguusapan ang good attitude, ay panalong-panalo si Fiona.

Noong nagcelebrate ang buong pamilya ni Fiona ng birthday niya ay inimbita niya ako pati na din ang gwapo kong kapatid.

Napa-Wow pa ako ng nakita ko ang venue ng birthday ni Fiona. Fiona introduce me and Uly to her family. Her family was so nice and warm. Nakita ko din ang parents ni Jion doon. Pero wala akong nakitang Jion. Pinakilala ako ni Fiona sa pamilya ni Jion, kahit nakakahiya. At hindi lang 'yon, sinabi pa niya sa buong angkan ng Fajardo na gusto ko si Jion. Nakakahiya.

Kaya 'yon pinagkakaguluhan ako ng Mommy ni Jion. Tinatanong ako kung sino ang nga magulang ko, kung saan ako nakatira at iba pa.

Naging masaya ang birthday celebration ni Fiona.

Gusto ko man humingi ng pabor kay Fiona na ipakilala ako sa pinsan niyang si Jion ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako.  Hindi na siguro ako makikilala ni Jion.

Pero 'yung ang akala ko. Nang minsan nag practice sila Jion sa music room kasama ang mga member ng Eros. Sinabi niya sakin na ipapakilala niya ako sa pinsan niya ay nagulat ako. Sinabi pa niya sakin na alam daw niya na may gusto ako sa pinsan niya. Naloka ako. Sobra akong nagulat. Tinanong ko siya kong saan niya nalaman.

"Uly told me." She giggled.

Halos gusto kong puntahan n'on si Ulyssis sa classroom nila at sabunutan siya.

Pagpasok namin sa music room ay manghang-mangha ako sa nakita ko, si Jion ay kumakanta habang nakapikit. He looked angel that time. Saktong-sakto na isa siyang miyembro ng bandang Eros.

Pinakilala niya ako kay Jion. Pinipigilan ko ang panghinga ko dahil sa kaba. Halos gusto ko nang umalis sa music room n'on at wag ng magpakita sakanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko kada hakbang ni Jion papunta samin.

Ocean WavesWhere stories live. Discover now