𝚁𝙴𝚃𝚁𝙴𝙰𝚃 𝙷𝙾𝚄𝚂𝙴

8 0 0
                                    

Typo/grammatical errors ahead

Masayang masaya kami dahil field trip naming ngayon. Well educational field trip namin ngayon.
Maaga kaming umalis sa school, bale limang bus kami. Sa bus naming halos tahimik ang lahat dahil na rin siguro inaantok pa ang ilan. Nakatulog ang lahat at ilang oras ang nakalipas nag bus stop muna kami, kumaen at nagcr. Bigla akong nakaramdam ng kaba, di ko alam kung bakit. Muling umalis ang sasakyan at nakarating kami sa una naming pupuntahan ang isa sa sikat na feedmill, nilibot kami sa loob at nakita naming kung paano ang paggawa ng feeds. Kumaen ng tanghalian at pumunta na kami sa pangalawang location which is pagawan ng noodles, sumunod sa  Gardenia factory at lastly ung farmzoo. Halos inabot na ng hapon ang paglilibot nmin sa zoo.
Sumakay na kami sa bus at pupunta na kami sa aming tutuluyan, pagod na din ang lahat kaya gusto na din makapag pahinga.
Hinati kung san kami tutuloy sa hotel malapit sa huli naming pinuntahan yung dalawang bus, punuan na kasi don kaya nalipat kami sa ibang area
Nagiingay ang lahat lalo na nung natanaw naming kung saan kami tutuloy,
“Hala! Dyan tayo matutulog?”
“Nakakatakot naman yung ilaw”
“Ang taas ng building”
Sunod-sunod na sabi ng mga kaklase ko, sumilip ako sa bintana at tinignan ung tutuluyan namin Nagtaasan lahat ng balahibo ko, may mga nakatanaw na tao sa itaas ng building. “nakalutang?” bulong ko sa sarili ko buti at hindi narinig ng katabi ko.
“Retreat house daw yan guys” sabi ni Ara
“What?!! Bat dyan tayo papatuluyin”
“Text niyo si Maam, ayoko dyan”
Mga kumento ng iba. At nakarating na nga kami sa retreat house daw. Awra palang nito sa labas ay nakakakilabot. Isa isa kaming bumaba at sinalubong kami ng namamahala dito.
“Welcome” sabi nila at tinuro sa amin kung saan kami tutuloy. Pagkahakbang ko palang nakaramdam na ako ng kakaibang vibe.
“shit!” narinig kong sabi ni Shai sabay hawak sa akin, bestfriend ko si Shai at may third eye ito. Inaamin ko katulad niya ako
“Bes, nararamdaman mo ba?” bulong nito sa akin
“uhmm” sagot ko rito, napakabigat kasi ng pakiramdam ko.
Habang paakyat kami sa room nilibot ko ang paningin ko, mga dekorsyon nila dito nakakatakot. Mga antik na bagay, napatitig ako sa isang hugis taong dekorasyon nanlamig buong katawan ko bigla itong dumilat.
“waaaahhh” bulalas ko
“Anyare Jes?” tanong sa akin ng mga kasama ko
“a-aah waa-ala may butiki lang” pagsisinungaling ko sa kanila. Inalis ko sa isip ko yung nakita ko, baka namalikmata lang ako sa pagod.
Nakarating na kami sa kwarto namin, nagsimula ng maayos ang lahat. Nang makapagpalit na ang lahat, napagpasyahan naming magkakaklase na maginuman.
Lumabas kasi ung mga kaklase naming lalaki at bumili ng alak.
Dumungaw ako sa bintana dahil kita dito ung loob ng sala sa baba.
“fuck!” nangingiyak na sabi ni Lea, may third eye din ito.
“bakit?” tanong sa kanya ng lahat.
“may nakita ako, pu-puugot na ulo” sabi nito at nagsimula ng umiyak. Nagtataka ang iba sa sinabi ni Lea, muli akong dumungaw sa bintana at lumapit dito. Biglang may humawak sa kamay ko at pagtingin ko ay duguang kamay
“waaaaaaahhhhhhhhhhh” paatras na sabi ko
Nabalot ng takot lahat ng tao sa room.
“uy anong meron” naluluhang tanong ng mga kasama namin, hindi pa din tumitigil sa pagiyak si Lea. Tulala pa din akong tinignan ang kamay ko at laking gulat ko ng may bahid ng dugo ito.
“bes? Anong problema? “ Nilapitan ako ni Shai, tumanaw din ito sa bintana at laking gulat ko ng bigla itong nahilo buti at naalalayan ko agad at tinulungan nila akong ihiga ito.
Nagkakagulo na lahat kami sa room, saktong dating ng mga kaklase naming lalaki. Humingi sila ng tulong sa baba. Napaupo ako sa kama at unti-unti na ding nahihilo tinignan ko si Shai at wala pa din itong malay. Luminga ako sa paligid at laking takot ko ng makita ang mga kaluluwang putol-putol ang knailang katawan. May pugot na ulo, putol na kamay at paa. Hinawakan ko sa kamay si Shai, pinilit palakasin ang aking loob natatakot man pinilit ko nalang di pansinin.
Hanggang sa binuhat na siya ng mga lalaki, sumama kami hanggang sa ibaba. Gusto na naming umalis dito. Di na namin gusto pang matulog dito. Umiiyak pa din kami sa labas hanggang sa naidala na si Shai sa ospital. Pinagpray kami nung madre isa siya sa namamahala sa retreat house. Sinabihan niya kami na wala daw multo at di daw kami papabayaan ng Diyos. Napatingin ako sa batang katabi nito at laking gulat ko ng nakangisi ito at dinidilaan ang mga labi. Parang asong laway na laway sa nakitang laman. Nilingon ako kaya sabay iwas ko ng tingin.
Ilang oras ang nakalipas nagtext yung kaklase naming sumama kay Shai, may malay na daw ito. Magpapahinga lang daw sandali doon at babalik na din dito. Napagpasyahan na ng lahat na umakyat na sa taas at ng makapagpahinga na lumalalim na din ang gabi.
Nahuli akong pumasok sa loob ng may marinig ako “pssssst!” luminga ako sa likod ko wala namang tao. Binalot ako ng takot, binilisan ko ang paghakbang ko “psssssssssssssssssssssssssttttt! Psssssssssssssssssttttttttt! “ papalakas ng papalakas ito hudyat na papalapit na din kung sino man ito. Nagtatakbo ako papunta sa hagdanan at dalidaling umakyat. Natanaw ko si Kayla na lumagpas sa kwarto namin
“Kayla!” tawag ko dito ngunit di ako narinig. Sinundan ko ito, nakita kong may pumasok sa isang kwarto. Baka si Kayla iyon kaya pumasok ako sa pinasukang kwarto nito
“Kayla” mahinang pagtawag sa pangalan nito. Ayoko mang pumasok pero kailangan kong mahanap ito. Dahan dahan akong pumasok sa loob, liwanag lang sa kandila ang nagsisinding liwanag dito.
Nakita ko ang isa pang silid sa loob at nakauwang ng kaunti ang pintuan, dumungaw ako dito at laking gulat ko ng makitang may kinakatay yung Madre na nakasama namin kanina at nasa harap nito nakaupo ang bata laway na laway sa kinakatay ng madre.
Bumaba ang tingin ko sa kinakatay at laking gulat ko ng makita si Louie. Mulat ang mata nito at nakatingin sa gawi ko. Pinilit kong di makagawa ng ingay. Tinakpan ko ang aking bibig gustuhin ko mang umiyak pero hindi pwedeng gumawa ng ingay. Sa pagkakaalam ko sumama si Louie sa paghatid kay Shai sa ospital.
“Masarap at malalaman ang potahe mo ngaun mahal na prinsipe” sabi ng madre
Puno ng talsik ngdugo ang mukha ng batang lalaki
“ang galing mo talaga, bibigyan kita ng pabuya” masayang masayang sabi ng batang lalaki.
Napaatras ako at di sinasadyang nabunggo ko ang lagayan ng kandila, agad agad akong nagtago sa kabilang silid
Lalong laking gulat ko ng makita sila Shai, Taylor at Jim. Mga walang malay ito at nakatali sa upuan.
Agad ko nilapitan si Shai “Bes, gising” mahinang bulong ko dito, tinapik tapik ko ang mukha nito ngunit di pa din magising.
Nakarinig ako ng mga yabag at dali dali akong nagtago sa ilalim ng lamesa.
Pumasok doon ang madre
“hmm, sino na kayang susunod sa inyo” lumapit ito kila Shai.
“Ito babae, mukang masisiyahan ang mahal na prinsipe dito” muling sambit nito
Naghanap ako ng pwedeng ipanghampas dito at pasaalamt ko ng may kahoy akong nakapa.
Mula sa likod ay hinampas ko ito, natumba ito at nawalan ng malay.
Kinalasan ko ng mga tali sila Shai “bes! Gising!” yugyug ko dito
Nang akmang aakbayan ko na si Shai ay biglang taga ng itak ang sumalubong dito, nakita ko ang braso kong tumilapon sa sahig. Pusitsit na dumaloy ang mga dugo sa aking putol na braso. Napahiga ako sa sahig sa sobrang sakit. 
“masyado kang pakialamera!” bulalas nito sabay hila sa aking katawan.
Agad ko itong sinipa ng malakas na siyang nagpatumba dito.
“Anong ginagawa niyo ha?! Pakawalan niyo na kami!” sigaw ko dito. Ramdam ko ang hapdi at kirot ng putol kong braso.
Sinubukan kong tumayo gamit isang kamay ko ngunit isang malaks na sipa ang aking natamo mula sa batang lalaki.
“Sabi ko na nga ba magiging hadlang ka sa mga plano namin” sabi nito sabay tapak sa putol kong braso
“Aaaaaaaaaaaaaaaa-ahhhhhhhhhhhhhh”  isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko
“tulungan niyo kami!”
“HAHAHAHAHAAHAHAH, akala mo maririnig ka nila? Walang makakarinig ng hingi ng pagtulong mo” natatawang sabi ng batang lalaki
“sasama na ako sa inyo basta pakawalan niyo na sila” muli kong pakiusap sa mga ito
“eh kung ayoko? Gusto ko ng iba’t ibang potahe ngayon eh” sagot nito
“demonyo kayo ! demonyooooo!!!!!” sigaw ko sa mga ito
Inapakang lalo nito ang putol kong braso
Sinimulan na akong hilahin ng madre kung saan kinatay niya kanina si Louie. Wala akong magawa kundi ang magdasal na sana ay may maghanap sa akin. Nanghihina na ang katawan ko marahil dahil sa dugong nawala na din sa akin.
Binuhat at hiniga ako ng madre sa lamesa.
“Isang pakialamerang katawan hmmm, masarap iyan” sabi ng batang lalaki at muling umupo sa kinauupuan niya kanina.
Sinimulang tagain muli ng madre ang isa kong binti, sobra-sobrang sakit ang dulot noon. Hindi ko na magawang makapagsalita dahil sa paghihina at sakit.
“Lord, kayo na po ang bahala kila Shai, iligtas niyo po sila” panalangin ko sa aking isipan. Muling tinaga ng madre ang kabila kong hita, maluluha-luha ako sa sakit at wala ni isang boses ang lumalabas sa bibig ko.
Muling inamba ng madre ang itak upang hiwain ako sa aking tiyan ay biglang may putok ng baril akong narinig at kasabay noon ang pagdilim ng aking paningin.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, puro puti ang aking nakikita. Nasa langit naba ako? Tanong ko sa sarili ko. Binukas ko ng malaki aking mga mata at nalamang nasa ospital ako. Wala akong maramdaman, hindi ko maigalaw ang katawan ko.
“gising kana” nakangiting sabi ni Shai, mugto ang mata nito
“Ligtas ka” sabi ko dito, yayakapin ko sana ito ngunit diko maigalaw ang katawan ko.
“Magpahinga ka muna, makakasama sayo ang paggalaw-galaw. Sabi ng doctor madaming anesthesia ang nilagay sayo” pagpapaliwanag nito
Bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyare. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil niligtas niya sila Shai pati na din ako.
Isang buwan din akong namalagi sa ospital, araw-araw akong binibisita ni Shai sa ospital. Kinuwento sa akin si Shai ang nangyare, sinabi daw sa kanya ni Kayla. Nakita daw ako nito na pumasok sa isang kwarto nung pabalik na ito dahil naligaw ito sa dapat na kwarto naming. Nung una ay natakot daw ito dahil nakakatakot sa loob at kandila lang ang ilaw doon, pero nung nakarinig ito ng sigawan ay dumungaw daw ito at nakita ang madreng may hawak na itak. Dalidali daw itong tumakbo sa baba at humingi ng tulong sa guwardiya. At doon nga ay nakita nila ang madreng itataga sa akin ang itak at walang takot na binaril ito ng guwardiya. Nakatawag na din sila ng tulong sa mga awtoridad.
Ngayon ang araw ng aking paguwi. Pagdating sa aming bahay ay nandoon lahat ng kaklase naming. Masaya nila akong sinalubong. Nakaupo ako sa wheelchair, dahil sa nangyari  naputol ang isang kamay ko at dalawang binti ko. Ilang araw ko ding halos di matanggap ang lahat pero naisip ko ang mahalaga ay buhay ako. Masakit lang isipin na hindi naming nailigtas si Louie.
“welcome home Jes!!!” sabay sabay na sabi ng lahat. Nagpasalamat ako sa kanila at masayanf masayang nakauwe na sa bahay. Di ko lubos akalain na mabubuhay ako sa ganung sitwasyon. Lumabas ako sa aming pintuan upang masilayan ang kapaligiran na ang akala koy diko na makikita pa. Napalingon ako sa gawing gate naming at nakita ang isang madre. Nanlilisik ang mga mata nito at galit na galit na nakatingin sa akin.
“Bes! “pagtawag sa akin ni Shai
“nandyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Doon na tayo sa loob may kwentong nakakatawa sila Taylor” sabi nito
“ah sige” at muli kong nilingon ang gate namin ngunit wala na dun ang madre.
“Tara” masayang sabi nito sabay tulak sa wheelchair ko.
Napailing nalang ako at dinasal na sanay namalikmata lamang ako.

END

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 19, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

𝚁𝙴𝚃𝚁𝙴𝙰𝚃 𝙷𝙾𝚄𝚂𝙴Onde histórias criam vida. Descubra agora