Chapter 3

360 27 2
                                    

——————  ✦  ✦  ✦  ——————

Lyndsey's POV–

Paggising ko ay nagmuni-muni muna ako saglit at napagdesisyunan kong mag open muna ng facebook ko.

Pagkabukas ko ay binuksan ko ang inbox at halos puro GC lang at mga kaibigan ko ang mga nag-chat.

Kaya naman nireplayan ko muna ang mga kaibigan ko at tiningnan ang notifications ko.

At nakita ko ang mga nag-react sa post ko kahapon. And gosh 584 na yung reacts, 'di na masama noh. May mga nagcomment din.

After kong mag-check ng fb ay nagmumog muna ako at bumaba na para mag-agahan.

Pagkababa ko ay handa na ang mga pagkain at andun nadin silang lahat. Kaya naman umupo na ako at sinimulang lumafang.

“Ahm Ma, Pa after kopong kumain pupunta na po ako sa school ko.” sabi ko kina Papa.

“Sige, ihahatid ka nalang ni Kuya Kyle mo para mas madali kang makarating” sabi naman ni Mama.

“Sige po” ani ko at tinutok nalang ang aking pansin sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik muna ako sa kwarto ko upang maligo at magbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay hinatid na ako ni Kuya Kyle sa bago kong school. Hanggang sa makarating na kami sa may gate nito.

“Bye Kuya ingat sa pagda-drive” sabi ko sabay beso.

“Sige ikaw din bunso.” sabi ni Kuya at umalis sakay ng kanyang motor. Naol may motor noh HAHAHA.

Nang makaalis na siya ay humarap akong muli sa gate ng school. Sa harap palang maganda na.

After kong suriin ang harap ng school ay napagdesisyunan ko ng pumasok. Nang makapasok na ako ay halos mapanganga ako sa ganda nito.

Myghad that was so huge!

Agad naman akong nagpunta sa may faculty room at hinanap head ng FR. Agad ko naman itong nakita sa kanyang table na may iba ding kausap na estudyanteng  marahil ay nagtatanong din.

Nang matapos ang iba ay ako naman ang nagtanong.

“Hello po Ma'am. Ahm Ma'am tanong kolang po kung saang section po ako?” tanong ko dito.

“Ok you are...?”

“Lyndsey Fortajelo po Ma'am” sagot ko. At may tinignan naman itong mga papel

“Base sa mga requirements mo, sa section ka ng 9-SSC (Special Science). Room 58.” sagot naman ni Ma'am.

“Ah sige po thank you po.” sagot ko at agad na lumabas ng faculty.

Pagkalabas ko ay may bigla nalang kumalabit saakin sa may likuran ko. Kaya naman lumingon ako at nakita ko ang tatlong babaeng mukha talagang mayayaman at parang kaedaran kolang. Kaya agad ko namang tinatong ang mga ito.

“Ahm may problema po ba” tanong ko.

“Ahm hi, I'm Cassy. Cassy Alvarez and you're a transferee right?” tanong nito kaya tinanguan ko lang ito.

“Ahm gusto kalang sana naming maging kaibigan since transferee ka naman kaya wala kapa halos kakilala dito atsaka mukha ka namang mabait e” sagot ni Cassy ng nakangiti.

“T-talaga?” hindi ko makapaniwalang sagot dahil hindi na ako mahihirapang maghanap ng mga bagong kaibigan. Atasaka mukha namang makakalagayan ko sila ng loob.

“Yes. And by the way, I'm Kiara. Kiara Velasquez. I hope we can be friends.” sagot ng isa pang babae.

“I'm Jane” tipid na sagot naman ng katabi ni Kiara.

HE'S INTO GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon