HER VOICE (Vocal Unit)

690 19 0
                                    

"Y/N!" tawag sa'kin ng kaklase at kaibigan kong si Jane.  

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako nagtataray ha? Ibig sabihin lang noon ay tinatanong ko siya kung ano ang kailangan niya.  

Napa-irap naman siya nang makita ang pagtaas ng isang kilay ko. 

"Alam mo ikaw? Kaunti nalang talaga at sasabunutan na kita. Imbis na tanungin ako ng maayos kung ano ang kailangan ko, tinataasan mo lang ako ng kilay. Kung hindi lang kita kilala iisipin kong hindi ka marunong magsalita o bastos ka lang talaga" pagrereklamo niya.  

Ngumiti ako ng matamis bilang pagsagot sa kanya na siya namang naging dahilan upang paikutin niya ulit ang mata niya.  

"Anyway," pagpapatuloy niya, "Nagpaalam kana ba sa mga magulang mo?" 

Tinignan ko siya ng may halong pagtataka. Magpapaalam? Sa mga magulang? Para saan?  

"OMG! Don't tell me, hindi mo alam?!"  

Inirapan ko siya. Duh halata ba? Ahhh... baka hindi kasi hindi naman ako nagsasalita. Mukha naman naintindihan niya ang ibig kong sabihin dahil nagpatuloy siya sa pagsasalita.  

"May singing contest in 3 days dito sa school at inilista ko pangalan mo. Akala ko talaga alam mo na at nagpaalam ka na kina Tita na gagamitin mo yung mga gamit nila tsk."  

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ako? Kakanta sa harap ng maraming tao? Ni madalang nga akong magsalita sa bahay tapos pakakantahin ako sa harap ng mga schoolmates namin?  

"Baliw kaba?" tanong ko sa kanya na may halong inis. Kung hindi ko lang ito kaibigan, nahampas ko na siya ng gitara! 

Napapalakpak naman siyang bigla ng malakas kaya nagulat ako at napatakip sa dalawang tainga ko.  

"Finally! After 12345678910 years nagsalita ka din. Kahit hindi magandang salita 'yong lumabas ayos na rin, basta't alam kong marunong ka pang magsalita" may ngiti sa labi niyang saad.

"Tanggalin mo pangalan ko sa listahan, Jane. Hindi ako kakanta sa harap ng maraming tao. OVER MY DEAD BODY" may diin kong tugon sa kanya.  

Ngumiti lamang siya ng matamis bilang pagsagot. Nasampal ko ang aking noo sapagkat alam ko na ang ibig sabihin ng ngiting iyon.  

"So wala ka nang magagawa? That's okay, I still won't sing." tumalikod ako sa kanya at magsisimula na sanang maglakad paalis.  

"Kasali si Joshua!" sigaw niya na siyang nagpahinto sa akin.  

JOSHUA. JOSHUA. JOSHUA HONG.  

Pangalan niya pa lamang ay sapat na para lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tanging pangalan niya pa lamang ang narinig ko at para nang sasabog ang puso ko. Damn it! Unti-unti akong lumingon kay Jane. Nakita ko siyang ngumiti ng nakakaloko ng makita ang aking mukha. Namumula ba ako?  

"Mas lalong hindi ko kayang kumanta niyan" sagot ko at saka tumalikod ulit. Iniwan ko si Jane na nangingiti padin dahil sa nakita niyang reaksyon sa mukha ko. 

Naglalakad ako ng nakayuko nang bigla akong may mabangga. Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya ay alam ko nang lalaki ang nakabangga ko dahil matigas ang dibdib nito. Mabango din ito. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang bigla itong magsalita.

"Im so sorry. Are you okay, Miss?" tanong niya sa akin.  

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon.

"Hey? Ayos ka lang ba?" pag-uulit na tanong niya.  

Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso ko ngayon. Animo'y naglaho lahat ng boses sa paligid ko at nagwawala ang puso ko ng marinig ko ang boses ng taong iyon. I-aangat ko sana ang aking mukha ngunit...

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now