Chapter 4

92 5 0
                                        

"Ano? At bakit kailangan mo pang maglaro ng basketball? Akala ko ba, interview lang sapat na?"

Yes, it was her father. Iyan lang naman ang reaction niya nang sabihin ko ang tungkol sa nangyari sa interview at sa desisyon kong maglaro ng sports na iyon.

"Oo nga naman anak, bakit kailangan mo pang maglaro nun?" segunda naman ng mama niya.

"Pa, ma...as I told you, mas madali kong maipapaliwanag ang topic ko kung ako mismo ay alam ang sinasabi ko."

"Pero that game is intended for boys. At babae ka, Jazmine. Kaya mo ba iyon?"

"Pa, kaya ko nga po pag-aaralan eh."

"Paano kung masugatan ka? I don't even allow any insects na madapuan ka. What if madapa ka at magasgasan!? No way, sweetie!."

Naitirik niya ang mga mata. Her mom is being overprotective na naman. Well, both of them actually.

"Pa, ma...walang masama kung masugatan ako paminsan-minsan. Kung madapa ako, fine. At least malalaman ko kung kaya ko ba uling tumayo di ba? Ayaw niyo bang matuto akong bumangon sa sarili kong mga paa ngayon palang? I was pampered already by you, but Im getting older and I want to learn some things on my own. "

Tumahimik ang mga magulang niya. Tila tinitimbang ng mga ito kung ano ang dapat sabihin sa kaniya. Di nagtagal narinig niyang bumuntong-hininga ang kaniyang papa.

"Hindi ka ba talaga magpapapigil?" tanong nito.

Napangiti siya. Now, she's sure she won! "Yes! Thank you po."

"As you wish my little girl."

Napangiti na lang ang mama niya.

Mr. and Ms. Pick Up LinesМесто, где живут истории. Откройте их для себя