two

3.2K 162 15
                                    

"PAANO ka nagkaanak? Nagbakasyon Lang ako pagbalik ko may anak ka na"agad na tanong ni Pearl.

Tahimik na Si Rocket habang nakaupo sa kandungan ng dalaga. May nakasumpak na feeding bottle sa bibig nito na hawak ni Pearl.

"Paano mo nasabing gusto niya ng gatas?"

Nakatitig Pa din siya sa anak niyang tahimik. Nakatitig Pa nga ito kay Pearl na para bang na miss niya ito.

"Basic bossing, kapag umiyak ang baby it's either the baby is hungry or you need to change his diaper"paliwanag nito.

Napailing nalang siya bago tumayo.

"I need to take a shower. Ikaw na muna bahala sa batang makulit na iyan"aniya at iniwanan ang dalawa.

Mabilis Lang siyang kumilos nahihiya din naman kasi siya kay Pearl. Baka isipin ng babaeng iyon na sinasamantala niya ito.

Anak niya Si Rocket tapos iniiwanan niya Lang sa secretary.

Napahinto siya sa pagbaba ng hagdan ng makita niyang hele-hele ni Pearl ang anak niya. Mahina Pa nitong kinakantahan ang bata na para bang pinapatulog nito ang bata.

Kaya dahan dahan din siya ng bumaba para hindi makagawa ng ingay. Pagkalapit na pagkalapit niya nakita niyang sumenyas si Pearl na tumahimik daw siya.

And really, Rocket is sleep at his secretary's arms.

"Sinong magbabantay sa baby mo boss kung papasok ka ng office?"pabulong na tanong nito ng makita siyang nakapang-office na.

Then he look at his son whose now soundly sleeping.

"Bakit mo pinatulog kakagising Lang niyan"

Inirapan siya ni Pearl bago naghanap ng pwedeng paglapagan ng anak niya. Nakita nito ang baby car seat kung saan nakalagay si Rocket kahapon. Doon nito ibinaba ang anak niya bago siya harapin nito.

"Boss, mukhang hindi naman natulog ang bata sa itsura niya"anito na pasigaw pero bulong Lang talaga.

"Bakit sa tingin mo mukha din ba akong natulog?"ganting pabulong na sigaw din niya.

He look at his son when he grunts and move a little.

Napapagod na muli siyang tumingin sa sekretarya niyang nakatingin din pala sa anak niya.

"You stay here, hindi ako magtatagal sa office today. I just need to attend the board meeting. Then i'll be back and buy some stuff for this kid. Hindi siya pwedeng matulog sa tabi ko, baka. Madaganan ko siya or what. Even his diapers are running low and his milk. Damn tatay na tatay ang dating ko shit"aniya habang naglalakad na papunta sa pintuan.

"Perlas, ingat mo ang anak ko. Gigilitan kita kapag may nakita akong gasgas sa anak ko"banta niya sa dalaga ng nasa pintuan na siya.

Sumaludo Pa ang dalaga sa kanya bago ito sumagot.

"Yes boss, maaasahan mo ako sa baby na cute na ito"anito.

Ewan pero bakit kampante talaga siyang iwanan si Rocket sa sekretarya niya. Though matagal na silang magkakilala ni Pearl, may tiwala naman talaga siya sa dalaga. Pero iba ang kampante na nararamdaman niya ngayon.

.................

"KAMUSTA NAMAN ANG BAKASYON mo na talagang umabot Pa ng limang buwan. Tatanggalin na kita sana, kung hindi ka Pa nagpakita sakin ngayon araw"sita niya sa sekretarya niya.

Nasa isang supermarket na sila para mamili ng mga kailangan ng anak niya.

Sinama na niya sila Pearl at Rocket hindi din kasi niya alam kung anong bibilin niya para sa bata. And Pearl is a big help to him and Rocket.

Where is Baby Rocket's Mother? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon