Chapter 16

196 17 2
                                    

Lyndsey’s POV–

Mabilis lumipas ang Biyernes, Sabado at Linggo and eto nga't magpe-perform na kami ngayon.

I mean mamaya hehe. Nasa bahay pa kase ako at naghahanda para sa pagpasok ko.

And alam niyo ba mga sis, ang ganda ng bahay nila ha! Baka nga yung banyo nila ay sing laki lang netong kwarto ko.

Mahilig pala talaga siya sa music. Hehe 'di din naman halata e noh? Ang dami niya kayang  iba't ibang mga musical instruments.

Nakita ko rin yung loob ng kwarto niya and alam niyo ba?

May hindi talaga ako malilimutang pangyayari sa loob ng silid na iyon.
Goshhh!

Gusto niyong malaman?

Flashback

Kakatapos lang naming magtungo sa music room ni Chester na nagpractice at andito ako ngayon sa kwarto niya dahil aantayin ko nalang daw siyang matapos maligo.

Naglibot-libot din ako dito sa loob ng kwarto niya at talaga namang walang panama ang kwarto ko dito.

Mga apat na beses na luwang ang laki ng kwarto niya sa kwarto ko. Gravehan lang noh?

Hehe. Maa-achieve ko rin ang ganto kalaking kwarto soon. Kaya mga sis, aral mabuti!

Nakita ko rin ang mga nakasabit na posters ng mga sikat na mga musikero sa iba't ibang bansa.

Hmmm. Feeling ko sisikat toh bilang isang sikat sa singer! Kase naman diba, bukod sa gwapo siya ay ang ganda pa ng boses!

Ay oo nga pala mga sis, about pala sa ipe-perform namin ay dalawa na kaming kakanta. Pero syempre, nag gi-gitara parin siya. Multitasking kumbaga. May mga parts ng kanta na solo ko, solo niya and duet kami.

Yays! Ewan ba pero parang nae-excite na akong mag-perform instead of kabahan.

Hmmm kanina pa ako dito ah. 'Di paba yun tapos?

Napagdesisyunan kong katukin nalang ito dahil goshh ang tagal niya na kaya talaga! Baka naman nilamon na siya ng banyo.

Nang kakatukin ko na ang pinto ay siya namang pagbukas nito. Nagulat pa ako niyan mga sis!

At tumambad sa akin ang mukha ni Chester na mababakasan din ng gulat.

Nakatingin lang ako sa mukha niya dahil nakatapis lang ito ng tuwalya. Dahil rin siguro sa gulat niya ay natanggal ito.

Kaya napadako ang aking tingin sa kanyang… O_O

"Kyahhhhhhhh!" sigaw ko at feeling ko napakapula na ng mukha ko ngayon.

Dahil OMYGHAD! Is that his... his sort!? Hala ba't ang laki! Walang wala yung sa'kin sa haba neto! Yes I'm a gay at hindi din naman maikakakila na meron ako gaya ng kanya.

Agad akong napatakip ng mata.

"Chester naman ih! Ba't mo kasi binuksan agad yung pinto!" singhal ko habang nakatakip parin ng aking mga mata. Myghad! Alam niyo bang first time kong makakita ng ano ng iba bukod yung sakin!?

"L-lalabas na kase talaga ako e. Hindi ko naman alam na andyan ka pala. Sorry." saad nito at paghingi niya ng paumanhin.

"C-chester nakatapis kana ba?" tanong ko.

"Oo. Pwede mo nang tanggalin yang mga kamay mo na nakatakip sa mata mo." saad niya kaya tinanggal ko na nga ang aking palad na nakatakip sa mata ko.

At tumambad saakin ang nakatapis na nga na si Chester.

"Padaan na sana ako? Magbibihis na ako." saad niya kaya agad akong umalis sa kanyang harapan para makadaan siya.

HE'S INTO GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon