Chapter 2 - Her Work

82.6K 1.2K 42
                                    

Kaede's POV

Sa Bar...

"Good evening, Sir!" bati ko sa aking boss pagpasok ko sa Bar.

Pumapailanlim ang mga iba't-ibang musika at halakhak ng mga babae at lalake sa buong lugar.

"Sorry po kung nalate ako," dagdag na sabi ko.

"It's okay. Magbihis ka na. Madaming customer ang naghihintay sayo. They love the taste of your drink," sabi ng boss ko sabay ngiti.

Nagpapasalamat ako at mabait ang boss ko. Kung hindi ay baka wala na akong trabaho. Lagi pa naman akong late.

"Salamat po, Sir. Magbibihis lang po ako saglit," sabi ko sabay talikod at pasok sa dressing room.

Dahil nga nahold-up yung 20 pesos ko, naglakad na lang tuloy ako.

Ibang klase din 'yong lalaking 'yon. Nasa mukha naman na mayaman siya. Gwapo siya ngunit mukhang gangster.

May naalala tuloy ako. Ahhhh! Wala na siya, Kaede! Matagal na siyang wala at kailanman di na siya babalik pa.

Kailangan ko nang tanggalin ang mga suot ko. Lalo na ang nerd disguise ko.

Props ko lang ang makapal na eye glasses at lagi ding nakapuyod 'yong mahaba kong buhok. Kinapalan ko rin ang kilay ko para 'di talaga ako makilala. Nerd tuloy ang itsura ko kahit saan tingnan.

Pero ang totoo , Heiress ako sa aming angkan, pero iniwan ko ang marangyang buhay doon.

Tumakas ako sa amin at nagpakalayo kasi nasasakal na ako lalo na sa tradition nila na noon pa man ay salungat na sa gusto ko.

'Di ko gusto ang diktahan sa lahat ng aking ginagawa, na parang isang manika ng aking pamilya, at lalo na ang ipakasal sa taong hindi ko mahal.

Isa lang ang mahal ko at gusto kong pakasalan. Ngunit hindi na ito mangyayari pa dahil iniwan na niya ako. Hindi ko na siya kailanman makikita o mahahawakan man lang. Dahil siya ay wala na sa mundong aking ginagalawan.

"Hevn!" tawag ni Leslie sa akin. " Bilisan mo daw," pagpapatuloy niya.

"Yep! Papalabas na ako," sagot ko habang nakadungaw sa labas.

I worked as a bartender sa CASSA BAR simula ng lumayo ako sa amin. I become an independent person. Natuto na akong mamuhay ng mag-isa.

One year na rin ako sa bar na ito. Since scholar din ako sa University na pinapasukan ko, which is the Karluck University, libre na ang full tuition ko. Pero hindi pwede ang magtrabaho sa ganitong establishimento. Kaya napag-isipan ko na lang ang magdisguise. Wala kasi akong pambayad ng upa, at lalo na ang pang-araw-araw na gastos ko.

Nerd ang drama ko sa school, while sa Bar, I'm totally the opposite.

"Hey! Hevn darling! One Bloody Mary please," order ng isang customer habang nakaupo sa upuan paharap sa akin.

"One Bloody Mary coming up, sir!" sabi ko sabay kindat sa customer.

Kailangan kong maging mabait sa kanila. Kahit ayaw ko 'yong mga ginagawa ko, kailangan ko paring gawin para dumami ang customer at may makuha rin akong tip kahit papaano.

Hevn ang codename na gamit ko dito para di nila malaman ang true identity ko, at Kaede Bartlett 'yong gamit ko sa school.

Pero ang dalawang 'yan ay 'di ko totoong pangalan.

Kailangan kung itago ang identity ko kasi alam kong pinaghahanap pa rin ako ng mga tauhan ng lolo ko.

"You're so sexy tonight, darling!"  may pang-aakit na sabi ng customer.

Devilicious 7 Gangster  [Under Major Revision]Where stories live. Discover now