Chapter 10

144 14 1
                                    

Venise

Sinusubukan kong iwaglit sa isip ko si Talia.

Kanina pa kasi. Hindi ako makapag trabaho ng maayos.

Busy ako sa pag pirma ng may matanggap akong message.

Nakaramdam ako ng kaba.. Pero sa mga oras na 'to si Talia ang unang pumasok sa isip ko.

Tinignan kong muli ang mensaheng natanggap ko bago mapag tagpi tagpi ang laman ng message.

It's nice seing her,hmm she's pretty. What do you think?

Naiyukom ko ang kamao ko.

Agad akong nag text kay Talia.

Knowing kung nasaan s'ya.

But I can't just wait here.

Agad akong nagmadaling bumaba ng building habang tinitrace kung nasaan s'ya.

Good thing nakabukas gps n'ya.

I trace her location bago ako tumawag.

"Late na! Nasaan ka? Susunduin kita."

"ah wag na pauwi narin ako"

"ang sabi ko nasaan ka?"

"pauwi na ng-" 

Damn it Talia!

Sinubukan kong muling tawagan pero mukhang namatay 'yung phone.

Binilasan ko nalang ang pagmamaneho ko.

I hate this feeling pakiramdam ko ako uli 'yung batang pinapanood kung paano pinapatay 'yung mga magulang ko.

Wala akong magawa kundi ang ang magalit sa sarili ko.

Wala na akong pakialam sa mga traffic lights.

Ayokong wala nanaman akong gagawin para iligtas 'yung taong mahal ko.

I'm not saying na mahal ko si Talia but I was the one  responsible if something happened.

Nang makarating ako halos maging isang bida ako sa isang marathon para may mailigtas.

Inikot ko ang tingin ko.

Puro eskinita ang nakikita ko..

Napakagat nalang ako ng ibabang labi.

May narinig akong kaluskos kaya agad akong pumunta doon.

Di ako nag kamali.

Nakita ko s'ya.. Ngumisi ito bago tumakbo palayo.

Hindi ko alam kung sino s'ya! Kung may kasalanan ako sa kaniya, dahil alam ko namang maraming may galit sa akin.

"Talia!"

Wala akong sinayang na oras ng makalapit ako kay Talia.

Yumakap ako sa kaniya.

Nag alala ako.

Sobrang nag aalala ako, naiinis ako sa sarili ko.

"a-ang sabi ko! Tawagan mo ako! Ano bang ginagawa mo. Huh!?" nagagalit ako.

Gusto kong magalit sa oras na ito muntik ko ng mapabayaan si Talia.

Kung nahuli ako ng dating b-baka wala akong naabutan.

Lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya sa oras na ito wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan n'ya.

"sshhh nandito na 'ko"

LIFELESSWhere stories live. Discover now