Chapter 1

1 0 0
                                    

November 30, 2019 12:00 midnight.
Isang gabing maliwanag ang buwan at ang mga tala ay nag nining-ning sa kalawakan, habang may  isang lalaking umiiyak sa rooftop na parang may masakit na dinadamdam. Sya ay humiling sa tala at nagsabing
"pls. Ibalik mo sya sakin, please.....buhayin mo sya! Ayaw ko syang mawala sakin." habang lumuluha at na nginginig ang katawan.
6 months later:
Sa isang bar:
"Oh. Jimmy anong oras na! Baka papagalitan na naman kami ng parents mo nyan." Sabi ng kaibigan ni jimmy na naiinis sa kanya.
"Oo nga!, halos 6 months nang ganito ka lagi, baka ma pano na kalusugan mo nyan!" Nag aalalang payo ng isa pang kaibigan.
"Alam nyo guys, naka move-on na ako kay leah, eh hetong pag inom ko ay trip trip lang. Wag nga kayong OA (over acting) dyan" sabi ni jimmy habang umiinom at sobrang lasing na ito. "Sabi mo yan ha!"sagot ng isang kaibigan.
Mga 1:30am na ng umuwi ang tatlo, hinatid nila si jimmy sa kanyang bahay. Hanggang sa kama na nila nilapag si jimmy. Ng papaalis na ang dalawa ay biglang nandyan ang parents ni jimmy.
"Oh. Mga eho! Bakit ngayon lang kayo umuwi anong meron?" Nag aalalang pag tanong ni Mary na mommy ni jimmy.  "Eh... tita mary, may kunting celebration lang ang isang kibigan ko, nagyaya naman itong kaibigan kong uminom. Eh. Kaso bilang sumama itong si jimmy sa amin, so sinama na namin po!" Sagot ni kaibigan ni jimmy. "Naku! Tita, sorry po! Biglang dumami ang ininom ni Jimmy, sorry po tita!" Sabi ng isa pang kaibigan nito. "Kayo talaga mga binata nga naman kung ano ano ang ginagawa sa buhay, basta wag nyo ng ulitin ha!"  Nag aalalang Payo ni mary sa dalawa. "Ok po tita" sagot ng dalawa.  "Mag ingat kayong umuwi ha, ingat sa pag drive ha.." sabi ni mary sa dalawa.
"Opo! Salamat po tita,tito, uwi na po kami" sagot nilang dalawa.
Nag usap ang mag asawa sa dapat na gawin nila kay jimmy upang matigil ang kagagohang nito:
"Honey, dapat nga nating kausapin ang anak natin bukas, kasi kung gaganyan ganyan yan, eh.. baka ma pano na ang future nyan!" Sabi ni mary.
"Oo nga!, hayaan mo bukas kakausapin natin sya tungkol dito" sagot ng asawa.
Kinabukasan:
Pababa na ng hagdanan si jimmy, nang biglang tinawag nang kanyang ina nito para sa pag uusap nila.
"Anak! Hali ka nga rito, may sasabihin kami sayo ng daddy mo.
"sabi ng mommy ni jimmy. Papalapit na sya sa kanila sa hapagkainan.
"Bakit Ma?, tungkol ba to kagabi?"sabi ni jimmy sa ina.
"Actually  anak dati pa namin dapat sabihin to sayo, kaso wala pa kami sa timing." Sabi ng ama.
"Ano po?" nag aalangang pag sabi ni jimmy sa mga magulang.
"Dapat na sigurong kalimutan mo na ang tunkol kay leah, eh. Halos 6 months na, time na siguro para mag move-on kana anak!," nag aalangang pag sabi ng ina.
"Alam namin anak na wala kaming alam sa nararamdaman mo kung gaano ka nasaktan sa nangyari, eh kami ng mama mo ay nag sa-suggest  lang ng payo, para rin to sa iyo anak. Wag mo kaming sasamain ah.!" Mahinang pag sabi ng ama.
"ok, lang po talagang ganon talaga ang nangyari, hayaan nyo po susundin ko po kayo simula ngayon. Sorry rin po sa nagagawang kabaluktutan ko sa buhay, alam ko po na nagaalala rin kayo sa akin. Sana po mapatawad nyo po ako." Nalulungkot na pag sabi ni Jimmy sa mga magulang.
"Thank you anak dahil napakinggan mo kami ng daddy mo. Mahal na mahal ka namin anak!" Sabi ng ina.
Nag yakapan ang mag ina tapos naki sali rin ang ama nito.
"Love you nak!" sabi ng ama.
"I love you to, guys!" Sagot ni jimmy sa mga magulang.
"Tama na nga ang iyakan!, kumain na tayo!" Lumuluhang pag sabi ng ina.
"Tayo na kumain nalang tayo!" Sabi ng ama.
"O sige tayo na!" Sagot ni jimmy.
Masayang kumakain ang pamilya ni jimmy, nag papasalamat si mary at felix dahil sa wakas mag kakaroon din nang bagong buhay ang anak nilang si jimmy.
Pababa na si jimmy sa sasakyang kotse nito, nang biglang may humatak sa kanyang dinadalang backpack. Isang magnanakaw ang kumuha ng kanyang bag na may lamang importanteng documento at mga mamahaling bagay. Hinabol nya ang magnanakaw, nang nakarating na sila sa isang parke na sa sobrang daming tao naabotan nya ang magnanakaw, bago pa niya ito nilapitan ay biglang sinaksak sya ng magnanakaw sa dagiliran. Biglang umitim ang paningin ni jimmy, at bumagsak sya sa lupa. Pero nakita nya ang sumunod na pangyayaring may isang babaeng tumulong sa kanya at pinabagsak nya ang magnanakaw sa lupa. At tinulungan sya nito sa pag dala sa hospital, kaso nanilim na ang paningin ni jimmy at nagising na lang sya sa isang hospital at nasa tabi na nya ang mga magulang nito. Nagtanong si jimmy sa sarili "sino kaya ang baaeng tumulong sakin."
"Anak! Kamusta na ang pakiramdam mo?"tanong ng ina.
"Ok lang ako ma, hindi naman ako na purohan" sagot ng anak.
"Buti naman anak, pahinga ka muna."sabi ng ama.
"May babaeng tumawag sa amin mga 1 hour ago, na nadito ka. Sya ba ang tumulong sayo anak?" Tanong ng ina.
"Siguro po ma, eh. Hindi ko na nakita mukha nya, ang alam ko lang na tinulungan nya ako." Sagot ng anak.
"Eh, hindi naman namin na abutan dito tinanong namin ang nurse kaso daw umalis na sya agad, parang nagmamadali daw!" Sabi ng ina ni jimmy.
"Hayaan mo na yon!, kung sino man sya eh magpapasalamat nalang tayo sa kanya, dahil tinulungan nya anak natin."sabi ng ama.
"Oo nga dad, kung hindi dahil sa kanya, baka kung mapano na ako". Sabi ni jimmy.
"Sino kaya sya, gusto kung makilala kung sino man sya! Gusto ko syang pasalamatan." Nag iisip na pag sabi nang ina ni jimmy.
Nang nakalabas na si jimmy sa hospital ay nagyaya ang ama nito na kumain sa restaurant, para naring celebration dahil nakalabas na ang anak nito.
"Pa! Saan tayo kakain?" Sabi ni jimmy sa ama.
"Sa kilalang kainan dito sa lugar natin, yung marv's cafe."sagot ng ama.
"Oo nga, ganda dyan!"sabi rin ng ina.
"So...lets go!"sabi ni jimmy.
Papunta na sila sa marv's cafe.
Lumapit ang isang waitress sa kanilang lamesa.
"Good morning maam, sir! Ano po order nila?" Sabi ni happy.
Nang tumingin na si jimmy sa kanila ay parang may na aalala nya na parang familiar yung mukha at boses nito.
Nag tanong si jimmy kay happy.
"Have we meet yet somewhere?"tanong ni jimmy kay happy.
"Tika po sir," tiningnan ng mabuti ni happy si jimmy.
"Ahhh!.. ikaw yung natulongan  ko nung sinaksak ka ng magnaakaw" sabi ni happy.
"So...ikaw pala yun!" Tumayo sya at nag pasalamat.
"Thank you nga pala, utang ko sayo ang buhay ko, im jimmy nga pala!" Sabi ni jimmy at nag shake hand sila ni happy.
"Its just ok gusto kung makatulong sa iba. Ako nga pala si happy!" Sabi ni happy.
"Parents ko nga pala!" Sabi ni jimmy.
Tumayo ang parents ni jimmy.
"Mommy ko si mary, at daddy ko si felix" sabi ulit ni jimmy.
"Hello po!" Sabi ni happy habang nag ha-hand shake sa mga magulang ni jimmy.
"Kamusta ka happy? Maraming salamat talaga sa ginawa mo sa anak ko, we owe you" sabi ng ina ni jimmy.
"Paano ba kami makaka bawi sa ginawang pang tulong mo?" Sabi ng ama ni jimmy.
"Naku! Ok lang po, wag na po kayong mag alala sa ginawa ko."sabi ni happy.
"Heto nalang, pag may maisip ka nang pambawi namin sayo, eh mag sabi ka lang" sabi ng ina ni jimmy.
"O sige po pag iisipan ko!" Sabi Ni happy.
"Ano nga pala order nyo?" Tanong ni happy.
"hetong best seller nyo na beef steak, tapos orange juice" sabi ng ina ni jimmy.
"Ganon din sakin" sabi ng ama ni jimmy.
"Same narin sakin" sabi jimmy.
Masayang kumakain ang tatlo, dahil sa na kilala na nila ang hero ng buhay ni jimmy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALMOST PERFECT LOVE STORYWhere stories live. Discover now