Solana's
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi saakin ni Yohan, pagkatapos daw ng klase ngayon eh magkikita kami sa Park na malapit saamin, doon kami lagi tumatambay kapag nasa bahay siya.
"Hoy, okay ka lang ba? " biglang tanong ni Myrrh
"Ha? " sabi ko ako ba kausap niya?
"Hatdog" sagot nito. Di ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko ang pag kain ko ng salad, wala si Yohan absent, hindi ko alam kung bakit
"Bat absent jowa mo? " biglang tanong saakin ni Myrrh.
"Di ko alam di nga nag tetext, huling kausap namin kagabi magkita daw kami mamaya sa may park namin" reklamo ko. "Nag aalala na ako" sabi ko ulit
"Ayoko sana mangspoil pero nabanggit ni Lee kahapon na may binili daw si Yohan sa jewelry shop nong nakaraang linggo" natatawa nitong sabi, medyo maingay kaya choppy pag kakasabi niya.
"Ano? Pakiulit nga maingay masyado," reklamo ko pero tumawa lang siya, ang ingay ng mga tao dahil Foundation day namin. Kaya din wala dito si Gianna di namin alam san nag lulusot yon, absent si lee at yohan.
"Ang boring naman ng araw na to" sabi ni Mira, naglalakad kami ngayon sa field madaming tao at maiingay madami ding mga booths.
"True," sabi ko, wala yong dalawa tas wala pa si Gianna.
"Umuwi nalang kaya tayo? Pa attendance nalang tayo kay Gin, sure akong papasok yon" sabi ni Miracle.
"Pwede naman, " asik ko, matutulog nalang ako sa bahay hanggang mamayang alas singko.
Habang naglalakad kami ni Mira, alam kong tinext niya na si Gin na uuwi nalang kami, nag abang na kami pareho ng masasakyan.
"Hindi tayo pareho ng dadaanan" sabi ko, saka may taxi na napadaan alam ko sasakay siya, tinatamad tong mag antay ng jeep palagi e.
"Oo nga eh, " sagot niya ng biglang pinara ang taxi "Sabay kana sabi, paikot nalang, ako nabahala sa pamasahe" pag sisigurado niya pero umiling ako.
"Wag na, jeep nalang ako may dadaanan pa naman ako eh" reklamo ko
"Sure ka??" paninigurado ni Mira kaya tunango ako. Ngumiti muna siya bago pumasok, ang ganda ni Miracle. Sobrang ganda. Sa sobrang ganda niya hindi niya deserve masaktan at umiyak sa kung ano mang problema.
Nong nakasakay na ako ng jeep pumara ako sa may malapit na 7/11 saamin para bilhan ng chichirya ang mga kapatid ko. Nagulat ako ng biglang may tumunog sa cellphone ko pag tingin ko ang Manager ko pala.
Manager Trish calling...
Agad agad ko itong sinagot.
'Yow' bungad niya.
'Bakit? ' tanong ko naman.
'Guess what?!!! Alam kong matagal mo ng inaantay to sol kaya sobrang saya ko para sayo sol, ' excited na sabi nito, alam kong new project ito.
'You know Lopez Inc. right?' tanong niya.
'Oo bakit? Diba sila Kyle Lopez may ari non? ' tanong ko
'You got it right girl!!!! ' natutuwang sabi niya.
'So bakit nga?! ' iritang tanong ko, saka nilapag ang binili ko.
'Kinukuha ka nila as model sa kompanya nila girl!!!! '
"105 po lahat ma'am " sabi nong cashier saka binigyan ko siya ng sakto lang na bayad at kinuha na ang dala ko.
YOU ARE READING
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...