Chapter Twenty-Four

594 33 0
                                    

Third Person POV.

"Mag iingat kayo dahil hindi ko alam kung anong meron sa palasyo. Alam kong mayroong tinatagaong lihim sana lang ay matuklasan nyo iyon"

Iyan ang sabi ni Headmistress ng ihatid nya ang royalties sa bakuna ng Enchanted Forest.

Ang Enchanted Forest ay malawak ang sakop nito at maraming pwedeng kalabasan ang gubat na ito. Enchanted Forest ang nagsisilbing gitng ng Magic World. Sa kalawakan nito ay maari itong maging kuta ng ano mang kalaban kaya hindi mo gugustuhin na pumasok ng magisa lamang.

Mayroong daan sa Enchanted Forest papunta sa Heavenly Kingdom. Alam iyon ng Royalties dahil sinabi na sa kanila iyon ng sila ay mga bata pa lamang ng kanilang mga magulang.

Pinalaki ng mga Hari at Reyna ang mga Principe at Princessa na alam nila ang nangyari sa Heavenly Kingdom pero hindi Ditelyadong Ditelyadong basta basic information lamang.

" Pag dating nyo sa Heavenly Kingdom ay maari kayong magpahinga na muna pansamantala  dahil alam kong hindi magiging madali ang pagpunta nyo doon. Hihintayin namin kayo at sana sa pagbabalik nyo ay may sagot na kayong makukuha " tumango lang ang royalties sa sinabi sa kanila ni Headmistress. Ng kausapin sila ni Headmistress kanina ay agad silang bumabalik sa kanilang doorm upang maghanda na ang mga ito sa mga dadalhin nila papunta sa Heavenly Kingdom.

Pumasok na ang Royalties sa Enchanted Forest at nagsimula na silang maglakad papasok sa pinakang loob nito.

Kung tutuusin ay maari nalang silang mag teleport pero sabi ni Headmistress ay ito narin ang nag sisilbing mission nila kaya pinaglakbay sila. Mahigpit na kabilin bilinan nito na wag silang mag teteleport papunta doon na sinangayunan naman nila. Mas pabor sa kanila dahil may thrill ang kanilang paglalakbay.

" Sa tingin nyo anong nangyari sa Heavenly Kingdom? " Tanong ni Ann sa kanila habang naglalakad sila. Inabot narin sila ng ilang oras sa paglalakad at mataas na ang sikat ng araw pero tuloy parin sila sa paglalakad.

" Walang nakakaalam Ann pero sa tingin ko pag nalaman natin kahit konting connection na kung meron man sa palasyo ay doon na mag sisimula na malaman natin ang tinatagong nakaraan ng Heavenly Kingdom " pagsagot naman ni Mia sa tanong nito.

Maraming naiisip ang dalaga katulad din ng mga katanungan pero mas pinili nyang isantabi iyon dahil malalaman din naman nila ang sagot sa oras na makapunta na sila doon.

" Pero hindi ba kayo nagtataka? Ang Hari At Reyna ang pinakang malakas sa lahat pero bakit ganon ang nangyari? " Sabi naman ni Charles na ikinaisip naman nila. Tama ang lalaki sa sinabi nito malalakas ang mga ito pero bakit ganon ang nangyari?

" Mas mabuting bilisan nalang natin ang paglalakbay para ngayong araw din ay dumating na tayo sa Heavenly Kingdom " sabi ni Dark na isa rin sa napapaisip kung ano nga ba ang meron sa kaharian na iyon.

Iba nalamang ang pinagkwentuhan ng mga ito habang sila ay naglalakad sa Enchanted Forest hanggang sa napahinto sa paglalakad si Mia at sinenyasan ang mga kasama nya na tumigil sa paglalakad.

" Mia bakit? " Tanong nila dito na nagtataka narin dahil patingin tingin ang dalaga sa paligid nito. Si Dark naman ay mukang nakahalata din sa nakita ng dalaga kaya agad syang napamura at pinatakbo ang mga ito.

" Run! Run! " Kahit naguguluhan ang mga ito ay tumakbo sila papunta sa ibang direksyon papalayo doon.

"Ano bang nakita nyong dalawa?!"
Sigaw na sabi ni Greg habang tumatakbo sila.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now