Chapter 25

286 13 0
                                    

Chapter 25

Napayakap ako sa aking sarili ng maramdaman ang ihip ng hangin, kakababa lamang namin ni Saint sa sasakyan. kahit maulan ay parehas naming tinakbo iyon ni Saint para lamang makarating sa entrance ng Hotel. pangalawang Hotel na namin itong pinuntahan, yung una kasi ay puno na tapos iisang kwarto na lang yung available, good for one person lang iyon kaya naman ay ito na yung pinaka-last choice namin. sana naman may available Rooms pa sila para naman makapagpahinga na kami.

Medyo nagugutom na rin kasi ako saka nilalamig na ako. ikaw ba naman ang magsuot ng suot ko e, nilalamig na nga ang balikat, likod at dibdib ko dahil sa suot na ito! tapos may slit pa banda sa kaliwang legs ko.

“Wear this”

I blink twice and thrice, nakatingin pa din sa iniaabot nitong coat. yung tuxedo coat niya.

Kumunot ang noo niya nang makitang sinimangutan ko ito. “Kanina pa ako nilalamig, ngayon mo lang ibibigay yan?” naiinis kong sabi pero kinuha din naman yun

I heard him chuckled, psh!

“If i give this to you, we have no shield for the rain.” sabi pa nito

Umirap na lamang ako, pero maya-maya lang ay napaisip rin ako sa sinabi niya. tama naman siya! wala naman kasi kaming payong para magamit namin, mababasa kami ng sobra sa ulan kapag hindi namin ginamit yung tuxedo coat niya, psh!

Lumapit kami sa counter saka nagtanong if may available Rooms pa ba sila. shems, hanggang dito sa loob ng Hotel ay nilalamig pa din ako. naka-open ata yung Aircon nila!

“1 room na lang po ang available, ma'am/sir.” she said

“Ate, i-check mo ulit baka may na-missed ka-”

“Wala na po talaga ma'am. marami din po kasing nag-check in today, nahuli na po kayo ng dating! yung available room po namin is good for 2 naman po, couple room.” She smiled

“Couple room?!”

“Yes ma'am, 1 bed and good for 2 person... for couple po” nakangiti niyang sabi

omgosh! wala ng malapit na Hotel dito, ito na nga lang yung pag-asa namin e-

“It's fine.”

I raised my eyebrow at Saint, nakangiti lamang siya habang kinakausap yung babae saka iniabot sa kanya yung keycard ng room.

He turned to me smiling “Let's go?”

I was about to say something when he quickly hold my wrist saka ako hinila hanggang sa makapasok kami sa loob ng Elevator, inis kong binawi ang wrist ko sa kanya. magkasalubong ang kilay kong hinarap siya.

“Isa lang yung room-”

“I know!” he immediately said

“Bakit kinuha mo pa?”

“There is no Hotel we can stay in, this is our last option.” he seriously said

I sighed heavily and crossing my arms over my chest.

Nauna siyang naglakad kaya naman ay sinundan ko na lamang ito, itinapat niya sa censor yung keycard habang nakahawak ang isang kamay nito sa doorknob saka iyon pinihit at binuksan.

Nakakainis naman kasi, bakit dadalawa lamang ang hotel na mayroon! kapag pinagpatuloy pa namin siguro yung byahe baka wala na kaming matuluyan na pag-stay'an pa!

“You can use the bathroom first.”

Hindi na lamang ako umimik saka nagtungo sa bathroom, nilock ko na muna iyon bago hinubad yung suot ko.

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon