Chapter 9

238 10 0
                                    

Chapter 9

Napasandal ako sa pader saka ipinikit ang mata, habang dinadama ang ihip ng hangin. break time namin at hindi na ako sumama kay Sere na pumuntang cafeteria dahil baka makita ko lang doon si Cullen.

iminulat ko ang aking mata at kinuha ang box na may lamang pagkain, nagbaon talaga ako ng pang-Lunch para hindi na ako bibili sa cafeteria. inilagay ko na muna ang Sketchpad sa gilid upang umpisahang kumain. after kasi ng klase ay dito na talaga ako dumeretso.... sa rooftop.

wala din kasing gaanong istudyante ang naglalagi o tumatambay dito kaya naman ay naisipan kong mag-stay sa rooftop, para mag-Lunch at hintaying matapos ang break time.

after kong maubos ang pagkain, tinuloy ko muli ang pagdo-drawing saka na rin ang mag-design. para din kasi ito sa Costume Designing subject namin. kanina ko pa ito inuumpisahan , medyo matagal pa naman ang deadline ng pasahan. wala kasi akong magawa kaya naman dito ko na lamang inuubos ang oras. narinig ko pang tumunog ang phone, pero hindi ko yun pinapansin, for sure si Cullen yun. kanina pa kasi siya tumatawag. ayaw ko na muna siyang makausap or makita. naiinis pa din ako sa kanya!

“your phone is ringing, hindi mo ba sasagutin?”

napahawak ako sa aking dibdib habang nililingon ang nagsalita! gosh, mabuti na lang at wala akong sakit sa puso. lagi na lang akong ginugulat, pisti!

hindi ko in-expect na nandito din pala si Yuki! ang pagkakaalala ko ay walang ibang tao dito ng makarating ako.

“kanina ka pa nandito?” I said to him

ngitian niya lamang ako saka naupo malapit sa gilid ko.

“Yeah!”
“Nauna pa ako kaysa sayo”

Oh? akala ko ay ako lang ang tao dito. hindi pala!

“hindi mo sasagutin?” pagtutukoy nito sa phone ko na kanina pa tumutunog.

umiling na lamang ako saka bumalik sa pagdo-drawing.

wala naman akong balak sagutin yun, dahil tama ako na si Cullen ang tumatawag ng mahagilap ng mata ko ang screen ng phone.

“Why? baka importante yung sasabihin”

I sighed heavily and looked at him.

“dont mind it” i said to him

kinuha ko ang phone saka ito shinutdown, para wala ng tatawag!

“I still can't believe that you are Cullen's fiancé” sabi pa nito

hanggang ngayon ay hindi pa din siya maka-get over sa nalaman!

“ex fiancé” pagko-correct ko

he just chuckled “Oh, really? bakit parang hindi naman, he's still your fiancé”

“yeah! whatever!” kibit balikat kong wika

hangga't patuloy pa din ang mga magulang namin about sa bagay na yun ay fiancé niya pa din ako! pero bahala sila dyan, hindi matutuloy ang binabalak nila at mas lalo lamang akong lalayo para hindi nila mahanap.

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅Where stories live. Discover now